-SEIS-

87 13 0
                                    

Inis akong bumuntong hininga at ibinagsak ang sarili ko sa couch bago ihinagis sa basurahan ang ginusot kong papel. Bumangon ako at kumuha ng tubig sa mini ref ng kwarto ko bago bumalik sa mga ginagawa ko na nakakalat sa kama ko. Huminga ko ng malalim tsaka muling humawak sa sentido ko.

"Lintik! Kailan ba kita mababalance?" Singhal ko sa aking sarili habang masama ang tingin sa papel sa harapan ko "Kalma Elise" Huminga ko ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili.

Buti at holiday ngayon kaya nagkaroon ako ng oras para magawa ang mga requirements na ipapasa bukas. Natapos ko naman na ang iba kanina at itong Fundamental Accounting lang ang hindi, Pakiramdam ko ay lipad ang utak ko kaya hindi ko masagutan ng maayos o sadyang napagod lang sa dami ng ginawa kanina.

"Sana ay masagutan na kita para makahinga na ko ng maluwag" Mangiyak ngiyak na sambit ko habang nakatitig sa papel. Huminga muli ako ng malalim at uminom ng tubig bago sinubukan na magsagot muli.

"Thank you Lord!" Sambit ko nang matapos na ako sa mga gawain.

Niligpit ko ang mga gamit ko bago piniling humiga sandali, Nang makapagpahinga ko ay pumasok ako sa banyo para maligo.

Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi ako kumain kaninang umaga at tanghali para matapos ang mga dapat gawin hindi na din ako pinilit nila mommy dahil alam nilang ayoko magpa-istorbo. Bumaba ako para pumunta sa kusina, sakto naman na patapos na si Mommy na magluto.

"Tapos ka na?" Salubong nya sakin, Mukhang wala sa mood dahil narinig ko sila ni daddy na nagtatalo kagabi

"Yes Mom" Tumango ako tsaka umupo sa upuan, Iintayin ko na lang na matapos si Mommy sa pagluluto dahil nakakaramdam na talaga ko ng gutom "Where's kuya?"

"May lakad daw eh" Nagkibit balikat sya, hindi inaalis ang tingin sa niluluto "Bukas pa daw sya uuwe" naningkit ang mata ko, kadalasan naman ay hindi yon nagpapagabi sa labas saan naman kaya nagpupunta yon?

"You okay mom?" Sambit ko nang mapansin ang pagkawala sa mood ni Mommy

"Naiinis lang ako sa Daddy mo" Ngumuso sya matapos sabihin yon, Iiling iling naman akong natawa dahil para syang bata.

"Marupok ka naman" Pangaasar ko, Sinamaan nya ko ng tingin saka nilapag ang pagkain sa mesa.

Umupo sya sa harap ko at nagdasal muna kami bago tahimik na kumain. Nang matapos naman ay si Mommy na din ang nagpresinta na maghugas ng plato dahil wala naman kaming maid, Afford naman kaso ay gusto nila mommy na matuto kami sa gawaing bahay.

Tumambay ako sa sala at binuksan ang TV, Hindi naman ako mahilig manood ng TV pero dahil sa tahimik ng bahay pakiramdam ko ay nabibingi ako. Umakyat ako saglit sa kwarto para kuhanin ang phone ko na kanina ko pang hindi nahahawakan, Nagcheck muna ko ng mga updates kay Franz pagkabalik ko sa sala bago ibinalik ang tingin sa TV.

Nagulantang ako nang tumunog ang phone ko.

"Hello?" Sambit ko

[Free ka?] si Aira

"Where?" Tanging tanong ko

[Sleep over sana samin] Masiglang sambit nya, Naisip ko kaagad na hindi ako pwede dahil hindi ko kayang iwan si Mommy na magisa

"Walang kasama si Mommy dito" Sambit ko, Narinig ko naman ang malungkot nyang pagsang-ayon "Ikaw nalang sleep over dito"

[Talaga? Yey! punta ko dyan ha] Masigla ang tono nya tsaka pinatay ang tawag.

Iiling iling akong nangiti dahil sa pagka excited ni Aira. Inihiga ko ang aking sarili sa sofa dahil pakiramdam ko ay pagod pati katawan ko.

"Bitch wake up!" Naalimpungatan ako dahil kay Aira, Kinusot ko pa ang mata ko tsaka piniling bumangon at itinali ang buhok ko.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon