-CINGCO-

130 15 4
                                    

ELISE POV.

"Elise!!!" nagulantang ako sa sigaw ni Mommy, Inis akong bumangon "Bumaba ka dyan dali!!!" Nagtaka ko dahil sa inakto ni Mommy, Hindi naman nya kasi ako ginigising sa umaga, ano kaya namang meron ngayon? "Hoy babae dalian mo!"

Huminga ko nang malalim, Wala pa ko sa wisyo "Teka lang mommy!" Tsaka ako inis na pumasok ng banyo at nag toothbrush. Nakakainis nasira ang tulog ko.

Paglabas ko nang banyo ay nagpalit na din ako ng damit na pambahay, naka pantulog lang kase ako. Baka tamadin akong umakyat mamaya para magpalit.

"Elise ano bababa ka pa ba?!" Sigaw na naman ni Mommy.

Napasinghap ako sa hangin tsaka pilit na bumaba, Nakakunot ang noo ko nang tingnan sya, ang aga aga pa ay nambubulabog na, Mommy naman.

"Ano ba mom? nasira ang tulog ko" nagmumukmok pang sambit ko.

"Kahapon ka pang hindi kumakain" Mahinahon nyang sambit habang naghahain ng pagkain. Naalala ko na naman ang pangyayare nung isang araw, Talagang nalungkot lang ako dahil pinaghandaan ko ang araw na yon tapos hindi natuloy "Kumuha ka ng tubig sa ref, maglagay ka sa mga baso" Nagtaka ko dahil limang baso ang nakalagay sa lamesa.

Apat lang naman kami dito ah? Kadalasan nga ay tatlo lang dahil wala si Daddy lagi, Mas inuuwian nya pa ang opisina nya kesa samin hays.

Nanlulumo akong nilagyan ng tubig ang mga baso tsaka pabagsak na umupo sa upuan, Nanlalambot ako palibhasay hindi ako kumain maghapon kahapon, Ginusto ko lang magkulong sa kwarto.

"Anong ginagawa mo diyan?" Taas ang kilay na tiningnan ako ni Mommy, Taka naman ang mata kong bumaling sa kanya "Sunduin mo ang bisita mo sa sala, pakainin mo na dito"

Bisita? Wala naman akong inimbita, Sila Mommy nga ay tamad na tamad akong kausapin, Kumausap pa kaya ng iba?

"Ha?" Sambit ko at hindi inaalis ang tingin sa baso

"Hakdog!" Sigaw ni kuya tsaka dirediretsong umupo sa tapat ko, Inis ko naman syang tinapunan ng tingin. "Puntahan mo na sa sala yon kanina ka pa hinihintay" hindi na ako nagtanong at pinili ko nalang na pumunta sa sala gaya ng sabi nila.

Parang nahihilo pa ko dahil nagbasa ko ng libro kagabi at napuyat ako, hindi ko naman inaasahan na gigisingin ako ni Mommy.

Napatigil ako nang makita ko ang lalaking nakatalikod sakin, Pinagmamasdan ang picture frame na nakasabit sa dingding, Naka suot lang sya ng shorts at Plain shirt pero malakas pa din ang dating. Kilalang kilala ko kahit pa likod nya lang.

"Hi?" Sambit nya nang sulyapan ako, Napakurap pa ko ng ilang beses tsaka sya nginitian nang kaunti, Napakagwapo.

Lord, Baka mahimatay na naman ako nito! di ko kinakaya ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Kanina ka pa?" Halos mangatal ang bibig ko nang sambitin yon, Sa tanong ko naman ay parang inaasahan kong pupunta sya "Bat ka pala andito?" pahabol ko pa

"Para bumawe sayo" Sambit nya suot ang blangko nyang mukha. Napakurap naman ako nang paulit-ulit nang sambitin nya yon.

Bakit naman kailangang bumawi? Ako naman ata ang may atraso sa kanya.

"Tara" Tanging nasambit ko tsaka sya inaya pumunta sa kusina. Umupo ako sa tabi ni Kuya, Ngunit itinulak nya ko sa kabila at sinenyasan na parang may pinapahiwatig, Sininghalan ko nalang siya "San daddy? umuwe?" Baling ko kay Mommy

"Ayaw mo ba?" Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Daddy, Masaya ko syang tiningnan "Goodmorning" Bati nya sakin tsaka sinulyapan sila Mommy, Taka nya namang tiningnan si Franz "Upo ka na ijo" Nanlaki ang mata namin nila mommy nang sambitin yon ni Daddy, kahit si Franz ay nanlaki ang mata.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon