-VEINTE SIETE-

93 11 3
                                    

Hindi na kami nakapagkita ni Franz nang mga nakaraang araw, madami akong kinailangang asikasihuhin sa school dahil nagpasahan ulit requirements, Inuna ko ng gawin yon para wala na kong iisipin. Si Franz namay ay may sarili daw na trabaho, nagaupdate naman sya sakin at minsan ipinagtataka ko pa kung bakit nakakasama nya si Vane pero nagtiwala na lang ako, ayoko nang mapagpaapekto sa presensya ni Vane.

Ngayon lang ulit kami nakapagkita ni Franz dahil nagkaroon kami ng TV interview "Ihahatid mo ko?" Baling ko dito nang matapos ang interview namin

Lumapit sya sakin at humalik sa noo ko "Nandyan naman ang driver mo diba Love?" Pinilit kong ngumiti sa kanya dahil akala ko ay magkakaroon kami kahit konting oras para magbonding "I can't drive you home, I'm tired"

Tumango ako "Ah yeah, Go home now magingat ka ha" I said softly, itinago ang lungkot na dala ng salita ko.

"I'll give you update later" Muli syang humalik sa noo ko "I love you" Tumango nalang ako sa kanya bilang paalam.

"okay naman yung interview nyo pero bakit hindi maipinta yang mukha mo?" Salubong sakin ni Aira

"I don't know" Nagkibit balikat ako "Kuya, Bahay tayo" Baling ko sa driver ko

Nang makarating kami sa bahay ay nadatnat ko sila Mommy na nakatambay sa sala, Napansin kong seryoso ang mga mukha nila at tila nagiisip pero nabago ito nang masulyapan nila ko.

"Anak, nandito ka na pala" Masiglang sambit ni Mommy at lumapit sakin para humalik sa pisngi ko

"Dad" Baling ko kay Dad at bumeso, ngayon ko lang ata sya naabutan dito sa bahay ng ganitong oras "No work?"

"Day off" Ngumiti sya sakin, Si kuya ay nagiwas ng tingin at si Mommy ay hindi mapakali

"Anong nangyari?" Seryosong tanong ko at ibinaba ang bag ko sa table. Wala ni isa sa kanila ang nagbaling ng tingin sakin, kahit nagbitaw ng salita ay wala rin "Anong nangyari?" Pag-ulit ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy, Si mommy naman ay pinili na kong tingnan.

"Nawawala ang mga important documents natin sa kumpanya" Napakunot ang noo ko, Hindi ko alam ang tinutukoy nila pero sigurado kong sobrang halaga noon para samin.

"Pero wag ka ng mag-alala anak ginagawan na namin ng paraan" Pinilit ngumiti sakin ni Daddy pero hindi ako nakumbinsi.

Alam kong inilalayo lang nila ako sa problema ng kompanya dahil madami din akong sariling iniisip pero kahit anong mangyare ay dawit ako don dahil kompanya namin ang pinaguusapan.

"Anak wag ka na mag-isip, ginagawan ng daddy mo ng paraan" Ngumiti sakin si Mommy, Si kuya ay nanatiling tahimik "Wala kang dapat isipin" Tumango nalang ako kay Mommy tsaka pilit na ngumiti

"akyat po muna ko" Sambit ko bago dumiretso sa kwarto. Naglinis muna ko ng katawan bago ko piniling magpahinga.

Kinabukasan ay may usapan kaming magkikita ni Zia kaya pagkagising ko ay dumiretso na ko sa banyo para maligo at mag-tooth brush, hindi na ko nag-almusal dahil yayayain ko nalang mamaya na kumain si Zia.

Matapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng pants and maroon off shoulder top bago ako nagsuot ng 2 inch block black heel. Matapos ay kinuha ko ang little Back pack ko para ilagay ang wallet, mouth wash at lipstick ko. Hindi na ko nagdala ng Cap and face mask dahil tinatamad akong bitbitin yon.

Bago ko lumabas ng kwarto ay tinext ko muna si Franz, sabi nya kagabi ay may gagawin daw sya kaya baka hindi sya makasama at inintindi ko nalang, madami naman talaga syang kailangan gawin.

To: Love ❣️
Paalis na ko ng bahay, Baka magpahatid na lang ako kay Kuya.

Ilang minuto pa ay nagreply na din sya

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon