-NUEVE-

96 14 2
                                    

Naging abala ko sa mga nakaraang linggo, Finals kase namin at kailangan maipasa ang mga requirements on time. My mom confiscated my phone, Ganon kase ang ginagawa nya pag finals na lalo't alam nyang nabubuhay ako sa social media para icheck ang mga updates kay Franz, Pag ka naka tutok ako sa internet ay tinatamad akong unahin ang school works kaya sabi ni Mommy papayagan nya ko sa lahat pero sa oras ng pagaaral ay doon lang dapat ang focus ko.

Lumipas ang dalawang linggo, Tapos na din ang finals sa wakas. Pinili ko na ding mag-enroll sa bagong school na papasukan ko bilang first year college, para wala na kong aasikasuhin sa bakasyon.

Pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama ko, Tiningnan ko ang orasan at 7pm na pala, ginabi na ko ng uwe dahil ang haba ng pila sa course na balak kong itake. Huminga ko ng malalim, Wala akong ganang kumain dahil sa pagod.

Kinabukasan ay nagmamadali akong pumunta sa banyo at naligo, Nakalimutan ko palang magpalit ng damit kagabi paniguradong magpapasyon si Mommy pag nakita na hindi ako naglinis ng katawan, Masyado kasing malinis yon.

Paglabas ko ay nagkuskos na ko ng buhok ko gamit ang tuwalya, Naglagay ako ng moisturizer at nagsuklay tsaka naglagay ng lipbalm. Wala naman akong planong umalis ngayon, napagod ata ko masyado sa dami ng requirements nung nakaraang linggo, Pipiliin ko munang dumito sa bahay.

Bababa na sana ko nang makasalubong ko si Kuya sa may pinto ng kwarto ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay "Aga mo naligo ah, may ganap ka?" Umiling lang ako, kadalasan kasi pag nasa bahay ay gabi na ko naliligo kaya siguro nagtaka. "Oh, iniwan ni Mommy" tsaka iniabot sakin ang phone ko.

"San mommy?" Napatawa sya ng bahagya, Tsaka ko lang napagtanto na parang bata pala ang tono ko.

"Ewan ko dun sabi nya magbobook daw sya ng flight pa Boracay" Kumunot ang noo ko "Tanungin mo na lang mamaya, alis na ko"

"San ka na naman?" Inis na singhal ko, maiiwan na naman ako dito sa bahay.

"Tropa" yun lang ang sinambit nya, psh, Tropa eh manchichix lang yan. Ewan ko ba dyan iba-ibang babae lagi ang tinatagpo sa mall "ano yang tingin mo?" Tinawanan ko lang sya

"Bilhan mo ko ng libro ha!" Tinanguan nya lang ako at naglakad palayo.

Bumaba na ko at napabuntong hininga nang makitang walang pagkain sa mesa, marunong naman ako magluto pero tinamad ako kaya nagtimpla nalang ako ng kape.

Chineck ko ang phone ko, 6 messages and 1 missed call. Napataas ang kilay ko sa pagtataka, wala namang ibang nakakaalam ng number ko. Sino naman ang magtetext sakin? Tsaka hindi manlang sinagot ni Mommy ang tawag?

Isa isa kong tiningnan ang text. Napahawak pa ko sa bibig ko nang makita ang mga yon.

From: Franz💕

Kamusta? 🙂

Napangiti ako, tinext nya yon ikalawang araw after ng mall show nya. Naalala nya pala ko.

From: Franz💕

Hey, Cute ng pics naten!

Muli akong napangiti, tinitingnan nya pala yon? Akala ko ay ako lang ang may interes don.

From: Franz💕

Di ka ata active? :<

Napatawa ko sa text nya, Dati naman ay hindi nya napapansin kung active ako o hindi. Wag mong sabihin na namimiss mo ko, baka pakasalan kita bigla.

"Buang!" Singhal ko sa sarili ko habang tumatawa

From: Franz💕

You're free? Tara mcdo?

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon