-VEINTE TRES-

58 10 0
                                    

Elise POV.

Guminhawa ang pakiramdam ko matapos naming magusap ni Franz nung nakaraang linggo, Pakiramdam ko ay nawalan ako ng tinik sa dibdib dahil nailabas ko ang nararamdaman ko. Matapos ang paguusap na yon ay hindi na kami nakapagkita, Nalinawan naman kami nang gabing yon, Humingi din sya ng ikalawang pagkakataon, sinabi nyang babawi sya at hinayaan ko namang gawin nya yon, Lahat naman ng tao ay deserving na bigyan ng second chance. Masyado kaming naging busy ngayong linggo kaya kahit sa office ay hindi kami makapagkita, Nagpapadala naman sya ng kung ano-anong bagay sakin sa bahay para daw makabawi. Minsan ay bulaklak, minsan ay pagkain.

"Kayo na ulit?" Tanong ni Kath pagkatapos kong magkwento, Ngumisi lang ako sa kanya "Ayoko yang ngisi mo Vianca Elise!"

"Hindi pa gaga" Sambit ko, Nandito kaming tatlo ngayon sa condo ni Aira, Pahinga ulit kami ng isang linggo kaya malakas ang loob ko na tumambay.

"Hindi pa? Hina mo naman!" Pangaasar sakin ni Aira

"Sus porket marupok ka kay Jake" Pangaasar ko din, inirapan lang ako ng bruha tsaka pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain "Ikaw babae kelan mo balak magseryoso?" Inis kong tanong kay Kath

"One month, One man" Ngumisi sya sakin tsaka ipinatong ang paa sa mesa "Kaya kayo nasasaktan nyan ni Aira, masyadong seryoso" Umiling sya tsaka nilaro ang kuko nya

"Makakahanap ka din ng katapat mo bitch" Sambit ko tsaka inihilig ang sarili sa couch

"Iniintay ko nga kase yung kuya mo!" Singhal nya, napatawa naman ako sa asta nya

"May girlfriend na, wala ka ng pagasa" pang-aasar ko. Inirapan lang ako ng gaga.

"Eh bat nga hindi pa kayo nagbabalikan?" Inip na sabi ni kath "Ang hina mo bitch"

Huminga ko ng malalim bago sya inirapan "Hindi pa namin napapagusapan"

tumango sya "Masaya ka naman ba na bumalik sya?" Sinserong tanong nya

"Oo naman, Kahit naman baliktarin pa ang mundo ay mahal ko pa din sya" Ngumisi ako sa kanya

"Iba ka talaga Elise, Sa dalawang taon di manlang nabago ang nararamdaman mo?" Iiling iling na sambit ni Kath, parang hindi makapaniwala sa nangyayari

"Kahit yata ilang taon pa Kath, Sya pa din" Ngumiti ako at tumingala sa kisame

"Sya ganon pala, Sunggaban mo agad ng halik pag nakita mo" Binato ko sya ng unan nang sambitin nya yon, Tatawa tawa naman sya na sumulyap sakin.

Nang makabalik si Aira ay may dala na syang pagkain "Bat andami nyan?" Takang tanong ni Kath, taka din akong tumingin kay Aira nang ibaba nya ang pagkain sa mesa

"Pinapunta ko si Veri" sambit ni Aira, Tumango lang si kath.

Ngumiti ako nang maisip kung gaano kaayaw ni Kath na makasama si Veri dati, sobrang selosa kase ni kath pagdating sa tropa kaya ganon na lang nya ayawan si Veri pakiramdam nya ay naagaw si Aira samin pero sa huli ay nagustuhan na din ni Kath si Veri, halos magsabunutan na nga ang dalawa sa asaran.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago dumating si Veri, Masaya syang bumeso sakin "Sis nasa lobby si Franz hinihintay ka" Bulong nya tsaka tumalikod para bumeso kila kath

"Hoy Veri ano bang sinasabi mo?" Takang tanong ko

"Sabi ko nasa baba si Franz hinihintay ka!" Sigaw nya kaya sabay na napatingin samin si Kath at Aira, Masama naman ang tingin na itinapon ko kay Veri.

"Yie! Go na bitch!" Pangaasar ni Kath. Kinuha naman ni Aira ang bag ko at itinulak ako palabas ng pinto sabay bigay ng bag sakin, Wala na kong nagawa kundi bumaba sa lobby.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon