-SPECIAL CHAPTER-

97 11 2
                                    

"Ang tanga!" Inis na singhal ko kay Vane, Masama naman ang tingin na ibinaling nya sakin tsaka ibinaba ang cellphone sa mesa para kumuha ng tubig sa ref

"Malay ko bang iiwan talaga ko non dun magisa" Sambit nya kasabay ng pag-irap "Hirap na hirap akong pigilan yon, may isang salita yon Paulo" Inis nyang ibinalik ang tubig sa ref

Nakakunot ang noo ko nang tapunan ko sya ng tingin "Sinira mo lahat ng plano" Iiling iling na sambit ko "Anong gagawin natin ngayon ha?"

Naghalumbaba sya at tumingin sa taas, astang nagiisip "Dating gawi, Landiin mo si Elise" Ngumisi ako dahil sa sinabi nya

"Hindi nga nadadala yung tao Vane! Magisip ka naman!" Muli kong singhal, Binato nya ko ng panyo dahil sa inis

"Gumalaw ka din naman, Alam mo namang mahirap kalabanin si Elise paano ako mananalo don ha?" Inis nyang sambit tsaka tumalikod at padabog na umakyat sa kwarto.

Hindi magkamayaw sa init ang ulo ko, Nagiisip ng bagong plano.

"Anak? Balita?" Natigil lang ako sa pagiisip nang magsalita si Daddy, Hindi ko namalayan ang pagdating nya

"Si Franz at Elise na ulit Dad" Sambit ko tsaka nagpakawala ng malalim na hiningi, Taka kong sinulyapan si Daddy na wala manlang reaksyon sa binalita ko "Dad? narinig mo ba ko?"

"Oo, Gumawa ka ng paraan, Si Vane nasan?" Sambit nya tsaka umupo sa katapat kong sofa

"Nasa taas" Tugon ko

"Paulo, Uulitin ko" Tumingin sakin si Daddy ng diretso "Si Elise ang tagapagmana ng company nila" Tumango ako kay Daddy "Company natin ang nakasalalay dito Paulo, Buhay natin" Ngumisi sya tsaka iiling iling na umakyat.

Hinimas ko ang noo ko at nagpabalik balik ng lakad sa sala, Nagiisip ng bagong plano.

Hindi ko pwedeng hayaan to, Hindi pwedeng maging sila ulit.

"Mapirmi ka nga" Inis na sambit ni Vane tsaka umupo sa couch, Nakapagpalit na sya ng pantulog "Aalis ako sa management namin" Taka ko syang tiningnan saka umupo sa tapat nya.

"What's the plan?" Mahinahon kong sambit habang diretsang nakatingin sa kanya

"Maga-apply ako sa management ni Franz" Sambit nya habang di ako tinatapunan ng tingin, Tutok ang mata sa cellphone "Don, Pwede ulit kaming magkaroon ng loveteam"

"May Franlise Vane baka nakakalimutan mo" Pinanatili kong kalmado ang tono ko "Patok sila sa tao, Imposibleng masira sila"

"Palagi akong didikit kay Franz, Paulo" Tinapunan nya ko saglit ng tingin tsaka ibinalik sa phone "Posible ulit kaming malink pag ganon, Ikaw dating gawi trabahuhin mo si Elise" Ibinaba nya ang phone sa mesa tsaka kumuha ng mansanas na nakalagay don "Nasira na natin sila dati, Masisira ulit natin sila ngayon"

tumango ako, Tila nakukumbinsi sa mga sinasabi nya "Galingan mo" Ngumisi ako

"No, Magaling ako kumilos" Ngumisi din sya "Ikaw ang mabagal, Kaya ka lagi nauunahan" Sambit nya kasabay ng irap "Ikaw pa din dapat ang gagalaw dito Paulo, Ikaw ang inaasahan ni Daddy" Sambit nya tsaka muling umalis.

Pinanood ko lang syang umakyat sa kwarto, Napako ang tingin ko don at natulala ng magisip na naman kung paano ko makukuha ang loob ni Elise.

Bakit ba ang hirap mong pasakayin?

-

"Ano na?" Inis na tanong ko kay Vane pagpasok nya sa pinto ng bahay. Inirapan nya ko at ibinaba ang bag nya

"Kailangan ko ba talagang pasukin to?" Inis nyang binagsak ang sarili nya sa sofa

"Tanga ka ba? Ilang taon na natin tong ginagawa ngayon ka pa naginarte" Kunot noo akong nakatingin dito, Ngumuso sya sakin at nagcross arm, Pinagmasdan ko ang galaw nya at sinipat ang emosyon "Bakit ka nagkakaganyan?"

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon