-TRECE-

98 14 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Boracay, Nagplano si Mommy ng bakasyon dahil masyado daw kaming naging busy nung mga nakaraang buwan. Si Mommy at daddy ay nagdinner ngayon, Isinasama kami ni kuya pero pinili naming magpaiwan para masolo nila ang oras, Masyadong busy si Daddy sa trabaho at ngayon lang sya makakabawi kay Mommy.

Ako lang ngayon ang naiwan dito sa hotel, si kuya ay magpapahangin daw muna sa tabing dagat, Pakiramdam ko ay napagod ako sa byahe, medyo gabi na din nang makarating kami dito kaya medyo lambot na ang katawan ko. Hindi naman ako mahilig magswimming, Siguro ay bibisita lang ako bukas sa dagat para magpicture tapos papasok na ulit dito sa hotel, Buti sana kung kasama ko si Franz na maglakad sa buhanginan matutuwa pa ko.

"Ano bang kakornihan yan Elise" Bulong ko sa aking sarili habang natatawa.

Iniayos ko sa Cabinet ang mga damit namin tsaka ako kumuha ng susuotin bago pumasok sa banyo para magshower. Pagkatapos kong magshower ay humiga ako sa kama ko, Dalawang kama ang nandito, Sa kabila si kuya tapos katabing kwarto naman namin si Mommy at daddy.

Papikit na sana ko nang biglang tumunog ang phone ko, Dali dali kong kinuha yon at sinagot ang tawag

[Hi] Napangiti ako nang muling marinig ang boses nya.

"Hello?" Sambit ko

[Bora na?] Tanong nya

"Yes" Tanging tugon ko

[Ayaw mo ba ko kausap?] Dinig ko ang buntong hininga nya

"Why?" Tanging tugon ko ulit, Ayoko namang umasta na kinikilig.

[Eh parang ayaw mo ko kausap eh] Muli syang bumuntong hininga [Ano ginagawa mo?]

"Matutulog na sana, napagod ako sa byahe eh" Buntong hininga ding sambit ko.

[Sige na goodnight na, See you tom] Tsaka nya pinatay ang tawag.

Anong sinasabi nyang magkita kami bukas? Eh hindi pa naman kami uuwe. Hindi ko na pinroseso  ang sinabi ni Franz at pinili nalang na pumikit.

Kinabukasan ay nagising ako sa boses ni Kuya "Breakfast time!!" Sigaw nya, Inis ko syang binato ng unan "Mahal na señorita ito na po ang breakfast nyo" tsaka nya nilapag sa side table

"San galing yan?" Takang tanong ko

"Sa bisita mo" Nakangiti syang tumingin sakin "Iba ka Vianca hanggang bora may dalaw ka" Nakakunot ang noo ko syang tinapunan ng tingin, Nagkusot pa ko ng mata tsaka naginat na parang bata "Kakain muna kami nila mommy ha"

"San nga galing?" Bumangon na ko para tingnan ang pagkain

"Sa bisita mo nga!" singhal ni Kuya "After mo dyan katukin mo daw sya sa kabilang kwarto, Kanan!" Tsaka sya lumabas ng kwarto.

Taka kong tiningnan ang mga pagkain, I saw a Egg fried rice with bacon and omelet for appetizer, I also saw a waffle, coffee and water, Nakalagay sya sa tray.

Palibhasa'y hindi ako kumain kagabi ay nagugutom na ko, Hindi ko na inisip kung kanino nanggaling ang pagkain, Mumultuhin ko nalang si kuya pag namatay ako dahil sa lason.

Nang matapos akong kumain ay pumasok na ko sa banyo para magshower at magtoothbrush. I am wearing now a white offshoulder beach dress and brown beach sandals. I tied my hair in a half bun. Sa loob ng dress ko ay naka tube bikini top and high waisted bottom na ako baka maisipan kong magpictorial mamaya.

Nang matapos na ko magayos ay pinuntahan ko na yung room na sinabi ni Kuya, kung sino man ang nagbigay ng pagkain gusto kong magpasalamat sa kanya dahil masarap ang breakfast ko ngayon. Kumatok ako ng ilang beses bago bumukas ang pinto.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon