-UNO-

348 29 3
                                    

ELISE POV.

"Who was the first president of USA?" Tanong ng lecturer namin, Kinakabahang sumulyap sakin si Kath na malayo sakin dahil sa sitting arrangement "Miss Monteverde" Napangiwi ako nang tawagin ang apelyido ko bago piniling tumayo

"George Washington Miss" Tugon ko, Halata ang gulat sa kanya nang tapunan ko sya ng tingin. Tumango sya para senyasan akong umupo.

"Miss Cuesta" Napaangat muli ang tingin ko nang tawagin ng lecturer ang apelyido ni Kath, Bahagyang ngumisi si Kath bago piniling tumayo, Sumulyap sya sakin bago ibigay kay miss ang tingin "Who's the first European commission president?" Kinakabahang sumulyap sakin si Kath kaya sinenyasan ko sya, Nang biglang lumingon sakin ang lecturer "You know the answer Miss Monteverde?"

Tumango ako "Walter Hallstein Miss" Tinapunan ko sya ng tingin bago umupo ulit

"Miss Monteverde" Sa puntong yon ay tamad ko ng nilingon si Ma'am nang tawagin na naman ang apelyido ko "Who was the first president of Algeria?"

Bumuntong hininga ko, Bago pinili ang pagsagot "Ahmed Ben Bella po" Gulat si Ma'am nang masagot ko ang tanong nya gayon din ang mga kaklase ko.

"What about China?" Taas ang kilay na tanong ni Ma'am

"Sun Yat Sen Miss" Walang ganang tugon ko, Pakiramdam ko ay napapagod ako ngayong araw.

"How did you know all of that?" Napatingin ako sa gilid dahil sa pagtataka sa tanong ng lecturer "Hindi ko pa tinuturo ang mga yan"

Tumango ako "Research" Sambit ko tsaka nagkibit balikat.

Halatang nakumbinsi si Ma'am sa sinabi ko kaya ibinalik na nya ang tingin sa klase "Class dismiss" Sambit nya tsaka diretsyang umalis, Ang mga kaklase ko ay naglagay muna ng polbo at liptint bago piniling lisanin ang room ako naman ay walang pakealam sa hitsura ko.

Kinuha ko ang bag ko at dire-diretsong lumabas "Hoy! Paano mo alam lahat yon ha?" Paghabol sakin ni Kath, Tumigil ako para magkasabay kami sa paglalakad "Ang duga! Paano mo alam yon ha?"

"Gamitin mo kase paminsan yang Google mo!" Singhal ko, Natatawa naman syang kumamot sa noo

"Hi ate" Bati saakin ng lalaking nakasalubong ko, tinapunan ko lang sya ng maliit na ngiti tsaka inaambaan ni Kath ng suntok, Iiling-iling akong natawa bago tumuloy sa paglalakad

"Paano ako magkakajowa nan? Lagi nyong tinatakot mga nagbabalak" Umirap ako matapos sabihin yon, Binatukan ako ni Kath "Aray!" Singhal ko

"Boploks ka, Magkakajowa ka naman kung gusto mo, andaming nakapila teh bigyan mo naman ako" Pangaasar nya, Nag make face na lang ako

"Tuloy tayo?!" Hingal si Aira nang makalapit sya samin, Hinabol kami sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang kabuoan nya, mukhang pagod na pagod

"Kaya mo pa ba?" Nagaalalang tanong ko, Stress na naman ang bruha sa school works panigurado

"Oo naman gaga! Gusto kong makatakas sa stress" Inihawak nya ang dalawang kamay sa sentido tsaka bumuntong hininga sa harap namin, Umasta namang nababahuan si Kath kaya sabay sabay kaming natawa "Elise sabihin mo naman kay Jake wag muna kong guluhin, madami akong iniisip wag na sya dumadagdag"

Tumango ako tsaka humikbi, Umastang nalulungkot "Grabe ka naman kay Jake huhuhu" Pagiinarte ko pero totoong naiintindihan ko si Aira, Natatawa naman si Kath habang sinusulyapan ako

"Boploks" Singhal ni Aira tsaka kami iginaya papunta sa sasakyan nya. "Ayaw kamo ko bigyan ni Mommy ng allowance" Reklamo nya habang nagmamaneho

Papunta kami ngayon sa bahay, sa bahay sila matutulog ngayon ni Kath, Girls night out daw ang pauso ng mga bruha.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon