Resto Bar
Narito na kami ngayon sa restobar na pagtatrabahuan namin nila Margaret. Si Akumi ay iniwan ko muna kay Merds. Napag-alaman ko kasing malapit lang ang bahay nila Merds dito sa restobar. First day ko ngayon kaya hindi muna ako nagrisk na dalhin si Akumi dito. Kailangan ko munang inspeksiyunin bago ko dalhin dito ang kapatid ko.
Isa ako sa magiging vocalist at gitarista. Gitarista kasi ang umalis na kamembro nila. Ayos ito at marunong naman ako sa pagigitara. Kanina rin ay pinakilala niya ako sa mga karupo niya. Si Ben na drummer , medjo chubby siya pero gwapo. Si Peter ang pianist at si Margaret ang hahawak ng base guitar.
Pinakilala niya rin ako kay Sarah may-ari ng restobar. Ayaw niyang tawagin siyang Ma'am dahil nakakatanda daw. Hindi naman kasi nalalayo ang edad namin. 20 palang siya. Bilib nga ako sa kanya dahil ambata niya pa para magkaroon ng sariling business. Sa edad niyang ito ay nakapundar siya ng sariling business. Pangarap ko din ito noon kaso kulang sa budget.
Mag-aalas syete ng maysimula kaming kumanta. Marami ang costumer dahil maganda ang naging pwesto ng restobar. Hindi rin maikakailang napakaganda ng ambiance sa restobar na ito. Yun bang kapag galing ka sa trabaho at dito ka didiretso dahil talagang nakakarelax.
Pangatlong kanta na namin ito. Huling kanta bago kami magkaroon ng break at magiging open mic na ang bulwagan. Medjo dumadami na rin ang nalalasing. Kinakabahan ako dahil ngayon lamang ako nakapasok sa ganitong lugar. Ni hindi nga ako umiinom. Mas lalo akong kinakabahan dahil kasama ko si Margaret, mahirap na baka mapagkadiskitahan. Syempre maganda ito sinong hindi aaligid diba? Nakasuot pa naman siya ngayon ng short at sando na kulay puti at napapatungan ng maong na jacket. Simple lamang ito kong tutuusin pero napakaganda niyang tingnan.
Someone you Loved ang kinakanta namin ngayon. Nakakapagod din palang ngumiti lalo na at isa ito sa mga habilin ni Sarah. Nakakapagtaka nga at itong si Margaret ay hindi napapagod. Nakakakilig lang dahil nagkakatinginan kami madalas. Nakakabakla kapag si Margaret ang kasama. Puta.
Natapos ang kanta at magkakaroon kami ng break. Kaya nag-announce na ako na magiging open mic na.
Naupo kami sa isang bakanteng lamesa malapit sa mini-stage. Medjo maiingay na ang I ang tao dahil lasing na. May iba namang kasama ang mga jowa nila. Naisip ko na naman tuloy na maging girlfriend si Margaret. Ayaw kong madaliin dahil masyado namang mabilis.
Nagkaroon ng ingay tama lang para marinig namin. Galing ito sa metal na lamesa sa bandang likuran. Patungong harap ang direksyon niya. Siguro ay kakanta dahil open mic. Hindi ko makita ang mukha niya dahil medjo dim ang ilaw. Mabagal ang lakad niya.
Nakarating siya sa mini-stage pero hindi pa din siya lumilingon. Pasuspense ang trip. Nakayuko lamang ito at marahang nagbuntong hininga bago humarap.
Nagulat ako ng makilala ang nasa harapan. Pansin ang pamumungay ng mata niya siguradong nakainom ito. Nakita ko rin ang pagkagulat kay Margaret na ngayon ay tutok din sa harap.
Umupo siya sa upuan na nakaharap sa piano. Sinimulan niyang tipain ang mga tiles ng piano. Hindi maikakailang magaling siya sa instrumentong iyon. Halata naman e. Hindi nga siya tumitingin doon dahil nakatingin lamang siya sa akin. Ayaw kong mag-assume pero palagay ko nasa akin talaga ang atensyon niya. O pwedi din kay Margret? O di kaya kay Ben o kay Peter? Siguro'y nagagwapuhan sa dalawa.
Ngiti ang kinanta niya. Hindi niya sinabing maganda din pala ang boses niya. Pinupuri ko ba siya? No , sinasabi ko lamang ang totoo dahil maganda talaga ang boses niya. Every words of the song ay dinadama niya. Puno ng emosyon ang pagkanta niya.
Hindi ko siya matitigan dahil parang ang kantang iyon ay ikinakanta niya sa akin. I'm not assuming pero malay ko ba, diba? Pero imposible dahil alam naman nating lahat kong gaano namin kinamumuhian ang isa't isa. Siguro ay dala na din ng kalasingan.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...