-QUINCE-

84 11 0
                                    

Nagaayos ako ngayon dahil isasama ko ni Franz sa mall show nya bilang guest, Gusto nya din daw ako ipakilala ng formal sa mga fans nya. I tied my hair in a bunned para hindi ako mahirapang sumayaw mamaya, I am wearing a plain black top and highwaisted cargo pants pairing a white sneakers. I can sing naman but i prefer to dance later kase sanay naman akong sumayaw sa harap ng ibang tao, kasali kase ako sa dance troupe sa school, Napagpraktisan na din namin ni Franz ang mga galaw mamaya.

Never ko atang naisip na makakapagperform ako kasama si Franz, Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nakakasama ko si Franz, na nakakausap ko sya, nahahawakan, nayayakap, Dati ay halos iyakan ko pa para makita sya pero ngayon ay sya na mismo ang dinadala sakin para makita ko sya.

Naalala ko yung sinabi sakin ni Mommy noon 'Malay mo ngayon hindi kayo binibigyan ng pagkakataon pero baka bukas yung pagkakataon na ang lalapit sainyo' pag-ulit ko sa isip ko.

Baka ito na yung punto na sinasabi ni Mommy, Na noon nagdadasal lang ako para sumang-ayon sakin ang pagkakataon pero ngayon ay ibinibigay na sakin ng kusa yon.

"You okay baby?" Nakangiting hinaplos ni Mommy ang balikat ko, Alam kong kahit hindi nya sabihin ay masaya sya para sakin

"Yes, Mom" Ngumiti din ako sa kanya tsaka hinawakan ang kamay na nasa balikat ko "Mommy thank you for being so supportive ha"

Lagi naman akong nagpapasalamat kay mommy sa lahat ng ginagawa nya para samin pero pakiramdam ko ay palaging kulang, kaya lagi kong pinaparamdam sa kanya yung love ko.

"Kainlanman ay hindi ka sumuway samin ng Daddy mo kaya wala din akong rason para pagbawalan ka sa mga bagay na makakapagpasaya sayo" Mangiyak ngiyak ako nang sabihin iyon ni mommy "Basta alam mo naman ang limitasyon mo anak, Matalino ka at alam kong alam mo ang tama at mali"

Pinigilan ko ang nagbabadya kong luha, ang hina hina ko sa ganito "Thank you mommy" Tsaka ako tumayo para yakapin sya

"Sige na, Andyan na si Franz sa baba" Hinaplos nya ang likod ko, Kumalas ako ng yakap "Goodluck ha" Nginitian ko lang sya tsaka nya ko iginaya pababa.

Nang makababa kami ay nakangiting Franz ang sumalubong samin, Matapos nya kong halikan sa noo ay bumalik sya kay mommy para magpaalam, Kumaway naman ako kay mommy nang palabas na kami, Pinagbuksan nya ako ng pinto tsaka umikot para makaupo sa driver seat. "Ready?" Baling nya sakin bago i-start ang sasakyan nya.

"Feel nervous" Tugon ko tsaka huminga ng malalim. Hindi ko alam kung saan ba talaga ko kinakabahan, kung sa pagsayaw ba o sa mga mata ng tao.

"Kaya mo yan, Elise ko pa ba?" Pagbanat nya, Ngumiti ako sa kanya, Dati-dati ay nahihiya akong ipakita sa kanya ang kilig ko pero ngayon ay kusa na kong nangingiti sa tuwing babanatan nya ko ng mga linya nya.

"Huy gising na andito na tayo" Naalimpungatan ako sa boses ni Franz, nakatulog pala ko sa byahe. Ngumiti sya sakin tsaka ako hinalikan sa noo "Wag kang kabahan ha? kasama mo ko" Ginantihan ko lang din sya ng ngiti tsaka nagretouch ng konti, hindi ko alam kung kagusto gusto ba ang itsura ko ngayon "You look gorgeous" Sambit ni Franz nang maramdaman nya ang pagkabalisa ko.

"Thank you" Tanging nasambit ko tsaka bumaba ng kotse.

Hawak naman ni Franz ang may baywang ko habang naglalakad papunta sa mismong venue, May mga ilang bumabati samin at pinipili ko namang kumaway sa kanila, Nakaramdam ako ng tuwa nang naging maganda ang pagtanggap sakin ng iba. Nang makarating kami sa venue ay sa back stage kami dumiretso, may ilang nakapagperform na at late na pala kami.

"Kalma ka lang ha" Pinaupo ako ni Franz sa couch at hinalikan sa noo bago lumabas ng back stage, Sya muna kase ang kakanta bago kami sumayaw na dalawa.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon