-DIEZ-

82 13 0
                                    


"Titaaaa" Maingay na salubong ni Aira kay Mommy pagkapasok niya sa bahay. Niyakap sila ni Mommy isa isa at pinanood ko lang naman syang gawin yon.

Nagkayayaan kase ang mga mokong na dito tumambay sa bahay. Namimiss na daw nila ang luto ni mommy at namimiss na daw nila na magkalat dito sa bahay, Sira talaga ang mga ulo hahaha.

"Osya alis na ko ha" Sambit ni mommy tsaka lumapit sakin upang yumakap, Tinanguan ko lang sya ng kumalas sya tsaka kumaway.

Ganon ang trabaho ni mommy pag tumatambay dito ang tropa, Pinipili nyang umalis muna para daw may privacy kami at para daw hindi mahiyang gumalaw sila Aira.

"Ano na! Walwal na!" Excited na sambit ni Aira habang tumatalon talon pa, Akala mo naman ay ngayon lang makakatikim ulit ng alak.

"Kahit kelan ka talaga Airangot" sambit ni Jake, Nagtawanan naman ang tropa maliban kay Aira na masama ang tingin. "Easy" hinawakan ni Jake ang ulo ko tsaka umupo sa upuan.

Yumakap naman sakin si Kath "Kamusta buhay natin?" Ngumiti sya sakin "Kwento naman" Tinawanan ko lang sya tsaka umiling at tumalikod.

Pinili kong magpunta sa kusina, Maghahain muna ko para naman may laman ang tyan ng mga yon bago uminom ng alak. Buti nalang din at wala si kuya dahil siguradong guguluhin na naman ni Kath yon, May gusto kasi si kath don pero tinatawanan lang ni kuya.

Habang naghahain ako ay naiisip ko ang pangyayare nung isang araw, Kada punta ko ata sa kusina ay sya na ang maalala ko. Hindi kami nagusap kahapon dahil sinabi nyang may kailangan syang gawin pero di din naman ako nageexpect na maguusap kami pag di kami magkasama.

Hindi din ako masyadong nagsosocial media, gusto ko munang ilayo ang sarili ko sa toxic vibes, Nakakapanlambot pag puro katoxican ang umiikot sakin. Hindi naman talaga ko pala social media dati pero nung napanood ko si Franz sa TV ay naadik ako sa social media para isupport sya, Ngayon ay iniiwasan ko muna, hindi naman pala kailangan na palagi akong tutok don.

"Huy" muntik ko pang mabitawan ang plato na hawak ko dahil sa gulat kay Paulo "Patay ka! Buti at di nabasag yan kundi lagot ka kay Tita" pangaasar nya, inambaan ko sya na ihahagis ko sa kanya ang plato "Di mo ko kayang saktan baby" lalo ko syang sinaman ng tingin, Natatawa syang tumalikod sakin.

Hindi pa namin nalilinaw ni Paulo kung ano ang mga sinabi nya nung nakaraan, Kung bakit naging ganon ang sitwasyon, Mukhang wala lang naman sa kanya kaya hindi ko na din inisip.

Sinundan ko naman si Paulo sa sala para tawagin na ang tropa "Kain na" Tanging sambit ko, Naghiyawan naman ang ilan, Mukhang mga di kumain bago umalis.

Dirediretso silang umupo maliban kay paulo na hinintay muna kong makaupo bago umupo sa upuan nya. Nginitian ko lang sya tsaka sinenyasan na kumain na. Ramdam ko ang sinseridad ni Paulo sakin pero ayokong sirain ang pagkakaibigan namin kaya pipiliin kong hanggang don na lang yon kesa masayang ang samahan namin.

"Elise kamusta kayo nung Franz?" Sambit ni Aira habang ngumunguya pa, Tumikhim naman si Paulo kaya napatingin sa kanya lahat "Wag kang magselos" Pangaasar ni Aira kay paulo, nagtawanan naman ang ibang tropa. Hindi siguro nya naikwento sa iba ang nangyare nung nakaraan.

"Bobo ka?" Pangaasar din ni Paulo kay Aira

"Bobo yan pre!" Sambit ni Jake habang natatawa, Sinamaan naman sya ng tingin ni Aira "Boboo ng buhay ko" dahilan para magsigawan ang tropa

"Ikaw bobo ka?" Tanong ni Aira kay Jake

"Boboo din ba ko ng buhay mo?" Nakangising tanong ni Jake, Ang iba naman ay nagpapabalik balik ang tingin sa kanila.

"Hindi! Talagang bobo ka lang" Natawa ng malakas si Aira, halatang nakuhang asarin si Jake. Sila bryan naman ay inaasar si Jake.

Nagpatuloy lang ang asaran habang kumakain, Si Kath ay dinadaldal ako paminsan minsan, Si Aira ay focus na inisin si Jake, Si Paulo ay nakikipagkwentuhan sa iba. Masaya kaming nagkwewentuhan nang biglang tumunog ang doorbell.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon