-VEINTE CUATRO-

86 11 1
                                    

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Franz na laruin ang tubig, Diretso pa din ang tingin ko sa kanya nang maglakad sya papunta sa gawi ko. "You okay love?" Sinsero nyang tanong nang maramdaman nya ang lalim ng tingin ko.

"Masaya lang akong nandito ako" Huminga ko ng malalim at pinagmasdan ang bon fire na nasa harap namin "Na babalik pala ko dito kasama ka"

3 months ago na simula nang maging kami ulit ni Franz at masaya kong patuloy syang bumabawi sakin hanggang ngayon, He worth the chance. Nandito kami ngayon sa Boracay, Hindi ko alam kung paano ako pinayagan ni Mommy na pumunta dito ng kami lang dalawa pero masaya ko na si Franz ang kasama ko sa pagbalik dito.

"Even me" Kinuha nya ang kamay ko para hawakan "I thought you will never come back to your ex" Iiling-iling syang natawa "Pero kung di mo naman ako binigyan ng second chance ay hindi pa din ako mapapagod para makuha yon sayo" Suminghap sya sa hangin at diretso lang ang tingin ko sa kanya "I won't lose you again Elise" Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko "I can't lose you"

"I also Can't lose you Love" Ngumiti ako sa kanya

--
Isang linggo na simula nang makabalik kami dito sa manila galing sa boracay, Madaming nangyare sa mga araw namin don at lahat yon ay naging masaya at ginawa naming memorable, Ayokong umalis don ng magiiwan pa kami ng lungkot sa memorya.

"Ready?" Tanong sakin ni Franz nang makalapit sya sakin sa back stage. Tinanguan ko lang sya at umupo naman sya sa tabi ko.

Ngayon gaganapin ang unang mallshow namin as Love team, masaya ko na hindi lang kami love team kundi real life couple din, Para hindi namin kailangan lokohin ang fans sa kilig na mararamdaman namin.

Maluha luha ako habang iginagala ang mata ko sa mga di magkamayaw na fans, Nakangiti lang si Franz habang pinagmamasdan ang dami ng tao na sumusuporta samin, Nakahawak sya sa baywang ko at hinapit ako nang maramdaman nya ang titig ko.

Kumalas sya sa hawak sakin tsaka ako ikinuha ng upuan, Hindi magkamayaw ang fans sa pagsigaw nang sabay na naming kinanta ang magbalik, Hindi ko alam pero naging paborito ko na din ang kanta dahil ayon ang laging kinakanta ni Franz.

Matapos ang pagkanta namin ay tumayo sya at iginaya din ako patayo "I love you" Bulong nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko matapos ay hinalikan ako sa noo dahilan para lalong magwala ang fans.

Nangiti ako nang isipin na dati ay isa lang ako sa nakaupo sa baba ng entablado para suportahan si Franz, ngayon ay kasama nya na ko na magpasaya at magpakilig sa iba.

Matapos ng mga performance namin ni Franz ay hinayaan namin ang mga fan na magpapicture samin. Pagkatapos non ay iginaya na ko ni Franz sa sasakyan nya.

"San tayo pupunta?" Sambit ko habang nagkakabit ng seat belt

"Tagaytay" Tugon nya, Taka ko naman syang sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa daan, Maggagabi na "Pinagpaalam na kita kila tita" Tumango nalang ako tsaka naglagay ng earphone at sleep mask, Pakiramdam ko ay masyado akong napagod kanina kaya magpapahinga muna ko sandali.

"Love wake up" Mahinahong sambit ni Franz, Nagtataka kong tiningnan sya nang makitang naka park ang sasakyan sa tapat ng rest house pagmulat ng mata ko, Nagkibit balikat lang sya at ngumiti tsaka ako inalalayan pababa ng sasakyan.

Hindi pa din maalis ang tingin ko sa kanya sa pagtataka pero hindi nya ininda yon ,Iginaya nya ko papasok sa rest house. "What are we doing here ba kase?" Takang tanong ko, Tinapunan nya lang ako ng ngiti nang marinig nya ang tono ko.

"Trust me" Kinindatan nya ko tsaka ngumisi bago ako iginaya papunta sa Balcony.

Hindi ko malaman kung ano ang dapat maramdaman nang makarating kami sa Balcony, Nag-agawan sa pagtulo ang luha ko at hindi magkamayaw ang saya na nararamdaman ko.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon