-VEINTE NUEVE-

87 11 4
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula nang madala si Daddy sa hospital, Ngayon ay ilalabas na namin sya dahil maayos na naman ang pakiramdam nya, Papagalingin lang ang mga pasa nya.

Nauna na ko dito sa bahay dahil naglinis muna ko, madalas kami ni Mommy sa hospital kaya paniguradong madumi na itong bahay.

Hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagkikita ni Franz at hindi ko na sya sinubukang kulitin, Nakakapagod na din na umintindi. Halo halo ang nasa utak ko at kinakain ako ng lungkot, kailangan ko sya nang mga nakaraang araw pero kahit anino nya ay hindi ko nakita, hindi nya manlang ako kinamusta kahit sa tawag, Paano ko pa sya maiintindihan nito?

Nang mapagod ako sa paglilinis nang bahay ay saglitan muna kong umupo. Parang gusto ko palaging libangin ang sarili ko dahil pag napapatigil ako ay magiisip na naman ako tungkol sa mga nangyayare.

Sinusubukan kong tawagan si Paulo nitong mga nakaraang araw pero hindi sya sumasagot, Unti unti nang nabubuo ang mga hinala na nasa utak ko. Ang sakit lang sakin dahil bukod sa pamilya ko ay si Paulo ang pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao tapos ay sya pala ang kakalaban samin.

Halos hindi na ko patulugin sa gabi dahil sa mga iniisip ko, Nasasaktan ako sa mga nangyayari, ayoko namang madamay si Franz sa problema ko pero sana ay dinadamayan nya ko ngayon.

Malapit na ang birthday ko pero bakit ganito ang nangyayari? Ano bang kasalanan ang ginawa ko at ganitong isipin ang binibigay sakin?

Nang matapos ako maglinis ay pumasok na ko sa kwarto ko para maligo, matapos ko maligo ay pinili kong matulog dahil puyat ako nang mga nakaraang araw, Gusto ko munang magpahinga ngayon.

Nang magising ako ay naabutan ko na sila mommy sa sala, kausap si tito greg at ang abogado na kinuha nila para sa isasampang kaso sa pamilya Romes. "Huwag na huwag ka nang lalapit kay Paulo" Madiin na sambit sakin ni Mommy, Halata ang galit sa mata

"Makinig ka samin Elise" May galit ang tono ni Daddy, Tumango lang ako sa kanila at nag-excuse para pumunta sa terrace.

Gabi na kaya lumabas ako para pagmasdan ang buwan at bituin, ang pinakapaborito kong parte sa gabi.

Ang sakit lang isipin na lalayo pala ko sa kaibigang matagal kong iningatan. Kaibigan na hindi pala dapat itinuring na kaibigan.

"Love" Kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ang presensya ni Franz sa tabi ko, Mahigpit nya kong niyakap nang lingunin ko sya "I miss you"

"Lika" Maiksing tugon ko bago sya iginaya papasok sa bahay

Nagulat pa sila Mommy sa pagdating ni Franz "Tito kamusta na po?" Lumapit si Franz kila Daddy para magmano

"Okay lang ako ijo" Ngumiti si Daddy sa kanya at ginantihan naman ni Franz yon

"Kwarto lang kami Ma, may paguusapan lang" Sambit ko tsaka tumalikod para pumunta sa kwarto, narinig ko naman ang pagsunod sakin ni Franz.

Dumiretso ako sa balcony ng kwarto ko para muling pagmasdan ang ganda ng langit, Ito na lang ang nakakabawas sa nararamdaman ko ngayon.

"Love?" Malambing ang tono ni Franz, Malamig naman ang aura ko nang bumaling ako sa kanya. "You okay?"

"Ganyan ba ang dapat itanong Franz?" Hindi ko napigilan ang galit sa tono ko "Bakit ka nandito?" Malamig na tanong ko

Huminga sya ng malalim at hinawi ang buhok "Miss na kita" He said in a soft way.

"Nandito ka dahil miss mo ko?" Kumunot ang noo nya dahil sa tono ko "Eh nasan ka nung kailangan kita?" Panunumbat ko

Nasasaktan ako na wala sya nang mga panahon na yon, Na dapat sya ang pinagkukuhanan ko ng lakas pero walang Franz na dumating

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon