-CUATRO-

125 14 1
                                    

FRANZ POV.

"Ano ba Franz?!" Inis kong tiningnan si Veri nang batohin nya ko ng towel "Sasama ka ba o hindi?! Maiiwan tayo ng service!" Patuloy nya pang pagbubunganga. Maiiwan eh sasakyan naman nya ang gagamitin tss.

Tinanguan ko lang sya tsaka kinuha ang gamit ko at dirediretsong pumasok sa Van.

"Bobo! Wag ka dyan pwesto ko yan oh!" Pinandidilatan nya ko ng mata habang tinuturo ang bag nya na nasa tabi ko.

"Eh ano ba? Anluwag luwag dito" nakakunot pa ang noo ko habang sinasambit yon

"Eh anong pake mo Van ko to? Don ka sa likod! Naghihintay na sila Jayve don sa Baguio!" Agad naman akong pumunta sa upuan sa likod nya.

Kami lang dalawa ni Veri ang sakay ng Van na to bukod sa driver, ang iba kase naming tropa ay nandun na sa Baguio.

Bigla bigla kasing nagpaplano ng gala ang mga mokong di manlang ako sinama sa pagpaplano palibhasa naman daw kahit anong mapagusapan ay lagi akong G tss.

I lied.

Napabuntong hininga ko nang maalala ang huling pangyayari kanina.

Sinulyapan ko ang cellphone ko ngunit nabigo ako nang walang makitang text don.

Bakit nga ba ako nageexpect?

She's just a fan.

Pagkumbinsi ko sa aking sarili ngunit nabigo ako, tinatraydor ako ng sarili ko dahil paulit-ulit na may bumabagabag sa loob ko.

Maganda sya,Maganda ang katawan, sa kwento pa ng pamilya nya ay mabait sya, mukha namang mabait nga.

Hindi normal to, bakit ganito ang pakiramdam ko parang may iba sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.

Bakit ko ba iniisip ang isang yon? Ako na nga ang nabangga nya at natanggalan ng event eh ako pa ang nakokosensya ngayon dahil sa hindi ko pagsipot sa usapan namin kanina? Aba mali ata yon.

Tanga, Nagsinungaling ka kasi. Tinatraydor talaga ako ng aking sarili.

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala kong hindi manlang sya nagpaalam ng maayos kanina, Kadalasan kasi ay pag tumatawag sya ramdam ko ang kilig sa boses nya pero kanina ay biglang naglaho yon. Nagiba bigla ang tono ng boses nya.

Bakit ko ba sya iniisip?!

Pwede naman siguro akong bumawi.

"Hoy miaco!!" Nagulantang ako sa sigaw ni Veri,buset talagang babae to. "Bobo ka talaga! Yung phone mo kanina pa tumutunog di ako makatulog! Kung ayaw mong sagutin isilent mo ha?!" Tsaka sya ulit bumalik sa pagkakahiga nya.

Taka ko namang tiningnan ang phone ko, hindi ko nga napansin na may tumatawag. Tiningnan ko ang number at unknown number yon.

"Sino naman kaya to?" Bulong ko sa aking sarili, wala naman masyadong nakakaalam ng number ko.

"Hello, who's this?" Nung una ay walang nagsalita kaya chineck ko ang phone ko pero naka on pa naman ang call "hi? May tao ba dyan?"

[Hi Franz] panimula nya, Hindi pamilyar yung boses [Gusto ko lang tanungin kung anong sinabi mo kay Elise? Di kase namin sya mapalabas sa kwarto eh nagkukulong lang] Tsaka ko lang napagtanto na mommy pala ni Elise ang kausap ko.

Bumagsak ang balikat ko at huminga ng malalim.

"Kinancel ko po yung meet up namin" Sambit ko tsaka nagpakawala ulit ng hininga "May emergency lang po pero babawi po ako" dagdag ko pa.

[Oh, Okay thank you] tsaka nya pinatay ang call.

Lalo lang nanlambot ang tuhod ko, bakit ba naistress ako sa babae na yon? Wala naman kaming koneksyon sa isa't isa. Hindi dapat!

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon