-DIECISIETE-

73 11 3
                                    

"Mommy naman!" Singhal ko kay Mommy habang si Mommy ay hindi magkamayaw sa pagtawa dahil nagwawagi syang asarin ako

"Hashtag Franlise" Pangaasar nyang muli, Iiling-iling ko nalang na kinuha ang mga sangkap sa niluluto ko, Si mommy ay nanatiling nanonood sa ginagawa ko "Haba ng hair mo, kinabog mo ang mommy mo" muli nyang pangaasar

"You know that mom" pangaasar ko din "Ask dad kung sinong mas mahal nya sating dalawa baka ako pa din ang piliin" Pangaasar ko

"I don't care" Sambit nya tsaka nag make face "Even me, I'll choose you over him"

"Ganyan ako kaganda Mom" Pangaasar ko ulet, Sabay naman kaming natawa

Napatigil ako sa pagluluto nang tumunog ang phone ko na nasa may mesa, sinulyapan yon ni Mommy "Si Aira" Sambit nya tsaka lumapit sakin para ituloy ang niluluto ko

"Hi" Masiglang bati ko, ngayon lang kase ulit tumawag saakin ang bruha

[Sis, Check your social media accounts] Nagbago ang awra ko, Binalutan ng kaba at pagtataka

"Ano meron?" Sambit ko

[Just check it] Tsaka nya pinatay ang tawag.

tinitigan ko ang phone ko, simula kase nung naging kami ni Franz ay hindi na ko masyadong gumagamit ng social media para makaiwas sa toxic.

Nang buksan ko ang facebook ay napasapo ako sa bibig ko "Okay ka lang baby?" Takang tanong ni Mommy

huminga ko ng malalim "Okay lang mom, akyat lang ako sa kwarto" Tsaka ako dirediretso na umakyat at naglock ng pinto.

Pabagsak ang pagupo ko sa kama tsaka muling tinitigan ang phone ko, Maluha luha na ko nang muling tingnan yon

"Omg Franz!! Ate Vane!! Bagay po"

"Hala, Paano si Ate Elise?"

"I ship!!"

"Franz, diba may girlfriend ka?"

"Grabe kilig ako!"

Napatulo na ang luha ko ng tuluyan nang mabasa ang mga comment sa inupload ni Franz na photo, Kasama ni Franz sa litrato ang isang sikat na artist, Nakaakbay si Franz at parehas silang nakangiti. Napasapo ako sa bibig ko para pigilan ang paghagulhol ko.

"Elise wala lang yan, Wala lang yan Elise" Pilit kong pagpapakalma sa aking sarili pero tinatraydor na naman ako nito, Hindi ko mapigilan ang pagkirot ng dibdib ko. "Give me an explanation please" mahinahong sambit ko, umaasang may makukuhang sagot sa mga katanungan na nasa isip ko pero nabigo ako.

Patuloy ang pagiyak ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, Sinulyapan ko yon at umaasang si Aira ang tumawag pero pangalan ni Franz ang nakita ko, Huminga ko ng malalim at humugot ng lakas ng loob para sagutin ang tawag at mapigilan ang paghikbi ko.

"Hi" Siniglahan ko ang pagsagot ko

[What do you want? Papunta ko dyan, Ano gusto mo kainin?] Diretsang tanong nya

"Wala, Nagluluto na si Mommy" Siniglahan ko pa ulit ang tugon ko

[Okay, Iloveyou] Tsaka nya pinatay ang tawag.

Muling dumaloy ang luha ko sa pisnge ko, Hirap na hirap ata kong pigilan yon ngayon, Ayokong makita si Franz ng ganito ang sitwasyon pero kailangan kong marinig ang paliwanag nya, kailangan kong malinawan.

Nang magising ako ay katabi ko na si Franz, Nakaupo sya at hinahaplos haplos ang buhok ko, Nakatulog pala ko dahil sa pagiyak. Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Kanina ka pa?" Tanong ko

"Medyo" Ngumiti sya sakin at natigilan nang mapansin na namumugto ang mata ko "What happened?" Nagaalalang tanong nya tsaka hinawakan ang pisnge ko.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon