-TRES-

159 17 2
                                    

Masaya kong sinulyapan ang aking sarili sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko.

Ngayon ang araw na pinakahihintay ko.

Makikita ko na sya.

Di ako magkamayaw sa paglipas ng araw kahapon. Ni hindi na ako nakatulog sa kaba at excitement na nararamdaman ko.

Pinaghandaan ko ang araw na to, Nagpatulong pa ako kay Mommy maghanap ng susuotin at nagpaturo pa ko maglagay ng blush-on para manlang gumanda ko kahit konti pag nagkita kami.

Pagkatapos kong magayos ay muli kong nginitian ang aking sarili sa salamin. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo dahil maaari ko syang makausap sa personal.

Masaya kong inihanda ang regalo ko para sa kanya. Ipinagbake kase sya ni Mommy at ibinili ko naman sya ng damit at belt bag. Sana ay magustuhan nya to.

Inayos ko ang damit ko at muling sinuklay ang buhok ko tsaka ako huminga ng malalim bago piniling lisanin ang kwarto ko.

Nakangiti kong nilapitan si Mommy na naghahanda ng makakain at masigla naman nya kong sinalubong.

"Mukhang masayang masaya ka ha" pangaasar nya "Iniintay ka ni kuya mo sa terrace" Taka ko naman syang tiningnan "Ah di ko pala nasabi sasamahan ka daw nya"

tinanguan ko naman sya "Kahit kailan ay hindi ako makaligtas kay kuya" Buntong hininga ko pang sambit

"Iniingatan ka lang non ano ka ba" Sambit ni Mommy habang inaayos ang mesa. Nakangiti ko naman syang tinitigan, Naghahanda pa sya sa paguwi ni Daddy eh galing lang naman sa inuman tsk "Baka matraffic pa kayo nak" tsaka sya lumapit sakin para magpaalam

Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad patungo sa terrace kung saan ako hinihintay ni Kuya.

Agad naman nyang napansin ang saya ko ngayong araw "Ngayon ka lang ata natuwa" Kumunot ano noo ko dahil hindi ko sya naintindihan "Kadalasan pag kasama mo ko ay nagrereklamo ka tsk" singhal nya pa. Natawa naman ako ng bahagya dahil kadalasan nga naman ay nakabusangot ako pag kasama ko si Kuya, Kada galaw ko kasi ay napapansin nya.

Ring...

Halos mapatalon ako sa gulat ng tumunog ang cellphone ko, sino ba namang tatawag sakin sa ganitong oras.

Franz Calling...

Kinusot ko pa ang mata ko ng makita ko ang pangalan nya sa cellphone ko. Akala ko ay namamalikmata ko ngunit tama pala ang nakikita ko.

Tumatawag sakin ang idol ko

"Hoy! Sino ba yan? Sagutin mo na!" bulyaw pa sakin ni Kuya habang nilalaro ang phone nya

"Kuya si Franz to" kinakabahan pang sambit ko

"Abay sagutin mo! Mahiya ka naman sa tao nakailang ring na yan" Pabalik balik ang tingin ko sa cellphone ko at kay kuya

Taena kinakabahan talaga ko.

📞..

[Hello Elise?] Napahawak ako sa bibig ko ng marinig kong muli ang boses nya [Elise?]

Huminga muna ko ng malalim "Hello?" Nagpakawala ulit ako ng malalim na hininga nang makapagsalita ako.

Parang hirap na hirap akong ibuka ang bibig ko pag ikaw ang kausap ko Miaco.

[Elise] narinig ko din ang paghinga nya sa kabilang linya [Sorry ha? Baka pwedeng iresched muna natin pagpunta mo samin may emergency lang] Pumintig ang tenga ko dahil sa narinig ko, nanlumo akong bigla [Elise? sorry]

mangiyak-ngiyak na ko sa puntong to "Okay lang" Tanging nasambit ko.

[Text nalang kita kung kelan pede] Tsaka sya tumahimik at naghintay ng sagot ko, Ngunit nabigo sya dahil wala akong lakas magsalita [Sorry ulet, See you soon]

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon