-DOS-

210 20 0
                                    

"Thank you Lord" Sambit ko habang nakatingin sa list ko ng mga requirements, Nakahinga ko ng maluwag nang naipasa ko lahat yon.

Hindi pa naman finals pero sandamakmak na ang requirements na pinapagawa samin, Ayoko naman na magreklamo dahil graduating students kami kaya siguro ay normal na yon.

Inilagay ko ang notebook ko sa bag at kinuha ang bag ko para lumabas na ng classroom, Kailangan ko ng umuwe, masyadong napagod ang utak ko.

"Intayin mo ko!" singhal ni Kath habang hinahabol ako sa paglalakad "nagmamadali te?" sinabunutan nya ng bahagya ang buhok ko.

"Ano na naman ba yang asta mo?" pagtataray ko, Nag make face lang ang bruha.

"Nagyayaya sila Paulo na tumambay, Hindi ka sasama?" Sambit nya, Tinaasan ko sya ng kilay "Sa bahay daw ni Bryan"

Umiling ako "Madami pa kong kailangan gawin" Ngumiti sya at tumango, Bumeso naman ako sa kanya para magpaalam. Diretso lang ako sa pagsakay sa kotse ni Kuya na nakaparada na sa labas ng school, hinihintay ako.

"You look exhausted" Sambit ni Kuya nang makasakay ako sa kotse nya, Nginitian ko lang sya bago maglagay ng seatbelt. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan sa byahe.

Pakiramdam ko ay antok na antok ako dahil sa pagod ng utak ko pero kailangan ko pang gawin ang banner na dadalhin ko kay Franz para bukas.

Nang makarating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto, Naligo ako at nagpalit ng damit bago piniling umpisahan ang gagawin ko. Habang inaayos ko ang lettering ng banner na ginagawa ko ay tumunog ang phone ko, Nakikipag Face Time si Faith.

"Hi!" Masiglang bati ko sa harap ng Camera habang kumakaway pa

"Excited na ko bukas teh" Sambit nya "Agahan mo ha!"

Tumango ako "Syempre, See you!" Sambit ko

"Sige na, May ginagawa ka yata, See you tom!" Masigla pa din ang tono nya, Kumaway lang ako tsaka piniling patayin ang tawag.

Mangalay ngalay ang batok ko nang matapos ako sa mga banner na ginagawa ko. Masaya kong tiningnan yon bago piniling umupo sa kama, Gabi na pala nang matapos ako. Napaigtad ako sa gulat nang biglang pumasok si Mommy sa kwarto ko.

"Nandyan si Jake sa baba, Sumabay na kayo samin sa pagkain" Tumango ako matapos nyang sabihin yon. Pinili ko naman na sumunod sa kanya pababa.

Nakahawak si Jake sa noo nya habang nakaupo sa couch, Tumayo sya nang makita nyang papalapit ako sa gawi nya.

"Why are you here?" Mahinahon ang tono ko dahil ramdam ko ang lungkot sa sistema nya

"Namiss lang kita" Pangaasar nya, Iiling iling naman akong ngumisi sa kanya

"Kain muna tayo" Pag-aya ko, Sumunod sya sakin sa kusina, nakangiti naman si Mommy nang salubungin nya kami. Si Kuya ay tinapik lang ang balikat ni Jake.

Matapos naming kumain ay niyaya ko si Jake papunta sa terrace, Pabagsak naman ang katawan nya nang umupo sya sa couch, Ako ay diretsang nakatingin sa kanya habang nakasandal sa railings pinagmamasdan ang asta nya ngayon.

"Ano ganap?" Iniangat nya ang tingin sakin nang magsalita ako

Kumibot ang labi nya "May kasamang iba si Aira kanina" Bumuntong hininga sya matapos sabihin yon, Ngumisi naman ako bago itinaas ang isa kong kilay

"Jake, Hindi mo naman masisisi si Aira" Pinagcross ko ang kamay ko tsaka diretsang tumingin sa kanya "Sobra yung luha na ibinuhos non sayo"

Tumango sya tsaka suminghap sa hangin "Elise pinagsisihan ko yon"

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon