-TREINTA-

97 11 0
                                    

FRANZ POV.

"Kailan ba matatapos to? Kailan ba kita mahuhuli?" Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan si Vane na nakaupo sa sala "I badly miss my girlfriend" malungkot na sambit ko

Matagal ko ng hindi nakikita si Elise at ramdam ko ang sama ng loob nya sakin. Nabalitaan ko ang nangyare kay Tito at kinakamusta ko naman sya paminsan minsan sa kuya nya, Ayoko lang na kausapin sya ng sobra dahil alam kong lalo nya kong mamimiss, Alam ko namang maiintindihan nya ko kapag nalaman nya ang rason ko.

-

"Sinabi mo kay Elise na nagpunta dito si Vane?" Kunot noong sambit ko kay Railey

"Hindi ah, Nakwento ko kay Zia baka si Zia ang nagsabi" Kumibit balikat sya, Napasapo ako sa noo ko sa inis.

Ayoko nang ipaalam sa kanya ang pagpunta punta ni Vane dito dahil siguradong masasaktan yon, nararamdaman kong kaunti na lang ay makukuha ko na ang hinahanap ko kay Vane.

Anong koneksyon nyo ni Paulo? Anong plano mo Vane?

-

"Franz, Ano ba talagang plano mo kay Elise?" Tanong sakin ni Mama "Bakit palaging nandito yang si Vane? May girlfriend ka ah, hindi maganda yan" Inis na sambit sakin ni Mama

"Ma, Magtiwala ka sakin" Kinindatan ko sya at iiling iling naman sya habang nagiiwas sakin ng tingin

Gustong gusto ko na din makita si Elise Ma pero kailangan kong tiisin to.

I miss you Love.

-
"Tangina dali" Sambit ko kay Railey nang maiwan ni Vane ang phone nya sa bahay, agad naming hinalungkat yon at ipinasa sa phone ko ang mga ebidensya na nandoon.

Sumasakit ang dibdib ko habang binabasa ang mga text messages nila ni Paulo, Nilalamon ako ng galit dahil pinaglalaruan kami at naaawa ako kay Elise dahil puro kabaitan lang naman ang ipinakita nya.

Pinicturan ko ang mga text message na yon para may hawak ako na laban sa kanila.

Hindi nagkamali ang kutob ko, sana ay matagal ko na tong inalam para hindi na lumaki at lumala.

"Lah kuya may tumatawag, Paulo nakalagay" Sambit ni Railey habang nakatingin sa phone, Kinuha ko yon at kinuha ang phone ko para irecord ang mga posibleng sabihin ni Paulo.

[Nasan ka na? Kamusta trabaho? Sobrang lungkot ni Elise ngayon] Nagngitngit ang panga ko at umakyat ang dugo sa ulo. Parang nangati ang kamao ko at gustong manapak bigla.

"Uy Paulo ikaw pala yan, si Franz to naiwan ni Vane itong phone nya dito sa bahay eh" Napatawa ko nang marinig ko ang pagtikhim nya tsaka pinatay ang tawag.

"Franz nandyan si Vane sa labas!" Sigaw ni Mama sakin, Napangisi ako at kinagat ang pangibabang labi ko

Tinapik ko ang balikat ni Railey para samahan ako sa labas.

"Hi, Naiwan ko phone ko" Natatawang salubong sakin ni Vane, Diretsa ko lang syang tiningnan at nginisian

"Here" Iniabot ko sa kanya ang cellphone nya

"Thanks" Naiilang na sambit nya

"Tumawag dyan si Paulo ah" Natatawang sambit ko habang kinakamot ang batok ko

"H-ha?" Alinlangan nyang sambit, Kinakapa ang sitwasyon, Si Railey ay sinulyapan ko at iiling iling lang na nakangisi habang diretsa ang tingin kay Vane. "A-anong s-sabi?" Nahihirapan nyang bigkas

Kung hindi lang babae si Vane ay baka nakatikim na sya ng sapak sakin, pasalamat na lang sya at may natitira pa kong respeto sa kanya.

Sa dami ng taong gagaguhin nyo bakit si Elise pa? Bakit ang babaeng mahal ko pa?

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon