Nagising akong puno ng pawis ang aking noo ganun na din ang aking leeg at likod.
Nilingon ko ang maliit na orasan sa gilid ng aking munting lamesa na yari sa kawayan. Alas tres pa lang ng madaling araw.
Napanaginipan ko na naman siya, isang batang babae ang halos laging laman ng aking panaginip sa mga nagdaang linggo. Balot ng galit at poot ang kanyang mga mata tuwing tinititigan nya ako sa aking panaginip. Hindi naman siya nagsasalita , ramdam ko ang takot at lungkot tuwing tinititigan niya ako ng halos walang kurap.
Pero bakit?
Sino siya?
Hindi na ako makatulog , kahit pilit kong pinipikit ulit ang aking mata. Pero itong mata ko naman ay ayaw makisama. Kaya tumayo na lang ako at tumungo sa mumunti naming kusina. Magtitimpla na lang ako ng kape.
Pagkatapos ko magtimpla, lumabas ako at dumiretso sa kubo sa gilid ng bahay.
Tanaw mula reto sa aming bahay ang halos kabuuan ng aming baranggay , ang malawak na taniman, medjo nasa mataas kasing parte ang aming pwesto. Tanaw din ang madilim na dagat sa unahan, ngunit naging maganda itong tingnan dahil sa mga ilaw ng mga bangka sa laot. Pagtatanim kasi at pangingisda ang pangunahing pinagkukunan ng pera dito.
Tulala lamang ako habang iniinom ang aking kape at di mawala ang isip ko sa batang babae na iyon. Bakit kaya paulit ulit syang nagpapakita sa aking panaginip?
Parte kaya siya ng aking nakaraan? Kaano-ano ko siya kung ganun? Bakit di ko siya maalala? Kamag-anak ba namin iyon? Kaibigan?
Kung ano man siya sa buhay namin ay siya lamang ang makakasagot nito.
Unti-unting kinain ng liwanag ang paligid , hindi ko namalayan ang oras mag-aalasais na pala at papalabas na ang araw.
Rinig ko na ang halos sabay-sabay na pagtilaok ng manok.
Agad akong tumayo at pumasok sa bahay. Nagluto muna ako , bago ko gigisingin si Akumi , kapatid kong babae.
Siya na lang ang meroon ako , eh. Maaga kaming naulila sa magulang. Limang taong gulang ako noon at tatlo naman siya ng mawala sila mama at papa. Hindi ko maalala kong paano sila namatay , siguro dala na din ng masyado pa kaming bata noon. Ang tanging naaalala ko lamang ay ang sigaw ni mama bago siya malagutan ng hininga "anak takbo , YUKI " . Yun lang narinig ko , dahil pabulong na lang ang iba. YUKI , siya kaya ang dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang? Napuno ng galit at poot ang puso ko , kung saan man siya ay hindi ako titigil hanggang di ko siya nakikita.
Kahol ng aso ng kapitbahay ang nagpabalik sa aking ulirat , hindi ko namalayan inaalala ko na naman pala ang aking nakaraan at pati ang pagtulo ng luha sa aking mukha ay di ko namalayan.
Agad kong pinunusan iyon at tumayo , gigisingin ko na lang ang aking kapatid.
"Akumi , gumising kana riyan."
"Sige kuya , susunod ako." sagot niya na halos parang pilit pa.
Nauna akong bumaba sa tablang hagdanan ng aming bahay.
Dumiretso akong kusina , maghahanda sa hapag ng aming kakainin.
Halos maglilimang minuto na ay di pa din bumababa si Akumi , kaya bumalik ako sa kaniyang kwarto. Bumaling ako sa pintuang tanging kurtinang berde na nililipad pa ng hangin ang tanging harang.
"Akumi!" sigaw ko sa labas , ayaw ko kasing basta basta pumapasok sa kaniyang kwarto. Lalo na't babae iyon.
Walang sumagot . Sumilip ako.
Aba , ang babaeng iyon , halos tumulo pa ang laway sa himbing ng tulog.
"AKIRA IZUMI VALDEZ!" sigaw ko.
Agad siyang napabalikwas. Halos di sya magkanda ugaga sa pagbangon. Napalitan ng tawa ang galit na nagbabadya sa akin.
"Sorry po." tanging nasagot na lamang niya.
Natawa ako sa naging reaksyon niya. Napangiwi siya sa aking pagtawa.
Natapos ang aming pagkain na halos di ako pinapansin ni Akumi.
Naghuhugas siya ngayon ng aming pinagkainan. Lumapit ako sa kaniya.
"Akumi, aalis ako mamaya. Tutungo ako sa bayan. Maghahanap lang ako ng trabaho."
Nagulat siya sa biglaan kong pagsalita ngunit kalaunan ay nakabawi din.
"Sige po kuya , ako naman po ay tutungo kila Mang Pidreng. Nagpapagawa kasi ng isang painting ang kaniyang anak na si Nene , proyekto daw nila. Sayang naman ang bayad kuya." she answered .
"Okay , basta umuwi na kaagad kapag tapos kana. Baka mahapunan ako." tanging naisagot ko sa kanya.
Tumango naman siya. Ngumiti na lang ako bago pumasok sa banyo.
Di naman kami mahirap , di rin mayaman. Kaso , kinakapos na kami sa perang panggastos. Malapit na magpasukan at kailangan na mag-enroll. Magka-college na ako kaya malaking gastusin na iyon , kakagraduate lang din ni Akumi sa junior high. Kaya kailangan ko ng trabaho.
••••••••••••
Author's note:
Any suggestions , willing akong makinig. Don't be shy 😊.
Please bare with me until the end. Thank you. Anata o aishiteimasu ❤️
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...