-DIECISEIS-

80 10 0
                                    

Kinuha ko ang blower at pinatuyo ang buhok ko, Bago kumuha ng Black High waisted jeans and off shoulder top. Hinati ko ang buhok ko sa gitna at hinayaan na lang na nakalugay yon.

Nilagay ko ang phone, wallet, alcohol at panyo ko sa maliit kong shoulder bag saka ko pinagmasdan ang sarili ko sa salamin bago piniling lisanin ang kwarto.

"San punta nyo?" nakangiting baling samin ni Kuya tsaka tumapik sa balikat ni Franz.

Nandito ngayon si Franz sa bahay para sunduin ako, Ipinagpaalam nya ko kila Mommy pero hindi nya sinabi kung saan ba talaga kami pupunta.

Natatawang bumaling lang si Franz kay kuya tsaka tumapik pabalik sa balikat nito, Lumapit naman si Mommy samin para bumeso "Ingat kayo mga anak" Ngumiti si Franz tsaka nagbless.

Nang makasakay kami sa kotse nya ay napalingon sya sakin tsaka inabot ang kamay ko para hawakan, ang isang kamay nya ay nasa bump. "I love you" Sambit nya

"I love you too" Tugon ko, Ngumiti ako sa kanya tsaka ipinikit ang mata ko.

Time flies so fast, First month of being together na namin next week, Andaming nangyare sa mga nakaraang linggo at lahat yon ay masaya, Wala ata kong pinagsisihan sa pinasok kong sitwasyon kahit minsan ay may natatanggap akong masasakit na salita galing sa iba, Kasama ko naman si Franz para ihandle yon.

Nang magising ako ay magpapark na si Franz ng sasakyan, Biglang nabuhay ang sistema ko nang mapagtantong nasa tagaytay kami, Masigla ang mata ko nang ibaling ko sa kanya.

Lumapit si Franz sakin para humalik sa noo tsaka bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. Nakangiti ako nang pagmasdan ko ang tanawin, Madalas naman ako dito pero iba pa din ang pakiramdam pag nandito ko, parang palagi akong nabubuhayan at nakakalimutan ko ang problema sa buhay.

"You okay?" Ngumiti ako at tumango nang makalapit sakin si Franz tsaka umakbay "Nakita ko IG feed mo, narerelax ka pag nandito ka"

"Thank you" sambit ko tsaka sya niyakap.

Naglakad kami ng konti tsaka umupo sa bench na nadaanan namin. Masaya kong pinagmasdan ang paligid, narerelax ako lalo pa't puro green lang ang nakikita ko. Nakangiti kong ipinatong ako ulo ko sa balikat ni Franz.

"I'm happy, Thank you" Sinserong sambit ko

Hinawakan ni Franz ng bahagya ang pisnge ko "Responsibilidad kong pasayahin ka" Seryoso namang tugon nya. Hindi ata sya nagpefail na pasayahin ako, isa sa dahilan kung bakit lalo ko syang minamahal.

Hanggang ngayon ay pilit ko pa ding binabalikan kung saan ako nagsimula, Kung paano kami naging ganito, Kung ano bang magandang nagawa ko at nalagay ako sa ganitong sitwasyon, ganon ba ko kabait para ibigay sakin si Franz?

"Ice cream" Napaalis ang ulo ko sa balikat ni Franz nang magsalita sya, Taka ko syang tiningnan "Wait mo ko dyan ah" Tinanguan ko sya tsaka sinundan ng tingin, Papunta sya ngayon sa nagtitinda ng dirty icecream.

"Lord, Thank you" Bulong ko habang pinagmamasdan si Franz sa malayo.

Nang makabalik sya ay masaya nyang iniabot saakin ang ice cream na binili nya, natawa pa ko ng bahagya dahil para kaming bata, nakangiti akong kinuha yon at umupo na muli sya sa tabi ko.

"Nagkikita pa kayo nung Paulo?" Naningkit ang mata ko sa biglang tanong ni Franz

"Hindi" maiksing sambit ko tsaka natawa, sinamaan nya naman ako ng tingin mukhang nahulaan ang iniisip ko

"Hindi ako nagseselos" Depensa nya, Iiling iling naman ako habang tumatawa pa din

"Wala pa kong sinasabi" Nagpout sya matapos kong sabihin yon, Natutuwa ako at napapakita sakin ni Franz ang ganitong side nya

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon