-VEINTE OCHO-

90 10 0
                                    

Hindi mapalagay ang loob ko dahil sa nakita ko sa phone ni Paulo nung nakaraang araw. Pagkatapos naman noon ay nagmamadali syang umalis dahil may emergency daw sa bahay nila, Matapos non ay hindi ko na sya makausap dahil palagi nyang sinasabi na may kailangan syang gawin.

Hapon na ngayon at maghapon ko nang hinihintay ang tawag ni Franz dahil may ginawa daw sya maghapon, Hindi ko alam kung kailan nya ba matatapos ang mga dapat gawin dahil wala pa kaming maayos na usap. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita at hindi pa namin napaguusapan ang pagpunta punta ni Vane sa bahay nila.

Si Zia ay tinatanong ko pero wala naman daw nababanggit si Railey about sa kuya nya at kay Vane, Sana talaga ay walang mangyaring kakaiba dahil iba ang kutob ko kay Vane, dumagdag pa si Paulo.

Napatayo ako sa pagkakabangon sa kama ko nang tumunog na ang phone ko at napangiti ako nang makitang si Franz ang tumatawag.

"Hi" Masiglang bati ko

[Hello Love?] Ramdam ko ang pagod sa boses nya [Sorry ngayon lang natapos mag edit] Narinig ko ang pagbuntong hininga nya

"Okay lang Love" I said softly, pinipili kong maging kalmado para maalis din kahit paano ang pagod nya "You okay?"

[Yeah, I'm good.. Sorry ha busy] Malungkot ang tono nya

"Naiintindihan ko naman" Sambit ko. Naiintindihan ko naman talaga si Franz, kaya lang hindi maalis sakin na malungkot dahil sa pagkamiss ko sa kanya.

[Babawi ako kapag okay na lahat Love, Promise] Ngumiti ako at naging excited sa araw na yon

"You want to rest na?" I said in a soft way again

[Can I?] Kahit nalulungkot ay nararamdaman ko na ang pagod nya kaya gugustuhin ko munang magpahinga sya

"Go now, Take a rest" Pinilit kong itago ang lungkot sa tono ko "I love you"

[Thank you Love, I love you] Tsaka nya pinatay ang tawag.

Nang matapos ang tawag ay pinili ko namang tawagan si Aira, Mababaliw ako sa kakaisip at pagkokonekta ng mga bagay bagay sa utak ko.

[Problema?] nabosesan ko agad ang katarayan nya

"Sleep over naman kayo dito, Sama mo Kath" Sambit ko, Alam kong matutulungan ako ng dalawa

[Sure sis, Wait for us] Masiglang sambit nya [Bye!] Tsaka pinatay ang tawag.

Gusto ko din na maging maingay ang bahay, Si Mommy at Daddy ay palaging nasa kompanya dahil hanggang ngayon yata ay ginagawan nila ng paraan ang nangyayare sa kompanya, Si Kuya naman ay pumupunta sa girlfriend nya kaya palagi akong naiiwan dito sa bahay na magisa.

Dati naman ay okay lang dahil may mga kaibigan akong mahilig dumalaw pero ngayon ay may kanya kanya na silang inaayos kaya nahihirapan na kong mayaya sila.

Isang oras ang lumipas ay narinig ko na ang tunog ng doorbell, Masigla akong bumaba at binuksan ang gate para maipasok ni Aira ang sasakyan nya. Bumeso ako sa kanila nang makababa sila ng kotse.

"Ano kayang problema ng gaga" Sambit ni Aira, natawa lang ako sa kanya at iginaya sila papasok sa kwarto ko. "Bitch ano problema mo?"

"What are you talking about?" Pagpapanggap ko tsaka umupo sa mini chair ko, Si aira ay dating gawi na nasa couch na, si kath ay nasa kama.

"Ano gaga? di mo naman kami papapuntahin dito ng wala lang" Umirap pa sya at bumuga ng hangin

"Tama si Airangot" Sambit naman ni Kath, Binato ni Aira si kath ng unan dahil sa pagpapasama ng pangalan nya

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon