-CATORCE-

74 11 0
                                    

Month has gone so fast, Naging busy si Franz ng mga nakaraang linggo dahil madami syang kailangang trabahuhin pero naglalaan pa din sya ng oras sakin, Pinipilit nya kong puntahan dalawang beses sa isang linggo, Sapat naman na yon para sakin dahil naiintindihan ko naman na madami syang kailangan gawin.

Buryong buryo ako dito sa bahay pag hindi ko sya kausap, hindi ko naman magulo ang mga kaibigan ko dahil may kanya kanya silang bakasyon kasama ang pamilya.

Nakakahinga na ko ng maluwag dahil mainit naman ang pagtanggap sakin ng mga fans ni Franz, ang ilan sa kanila ay nagalit dahil bakit daw kailangang ako pa eh madami namang iba? Ang iba naman ay natuwa lalo pa ang mga kasama ko sa fangirl world, Nilinaw na ni Franz sa lahat kung anong meron samin, katwiran nya ay para wala na daw akong iisipin pag naging kami na talaga. Wala din kaming naging problema sa management nya, kinukuha pa nga nila kong artist pero tinanggihan ko, Wala akong hilig sa ganon.

"Aw boploks!" Inis na singhal ko sa aking sarili nang mahiwa ko ang daliri ko. Naggagayat kase ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko, umalis kase si Mommy dahil may company event sila mamayang gabi kailangan nyang maghanap ng susuotin. "Aray" Inis akong pumunta sa sink para hugasan ang sugat ko.

"Anong nang--"

"Ay palaka ka!" Napatalon ako dahil sa gulat, Inis kong tiningnan si paulo tsaka ibinato sa kanya ang nadampot kong sponge. "What are you doing here aber?"

"Malamang pinuntahan ka" Sambit nya, Lumapit naman sya sakin at hinawakan ang kamay ko "Ano nangyare dyan?"

"Nahiwa ako" Ngumuso ako para magpacute, iiling-iling naman syang ngumisi sakin

"Bobo sino may kasalanan?" Pangaasar nya

"Yung knife! so epal" Inis na sabi ko, masyado ata akong lutang kanina kaya hindi ko namalayan ang pagdulas ng kutsilyo "Bat di ka pala kumatok ha? Kakasuhan kita!"

"Kasalanan ko bang di mo ko pinagbubuksan?" Suminghal sya sakin tsaka pinihit ang La germania stove "Ano lulutuin mo?"

"Bicol express" Huminga ko ng malalim tsaka bumalik sa mesa

"Ako na magluluto, ipahinga mo yang kamay mo" Pinagkunotan ko naman sya ng noo "Marunong ako" Tumango ako sa kanya tsaka umupo "Lagyan mo ng band aid yang sugat mo" Tinanguan ko lang sya tsaka ako umakyat sa kwarto para kumuha ng band aid.

Pagkatapos ay sumilip ako sa kwarto ni Kuya, Masyadong mahimbing ang tulog, tanghali na ay hindi pa din nagigising, Iiling-iling akong bumaba.

"Kelan ka pa natuto magluto?" Tanong ko kay Paulo

"Pake mo?" Pangaasar nya, Tiningnan ko sya ng masama bigla naman syang nagpeace sign kaya sabay kaming natawa "Ako nagluluto sa bahay"

"Hmm" Tumango tango ako "Hindi ko yata alam yon" Natatawa kong sambit

"Hindi ko naman alam na interesado ka" Tumawa din sya. Pinagmasdan ko lang si Paulo habang nagluluto sya, hindi ko alam kung san nagsimula yung closeness naming dalawa pero masaya kong may kaibigan akong gaya nya "Kayo na nung Franz?"

Napaangat ang tingin ko sa kanya sa gulat "Huh?"

"Huh?" Panggagaya nya "Kunwari pang hindi narinig" Ngumisi sya "Ano? kayo na?" Pagulit nya

"H-hindi pa" Parang hirap na hirap ata kong sabihin yon kay Paulo, Gusto kong maging maingat sa mga salita ko lalo pa't aware naman ako sa nararamdaman nya

"Hmm" Ngumiti lang sya sakin at hindi na nagsalita, Pinatong ko ang dalawang braso ko sa lamesa tsaka pinatong ang ulo ko habang iniintay syang matapos.

Nang matapos ay kumuha ako ng tatlong plato para samin nila kuya. "Tawagin ko lang si Kuya ah" Sambit ko, Tumango naman si Paulo.

Nang aakyat na sana ko ay biglang may nag doorbell dahilan para mapalingon ako kay Paulo "Ikaw na magbukas, ako na pupunta sa kuya mo" Tumango lang ako sa kanya at diretsong pumunta sa gate.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon