-OCHO-

103 13 0
                                    

"Boploks ka ba? Date yun!" Pagpipilit pa ni Aira, Sininghalan ko naman sya.

Sakay kami ngayon sa sasakyan nya para pumunta sa condo nya, May pa simpleng party daw sya dahil birthday nya. Ininvite nya yung squad namin at naginvite pa din sya ng iba.

Nakasuot lang ako ng plain yellow shirt then naka tuck-in sa skirt, Pairing with a white sneakers.

Kinwento ko sa kanila ang kaganapan nung isang linggo, Pagkatapos akong maihatid ni Franz sa bahay ay finollow nya ko sa mga social media accounts ko, Isa sa matagal ko ng gustong maabot as a fangirl 

"Sino inimbita mo bukod sa squad?" Tanong naman ni Kath na nasa likod.

Silang dalawa ang pinakaclose ko sa squad namin pagdating sa mga gantong bagay, Sabagay kaming tatlo lang kasi ang babae, the rest ay lalaki na.

"Sila Veri kilala nyo?" Sinulyapan kami ni Aira tsaka ibinalik sa daan ang tingin, Dala-dala nya ang sasakyan nya, Hindi naman kami marunong magdrive tamang asa lang kami ni Kath.

"I don't know her" Maarteng sambit ni Kath.

Inirapan naman sya ni Aira "Sya yung babae madalas sa story ko" pagpapaliwanag ni aira, Ah yung kaklase nya siguro. "Sabi ko naman ay magsama sya ng gwapo para may maharot tayo" Sininghalan ko lang sya tsaka ibinaling ang tingin sa daan.

"Ay bet ko yan!" Masiglang sagot naman ni Kath, Pag talaga kaharutan ay nangunguna ang isang yan "May inuman ba?" Muli akong napansinghap sa hangin.

"Ayon pa ba ang mawala bruhilda ka" Natatawang tugon naman ni Aira. "Etong isa o bait-baitan na naman" Natawa ang dalawa, masama ko naman silang tiningnan.

Sa Squad kasi namin ako lang ang hindi umiinom, nakakasama nila ko sa inuman pero namumulutan lang ako kaya madalas halos manakit ang ulo ko sa batok ni Kath dahil di na nga daw ako nagaambag namumulutan pa ko.

"Hoy feeling ko bet ka nun ni Franz!" Pangaasar pa ni Kath "Push mo na yan be sayang lahi" inirapan ko sya tsaka pilit na inabot para sabunutan. "Aayaw ka pa? akin na lang" Masama ko syang tiningnan.

Hindi ko nalang sila pinansin at pinili nalang itutok sa nadadaanan ang tingin.

Nang makarating kami sa condo bumungad samin sila Jake at ang iba pang tropa, Walo kami sa squad at lima sa amin ay lalaki kaya medyo magulo pag magkakasama kami, Sobrang daldal pa ni Aira at Kath.

"Hi Gorgeous" Bati ni Jake kay Aira, Inirapan lang sya nito at diretsong pumunta sa kusina para asikasuhin ang foods and drinks "Bitter pa din" Tinawanan ko lang si Jake tsaka umupo kung nasan yung ibang tropa.

Wala pa ang ibang bisita kaya abala pa si Aira magayos ng mga ihahain nya mamaya, Panigurado pagdating nila Veri ay magwawalwal na sila ng sobra, Ako naman ay hindi talaga magustuhan ang lasa ng alak.

"Pre may chix daw mamaya" Inismiran ko si Paulo na nagsalita "Ano Elisa?" binatukan ko sya "Aray! napakabrutal talaga!" Sambit nya habang kumakamot sa ulo. Keganda ng pangalan ko papasamain pa ng mokong.

"Pass ako men" taka kong tiningnan si Jake "Birthday ng bebe ko" Nagsigawan naman ang ibang tropa kaya natawa kami ni Paulo, Si kath ay kasama ni aira sa kusina kaya kami lang ang nandito. 

"Bebe ka ba?" Sambit ko nagsigawan ulit ang tropa, Inis naman nya kong tiningnan kaya napatawa kami "Move on na kasi kung umasta eh kalamo'y di nagloko" Lalong nagsigawan sila Paulo mga wala pang tama ng alak nanggugulo na agad. Inismiran lang ako ni Jake tsaka pumunta sa kusina.

"Eh ikaw kelan mo ko balak sagutin?" Pangaasar ni Paulo, Binatukan ko ulit sya "Nakakailan ka na ha!" Nakanguso pa sya nang sambitin yon.

"Boploks di ako pumapatol sa tropa" Tsaka ko sya tinalikuran, At piniling pumunta sa Balcony.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon