-ONCE-

76 14 0
                                    

FRANZ POV.

Nakahinga ko ng maluwag nang matapos ko ang mga dapat kong gawin, Nakapag film na din ako ng videos for My youtube channel and tiktok account. Huminga ko ng malalim at ngumiti nang makita yung banner na ginawa ni Elise para sakin, Pinaskil ko yon sa may taas ng kama ko para madali kong makita, Nasisiyahan ang dibdib ko pag nakikita ko yon.

Chineck ko ang phone ko, Nagbabakasaling nagtext si Elise ngunit nabigo akong makita ang pangalan nya don. Hindi nga pala yon nagtetext ng kusa, Itetext lang ako non pag tatanungin ko sya at kailangan nyang sumagot.

Napangiti ako nang maalala ang pangyayari nung isang araw, Nabibigla pa din sya sa presensya ko, Ramdam kong binabalot pa din sya ng kaba pag nakikita ko.

Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula ang pagkasabik kong makita si Elise, Hindi ako kailanman naging ganito sa babae kaya naninibago ako sa pakiramdam pero inaamin kong masaya ko. Kahit nga ata wala kaming gawin o pagusapan basta nakikita ko sya at kasama ko sya ay masaya ako, Hindi normal sakin to.

Sinulyapan ko ulit ang banner tsaka nakaisip na magayos para puntahan si Elise, Kahapon lang naman kami hindi nagkita pero pakiramdam ko ay hinahanap hanap ko ang presensya nya.

Bago ko umalis ng bahay ay nagtext ako sa mommy nya, Kada punta ko naman sa kanila ay ginagawa ko yon, Sinasabi ko lang na wag sabihin kay elise dahil naeenjoy ko palagi ang reaksyon nya pag nakikita ko.

Nag drive thru muna ko sa Mcdo, Nasabi kase sakin ng mommy ni elise na favorite daw ni Elise ang chicken sandwich at fries ng mcdo, Umorder na din ako ng ibang pagkain para sa Mommy, Daddy at kuya nya.

Nang makarating ako sa kanila ay masaya kong sinalubong ng mommy ni Elise. Nakangiti akong bumeso sa kanya "Si elise po?" Sambit ko.

"Nasa taas ijo" Nakangiti ding tugon nya, Iniabot ko sa kanya ang pagkain na hawak ko "Nagabala ka pa" Ngumiti lang ako sa kanya "Ihahanda ko lang to, Katukin mo na sa taas" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tita "Kwarto nya yung ikatatlo na kwarto sa may bandang kaliwa" Tsaka ako tinalikuran.

Umakyat ako sa taas, Mukhang walang tao bukod kay tita at Elise dahil masyadong tahimik ang bahay. Kinatok ko ang ikatatlo sa kaliwang pinto kagaya ng sabi ni Tita. 

"Wait lang mommy!" Sigaw ni Elise, Napangiti ako nang marinig ko ang boses nya.

Muli akong kumatok, di ko mapigilan ang ngiti ko pag naiisip kung ano ang reaksyon ni elise kapag nakita ko dito. Kakatok sana ko ulit nang tumambad sya sa harapan ko, Gulat na gulat ang mukha at nanlalaki ang mata, Muli akong napangiti. Napakacute.

Pinitik ko ang noo nyo para gisingin sya, Natulala na naman dahil sa gulat "Wag mo kong titigan" pangaasar ko

"Asa!" Singhal nya dahilan para lalo kong matawa. Ilang beses na kaming nagkakasama parati pa din syang gulat sa presensya ko "Ano ginagawa mo dito aber?" Pagsusungit nya, nagsusungit para maitago ang kaba tss.

"Binibisita ka na nga ng isang Franz Miaco parang ayaw mo pa" Pagyayabang ko, Kinagat ko ang labi ko para maitago ang ngiti ko.

"Kapal" Bulong nya pero hindi nakatakas sakin ang kaunting salitang yon

tinaasan ko sya ng kilay "Ano?" Seryoso ko syang tiningnan saka umabante dahilan para mapasandal sya sa pinto, Iniharang ko naman don ang braso ko dahilan para makulong sya. Tiningnan ko sya sa mata ngunit pilit nyang iniiwas sakin ang tingin nya "Sino kaya yung nahimatay nung nakita ko" Muling pagyayabang ko, Kumunot ang noo nya.

"Kapal Miaco! Kapal" Pagulit nya pa, Hindi ko na naitago ang ngiti ko "I was sick kaya non!" Inis na sabi nya na lalong nagpalawak ng ngiti ko.

"Conya" Natatawang sambit ko tsaka inalis ang braso, Nakahinga sya ng maluwag nang tanggalin ko yon.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon