-VEINTE DOS-

75 10 1
                                    

FRANZ POV.

Tinanggap ko ang alok sakin ng management ni Elise a month ago, Isang buwan na din simula nang ihandle ako ng management nya.

Paminsan ay nakakasalubong ko si Elise sa office ng management pero nagngingitian lang kami, pakiramdam ko ay ilag pa din sya sakin hanggang ngayon.

Napagusapan naman namin ng maayos ng management ko ang paglipat ko, sinubukan akong pigilan ni Vane pero desidido talaga ko na lumipat dito at hindi naman nakakapagsisi dahil sa dami ng projects na natatanggap ko.

Dahilan kung bakit ako pumasok dito ay para makita sya, para makausap pero iwas na iwas pa din sya sakin, Sinusubukan ko naman kaya lang ay hindi ako makahanap ng tyempo.

Suminghap ako sa hangin bago piniling pumasok sa bahay, Nakangiti si Mama nang lumapit sya sakin para alukin ako ng pagkain umiling naman ako sa kanya dahil busog pa ko tsaka dumiretso sa kwarto ko.

Nang mailapag ko ang mga gamit ko ay tumawag sakin si Veri, Huminga ko ng malalim bago piniling sagutin yon. "Oh?" Sambit ko

[San ka?] Iiling iling ako nang magsalita sya, Paniguradong magyayaya na naman to ng inom

"bahay" Maiksing tugon ko

[Nagyayaya sila Aira sa condo nila, G ka?] Tanong nya

"Mahiya ka naman kay Aira" Tugon ko, Hindi naman kasi ako sinabihan tapos isasama nya ko, Nakakahiya naman ang ganon.

[Sya nga nagsabi na isama ka eh] Sambit nya [Kasama si Elise tara na!] Nabuhayan ata ko nang sambitin ni Veri yon

"Sige, San ka ba?" Tanong ko din kay Veri

[Bahay, Sunduin mo ko, Ingat!] Tsaka nya pinatay ang tawag.

Masigla akong naghanap ng damit tsaka pumasok sa banyo para magbihis, Nagpaalam lang ako kay Mama tsaka umalis.

"Tagal" Pagsinghal ni Veri nang makasakay sya sa kotse ko

"Sana umuna ka na" pangaasar ko, Inirapan naman nya ko.

"Hindi pa din kayo naguusap ni Elise?" Sinulyapan ko sya nang tanungin nya ko. "Kelan mo balak?"

"Sana mamaya" Pinilit kong ngumiti sa kanya "Ayoko syang pilitin, mukha namang ilag pa din sakin" Tumango sya

Tahimik lang naming tinahak ang byahe. Nang makarating kami sa condo ay bumeso sakin si Aira at kath, Tinapik naman nung mga lalaki ang balikat ko, ginawa ko nalang pabalik yon.

Iginala ko ang mata ko nang biglang lumabas sa kwarto si Elise at Paulo, Ayokong magisip ng masama pero parang may tumusok sa dibdib ko "May pinadala lang ako sa kwarto, wag kang magisip dyan" Bulong ni Aira sabay tumalikod para pumunta sa kusina

Gulat naman si Elise nang makita kong nakaupo sa couch, Saglit lang ang gulat na dumapo sa kanya tsaka ibinalik ang aura nya sa pagiging malamig, Ngumiti sya sakin at napaigtad pa ko ng bahagya nang tumabi sya sakin, Doon na lang pala ang bakanteng pwesto. "No sched?" Baling nya sakin

"One week rest" Ngumiti ako ng bahagya

Tumango sya "Ako din" Sambit nya tsaka ibinaling ang tingin sa iba.

Pakiramdam ko ay nahihirapan akong kumilos at huminga ngayon dahil sa lapit naming dalawa. Kalalaki kong tao ay nagaagawan ang kaba sa dibdib ko.

Buti na lang at tinawag na kami ni Aira para kumain sa kusina kaya nakaligtas ako sa kaba na nararamdaman ko. Masaya silang nagtatawanan habang tahimik lang ako na kumakain.

"Franz, Napanood mo ba yung unang interview ni Elise sa Tv?" Nangaasar ang tono ni Kath nang bumaling sakin

"Hoy!" Binatukan sya ni Elise dahilan para matawa to, Sinulyapan ko si Veri na iiling iling na natatawa habang nakatingin sakin.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon