-DIECINUEVE-

67 8 1
                                    

Nakatambay ako dito sa terrace habang nilalaro ang kamay ko, Nagiisip sa mga nangyayare. Isang linggo na din pala at hindi pa kami nagkikita ni Franz, hindi din kami nakakapagusap dahil busy daw sya at may kailangan silang tapusin ni Vane, naiintindihan ko naman yon kahit mahirap ay pinipili kong intindihin.

Nandito ko sa terrace dahil umaasa kong dadalawin nya ko ngayong araw dahil monthsary namin, Iniisip kong baka paglaanan nya naman ako kahit sandaling oras.

Nangingiti ako nang balikan ko kung paano kami nagsimula, kung paano kami nagkakilala, kung paano sya nanligaw at kung paano kami nakarating dito.

Napasulyap ako sa cellphone kong nasa tabi ko nang tumunog yon.

[Sis si Pau] Kumabog ang dibdib ko nang iyon ang unang bungad sakin ni Aira

"Ano nangyare?" Kinakabahang sambit ko

[Coma si Tito] Pigil ko ang hininga ko nang muling magsalita si Aira, Nabawasan ang bigat ng dibdib ko nang marinig na walang nangyare kay Paulo pero malungkot pa din dahil sa nangyare kay tito.

"Nakapunta ka na?" Sambit ko

[Ayon nga kaya ako tumawag baka gusto mo sumama] Huminga ako ng malakim

"Bukas nalang ako, Ingat" Tsaka ko pinatay ang tawag.

Halo halo na ang nasa isip ko parang wala akong lakas makita si Tito na ganon at si Paulo na nanghihina dahil sa lungkot, wala akong lakas ngayon na magpasaya ng tao.

"Okay ka lang?" Napaangat ang tingin ko nang magsalita si Kuya na nasa tabi ko na pala

"Oo" Maiksing tugon ko tsaka pilit na ngumiti sa kanya

Tumango sya "May papabili ka? Aalis ako" Umiling ako sa kanya tsaka muling ngumiti "Pag meron tawagan mo ko" Tinapik nya ang balikat ko tsaka umalis.

Huminga ko ng malalim nang maramdamang tutulo na ang luha ko, Pakiramdam ko ngayon ay sobrang bigat ng didbib ko dahil halo halo ang laman ng utak ko.

Pilit kong nilibang ang sarili ko sa terrace ng ilang oras at nang mabigo ako na makita si Franz sa harap ko ay pinili ko ng umakyat sa kwarto.

Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama at tumingala sa kisame, Iniisip ko ngayon kung hanggang kailan kami dapat na ganito? Kung hanggang kailan ako magpapanggap na okay?

"Anak kakain na!" Nagising ako sa sigaw ni Mommy habang kumakatok sa kwarto ko

Naginat muna ko bago bumangon, nakatulog pala ko kanina, Mabuti na yon at nakapagpahinga ako.

Kami lang ni Mommy ngayon ang kumakain kaya medyo tahimik, Si daddy kase ay nasa office at si kuya naman ay umalis.

"Elise" Napaangat ang tingin ko kay mommy "Ilang araw ka ng wala sa katinuan mo, Ano bang nangyayare sayo?" Alalang tanong nya.

"Wala mom" pinilit kong ngumiti sa kanya

"Pwede ka namang magsabi sakin anak pag may problema" Halata sa tono ni Mommy ang pagaalala "Kahit hindi mo aminin alam kong mayroon dahil nanay mo ko"

Umiwas ako ng tingin "Mom nakadalaw ka na sa hospital?" Pagiiba ko sa usapan

Bumuntong hininga sya at piniling umiling sakin "Pupunta palang ako don mamaya, nakakaawa ang tita mo iyak ng iyak" Mommy ni Paulo ang tinutukoy nya "Sasama ka ba?"

"I can't" Umiling ako sa kanya tsaka itinuon ang tingin sa pagkain "Bukas nalang Mom, ayokong makita si Paulo na malungkot" Ngumiti sya sakin ng bahagya.

Nang matapos kumain ay bumalik ako sa kwarto para magbasa ng libro, Pilit kong nilibang ang aking sarili sa pagbabasa. Balisa ako, hindi malaman ang gagawin. Paminsan ay tumatayo ako para kumuha ng tubig sa mini ref ko at babalik sa pwesto ko pagkatapos.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon