XXVI

2 0 0
                                    

Pendant

It's Thursday. Walang klase ngayon dahil busy ang mga estudyante para sa gaganaping aquintance party bukas. Hindi ko alam kong ano ba ang nakaka-excite sa ganun. Ako nga ay wala pa ding susuutin. Wala akong budget para don at syempre wala din akong balak na dumalo. Kaso itong si Akumi ay masyadong mapilit.

Simula nong lunes hanggang kagabi ay pinagtatalunan namin ang tungkol sa pagdalo ko. Nakakainis nga dahil binablackmail niya ako. Ano bang mapapala ko kapag dumalo ako? Pati ang mga kaibigan ko ay pinipilit akong pumunta. Nakakaasar lang dahil sa tuwing naiisip ko na si Ryumi ang kapartner ko.

Narito kami ngayon nila Margaret sa bench. Dala niya ang gitara niya dahil kailangan naming magpraktis. Kahapon lang ng sabihin ni Miss Pilapil na magkakaroon ng singing contest at dahil sa kami raw ang magaling ni Margaret ay kami ang binoto nila. Isa pa to sa dahilan kong bakit kailangan kong dumalo. Dapat kasi ay si Ryumi na lamang ang binoto nila total magaling din naman siya.

"So guys , ano magandang kantahin?" hingi ng suhestiyon ni Margaret. Wala pa kasi kaming naiisip na pweding kantahin dahil talagang biglaan.

"Ano bang genre ng kakantahin ninyo?" tanong naman ni Merds.

"Love song." sagto ko. Iwan ko ba say mga guro reto. Kailangan pa talagang magkaroon ng ganung contest? 

"Ah what if, Beautiful in White?" suhestiyon ni Merds. Kasalan ang nais?

"Di ka talaga nag-iisip. Love song , hindi wedding song." sabat naman ni Anthony. Kailan ba magkakasundo ang dalawang ito?

"Love song din naman ang wedding song ah. Ikaw ang di nag-iisip."  sagot naman pabalik ni Merds. Agad kong pinutol ang usapan nila dahil baka kung saan naman makaabot ang dalawang to.

"Ay kung, Love Story na lang ni Taylor Swift?" ako na naman ang nagsuggest dahil wala namang matinong naiambag ang iba.

"Good choice, Jiyo." sang-ayon ni Margaret. Nakathumbs up siya at nakangiti.

"Stop smiling Margaret, mas lalo lang maiinlove sa iyo si Jiyo nyan. Yieee." pang-aasar naman ni Merds. Ito talagang babaeng ito walang habas ang dila.

"Stop it Merds." sita ko sa kanya. Sino bang matutuwa? Totoo namang may gusto ako sa kaniya pero di ko naman sinabing ipangalandakan niya iyon. Nakita ko ang pag-irap ni Anthony na para bang sinasabing wala na siyang masabi.

Halos maghapon kaming nagpraktis. Lalo na sa pagpaplucking. Ako kasi ang ipagigitara ni Margaret. Hindi naman ako makatanggi lalo na nong ngumiti siya. Puro pang+aasar lang naman ang ginawa ng mga kaklase namin pinangungunahan pa ni Merds.

Si Akumi naman ay maghapon kong di nakita. Wala siya nong naglunch break. Nagtext naman siya na may tatapusin lang at mauna na raw akong umuwi kaya di ko na inistorbo. Baka project na naman o may quiz. Ayaw ko sanang payagan dahil sa nangyari nong lunes pero baka importante ang gagawin niya.

Kami lang naman college ang may aquintance ang lower year wala. Pero wala silang klase bukas dahil sa gaganaping aquintance. Iiwan ko muna si Akumi kila Bella. Nakausap ko na din siya kanina at pumayag naman. Hindi ko pweding iwang mag-isa si A , lalo na sa nangyari nong lunes.

Nauna akong umuwi kagaya sa sinabi ni A. Wala din naman akong gagawin kaya nag-iisip na lang ako kung saan ako hahanap ng susuutin. Nakakainis lang dahil sa sobra kong pag-ayaw na pumunta sa aquintance ako naman ang nahihirapang mag-isip kong saan kukuha ng susuutin. I-tetext ko na lamang sila Philip at baka meroon silang mapapahiram.

Mag-aalasais na ng makauwi si Akumi. Hind ko alam kong pagod lang ba talaga siya o may nangyaring hindi maganda. Pati ang pagbati sa akin ay nakalimutan na niya. Lalapitan ko na sana siya ng magsalita ito.

"Kuya, akyat na ako. Pagod." pati ang pagsagot niya ay naging tipid. Nakakapanibago. Dati naman kahit pagod siya ay nagagawa niya pang makipag-asaran sa akin pero ngayon ay hindi na. Kasama ba talaga ito sa pagdadalaga?

"Sige. Hindi ka na ba kakain? Nagluto ako ng paborito mo." gustuhin ko mang magtanong pero parang nakikiusap ang mga mata niya na gusto niya na munang magpahinga.

"Busog kuya." pagkatapos niyang sumagot ay umakyat siyang walang sabi. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya. Dahil na naman ba ito kay Nion? Pagnakita ko talaga ang lalaking iyon ay kakalbuhin ko.

Kumain akong mag-isa. Hindi mabilis at hindi rin mabagal ang ginawa kong pagsubok ng makaramdam na naman ako ng para bang may nagmamasid. Narinig ko ang kaluskos ng mga halaman sa may pool area. Hindi ko natapos ang pagkain ko dahil mabilis pero dahan kong tinahak ang lugar kong saan ko narinig ang tunog. Ngunit laking pagkadismaya ko ng wala akong naabutan.

Medjo madilim ang pool side at tanging liwanag galing sa buwan ang nagbibigay liwanag dito. I was going to walk inside ng may munting kumislap sa bandang halaman. Bumalik ako at lumuhod para maabot ang kumikinang na iyon.

It was a pendant. Hugis crescent moon ito with a star in the middle. I don't know kung kanino ito. Inilagay ko lamang ito sa bulsa ng short ko at mabilis na tinungo pabalik ang kusina. Mabilis ang pagligpit ko.

Nandito na ako sa kwarto ko at naghahanda ng matulog ng biglang pumasok si Akumi. Hindi man lang marunong kumatok? Paano kung nakahubot hubad pala ako edi nakita niya na si junjun.

"Kuya, may nagpapabigay. Iyan daw ang suutin mo bukas. Wag mo na tanungin kong kanino galing , isuot mo na lang. Night." then she left. Ano bang nangyayari sa kapatid ko? Ayos naman ito nang pumasok kami sa school. Nag-aasaran pa nga kami tungkol kay Margaret at Nion. Hindi man lang ako hinintay na makasagot.

Pagkalabas niya ay agad kong binuksan ang ibinigay niyang paper bag. It was a tuxedo , maroon color to be exact and a plain black polo meroon na ding black shoes. Saan naman nakuha ni Akumi ang mga ito? Hindi naman niya ito kayang bilhin dahil hindi pa naman ako nagsesweldo at wala kaming pera. Siguro ay tatanungin ko na lamang siya bukas.

To be continued...

-
Isang chapter lang po muna ang mag-uupdate ko dahil hindi po maganda ang pakiramdam ko. Kaya kailangan ko ng matulog. Hihi, babawi ako bukas. Iloveyou all 💜.

Verse of the day
1 Corinthians 16:14 💖

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now