-VEINTE UNO-

68 10 0
                                    

ELISE POV.

"Ate Elise papicture po!" Sigaw ng isang dalagitang mas bata sakin ng ilang taon.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at bumaba ng konti para magkapantay na kami, Nang matapos ay kumaway na ko at sumakay sa sasakyan. Kakatapos lang ng meeting namin para sa mga parating kong event.

"Kinukuha ng management mo si Franz ah" Salubong sakin ni Aira pagpasok ko sa Van. Sya kase ang kasama ko lagi pag may mga lakad ako, sabi nya ay wag na kong kumuha ng assistant dahil mas kampante daw sya kung sya ang kasama ko.

"Good for him" Ngumiti ako sa kanya tsaka kinuha ang phone ko sa bag para magcheck ng social media accounts ko "Mas may career sya sa management natin" Sambit ko kay Aira tsaka tumawa ng bahagya

"Good for you ba?" Sarkastiko ang tono nya kaya tinaasan ko sya ng kilay, natatawa naman syang nagiwas ng tingin "Kuya sa bahay tayo ni Elise" baling nya sa driver namin

"May sched ako bukas?" Tanong ko kay Aira

"Wala, Pahinga ka bukas" Sambit nya, tinanguan ko naman sya "Sa isang araw may taping ka for Tv advertisement" Muli ko syang tinanguan tsaka naglagay ng earphone para makinig ng music.

Isang linggo na pala simula nung makita ko ulit si Franz, Hindi pa din sya nagbabago, kung paano ko sya nakilala ay ganon pa din sya ngayon. Sa loob ng 2 years akala ko ay nakamove-on na ko, akala ko ay wala na yung sakit pero bumalik lahat  nang makita ko sya ulit, hindi pa din pala nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya pero madami kami masyadong obligasyon kaya wala akong oras para isipin yon.

Naunang bumaba si Aira dahil madadaanan naman namin ang daan sa bahay nya, Hindi na muna sya umuuwe sa condo nya para sabay kami kung sakaling may lakad. Nang makarating ako ng bahay ay masaya kong sinalubong ni Mommy.

"Anakkk!" Masiglang bati nya tsaka bumeso sakin

"Mom pinadala ko muna kay kuya Jigs yung van" sambit ko. Pinauwi ko muna ang driver ko dahil wala naman kaming ganap bukas para makapagpahinga din yung tao "Si Kuya?" Tanong ko kay Mommy

"Nasa girlfriend as usual" Sambit ni Mommy tsaka ako iginaya sa kusina para makakain "May lakad ka bukas?" Tanong nya habang nilalapag sa mesa ang mga pagkain

"Wala mom bakit?" Tugon ko

"May company event kase mamayang gabi baka gusto mong sumama" Nakangiti syang umupo sa harap ko

"Sige mom" Masiglang sagot ko

"Baka gusto mo ding kumanta don, Daddy mo kase ang nagoorganize" Tumango ako sa kanya, kaya pala wala na naman si daddy.

"Ano meron mom?" Tanong ko

"Anniversary ng company" Tumango ako sa kanya

Nang matapos na kami sa pagkain ay umakyat na ko sa kwarto para magpahinga, Nilock ko ang pinto tsaka hinubad ang suot ko sabay diretso sa kama para matulog, Mamaya nalang ako maliligo ulit pagpapunta na kami sa Event.

Nang magising ako ay naghanap ako ng susuotoin bago pumasok sa banyo para maligo, Pagkatapos ay nag bath robe muna ko para madaling makapagbihis mamaya. Nang matuyo ay kinulot ko ang buhok ko tsaka nag lagay ng kaonting make up bago ko sinuot ang off-shoulder gown ko.

Pagkatapos ay bumaba na ko, Nakaupo si Mommy  at daddy sa sofa habang iniintay ako. Naka black tuxedo si Daddy and si Mommy naman ay naka velvet gown, Nakangiti akong sinulyapan sila.

Nang makarating kami sa event ay kanya-kanyang tutok na ang camera saamin, Pinauna kasi akong maglakad nila mommy tapos ay nasa likuran ko sila, Ngumingiti ako sa mga nadadaanan ko. Siniglahan ako nang makita ko si Paulo, itinaas nya ang kamay nya para kumaway, doon din naman kami dumiretso sa table nila.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon