-VEINTE CINCO-

96 12 0
                                    

"Anak mapakali ka nga dyan" Singhal sakin ni Mommy habang natatawa, Pinagmamasdan nya ang galaw ko dahil pabalik balik ako sa sala, Pilit tinatanggal ang kaba ko.

"Mommy okay lang ba ako? Yung suot ko? Yung mukha ko? Okay lang ba?" Sambit ko. Muling tumawa si Mommy gayon din si Kuya habang pinagmamasdan ako "Wag nyo nga kong tawanan" Ngumuso ako at pabagsak na umupo sa sofa.

"Anak you look good" Sinserong sambit ni Mommy dahilan para medyo mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. "Magugustuhan ka nila" Pagpapakalma sakin ni Mommy.

"Kumalma ka nga Vianca" seryosong sambit ni kuya dahilan para mapatahimik ako.

Nilaro ko nalang ang cellphone ko habang iniintay si Franz, pupunta kami ngayon sa kanila dahil ipapakilala nya daw ako sa parents nya. Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang sila mamemeet, hindi naman ako pinakilala ni Franz dati, mga kapatid nya lang ang nakakakilala sakin.

Naka white off-shoulder top at black skirt lang ako, tapos naka sandals na may onting heels, I tied my hair in a half bun para magmukhang malinis ang mukha ko. Sinusubukan kong maging presentable para kahit pisikal palang ay magustuhan na nila ko, Hindi ko talaga maalis sakin ang kaba ko.

Hindi ko na nagawang tumayo nang tumunog ang doorbell, si kuya na ang lumabas para pagbuksan si Franz.

Nang makapasok sya ay nakangiti syang bumeso kay Mommy "Ingat kayo anak ha" napangiti si Franz nang sambitin ni Mommy yon, gayon din ako.

Pagkatapos kase ng lahat ng nangyare ay natanggap pa din nila si Franz ng buo, hindi nila ito hinusgahan at masaya kong ganon ang pamilya ko.

Lumapit sakin si Franz at humalik sa noo "Alis na po kami tita" Ngumiti at tumango si Mommy sa kanya "Boy una na kami" baling nya kay kuya, tinapik naman ni kuya ang balikat nya. Lumapit ako kay Mommy at kuya para bumeso bilang paalam.

Hawak ni Franz ang baywang ko habang iginagaya ako sa sasakyan. Pinagbuksan nya ko ng pinto at hinintay na makaupo bago muling sarahan ang pinto ng kotse. Nagseat belt na ko habang iniintay syang mastart ang sasakyan.

Naging tahimik ako sa byahe at pansin ko ang panay na sulyap ni Franz sakin, kinakapa siguro ang sitwasyon. "You okay?" Tanong nya sakin nang hindi makatiis.

Tumango ako at pinilit na ngumiti nang pagbalingan nya ko ng tingin "I'm nervous" Pagpapakatotoo ko.

"They'll like you, trust me" ngumiti ako sa kanya nang kuhanin nya ang isang kamay ko para hawakan.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa kanila, inalalayan ulit ako ni Franz na bumaba ng kotse. Habang papalapit sa pagpasok ng bahay ay nadadagdagan ng nadadagdagan ang kaba ko.

"Ma dito na kami!" Sigaw ni Franz. Hinawakan nya ang kamay ko nang maramdaman nya ang kaba ko, mahigpit naman ang ibinalik kong hawak doon nang bumukas ang pinto.

"Anakkkk!!" Sigaw ng Mama ni Franz, Excited syang lumabas ng pinto kaya napangiti ako. Ipinagtaka ko ng sakin sya lumapit at hindi kay Franz "Finally nakita na kita" Yinakap nya ko ng mahigpit at pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko nang kumalas sya sa yakap ko "Napakaganda mo nga talaga"

Pinili kong ngumiti sa kanya kahit kinakain ako ng hiya, nabawasan naman na ang kaba na dumadaloy sakin. "Hi tita" Sambit ko sa kanya.

"Halika dali" nabitawan ko ang kamay ni Franz nang bahagya akong hilain ni Tita at excited syang iginaya ako papasok sa bahay nila. "Oh ganda ng girlfriend ng anak ko" pagmamalaki nya sa papa ni Franz.

Nahihiya naman akong lumapit kay Tito para magbless, nakangiti syang iniabot ang kamay sakin. Muli akong hinatak ni Tita "Kilala mo naman na ang mga kapatid ni Franz no?" Napangiti ako sa tono nya, Pakiramdam ko ay magkakasundo kami.

FAIR DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon