-VEINTE SEIS-

80 11 0
                                    

Hindi kami nagkita ni Franz kahapon at nung nakaraang araw, Magfifilm daw sya ng video para sa youtube channel nya at hinayaan ko naman sya, wala pa din naman kaming project kaya gawin nya muna ang mga personal nyang trabaho, sa isang buwan ay busy na naman kami dahil may short film kami na gagawin.

"Ano oras tapos natin?" Sambit ko kay Aira, nandito kami ngayon sa sasakyan dahil magfifilm ako ngayon for new tv commercial

"hindi pa nagsisimula, tapos na agad ang iniisip mo sabunutan kaya kita?" Mataray na sambit nito

"Nagtatanong lang eh" Ngumuso ako "Bakit ba ang sungit mo? Red days?" Pangaasar ko, sininghalan nya lang ako at bumalik sa notebook na hawak nya.

"By monday may interview pala kayo ni Franz" Kumunot ang noo ko "First interview nyo to on TV as a love team" Tumango ako "Bawal malate Elise"

"Pwede bang yung trabaho muna ngayon ang isipin natin?" Umirap ako tsaka naglagay ng sleep mask at earphone.

Nang makarating kami doon ay bumeso lang ako sa mga organizer tsaka pumasok sa tent para ayusan ng make-up artist. "Hindi na naman kailangan nito ng make up eh" Sambit ng make up artist, binigyan ko nalang sya ng ngiti. "Alam mo ba mas gusto kita kesa don sa isang artist" Bulong sakin nito, Napakunot naman ang noo ko.

"isang artist?" pag-ulit ko

"Ah Vane ata pangalan, Nandon sa kabilang tent" Parang umakyat sa ulo ko ang dugo ko nang marinig yon, Hindi ko alam pero hindi ko talaga gusto ang aura nya.

"She's here?" Tanong ko sa make-up artist, Tumango lang sya ang nagpatuloy sa ginagawa. 

Nang matapos kaming mag-ayos ay lumabas na kami ng tent, tinawag na din naman kami.

Umirap ako nang lumapit si Vane sa pwesto ko, hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko sa isang to.

"Rolling!" Sigaw saamin "3.. 2.. 1.. Action!"

"Aray! ano ba?!" Pikon na sigaw ko nang tapakan ni Vane ang gown ko nang lalakad na ko, Inis ko syang tiningnan dahil pa tube ang gown ko at posibleng mahubad yon

"Miss Elise anong problema?" Lumapit samin ang organizer

"Etong artist nyo!" Inis na sambit ko

"Sorry" Sarkastikong sambit nya. Kung hindi lang ako nakapagpigil ay baka nabuhatan ko na ng kamay to.

Kaso lang ay hindi pumapatol ang ginto sa tanso.

"Sorry about that" Ngumiti nalang ako sa organizer "Okay Second take!"

"Rolling!" Huminga ko nang malalim at pigil ang inis habang nagtetake kami for commercial, Buti at nakisama ang mood ko.

Nang matapos ay bumalik agad ako sa tent para makapagbihis at makaalis na sa lugar na to, Dati naman ay nageenjoy ako pag nagfifilm kami ng commercial ngayon ata ay hindi ko na magugustuhan.

"Triggered" salubong sakin ni Aira nang makapasok ako sa sasakyan

"bahay tayo" Sambit ko

"Kuya bahay daw" Sambit ni Aira "Init ng head sis?" natawa sya at umiling, Hindi na ko sumagot at naglagay na ko ng earphone.

Pakiramdam ko ay apektado ang buong araw ko dahil sa pagka-inis sa nangyare kanina.

Naunang bumaba ng sasakyan si Aira, Nang makarating naman kami sa bahay ay pinauwi ko muna ulit kay Kuya Jigz ang sasakyan.

"You tired baby?" napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Franz, Masigla ko syang niyakap

"Why are you here?" Sambit ko, Pakiramdam ko ay nawala lahat ng inis na bumabalot sakin dahil nakita ko si Franz ngayon

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon