Ate
AKUMI PoV
Katatapos ko lang maglinis ng balkonahe kaya pumasok ako dito sa kwarto. Wala naman akong gagawin e , siguro ay mag-aadvance reading na lang ako. Mas maganda iyon dahil may quiz kami sa martes. Nitong mga nagdaang araw kasi ay hindi ako makapagfocus dahil sa presensya ni Nion. Hindi ko ba alam dahil simula ng makita kami ni Ate Ryumi ay nagsimula na akong mainis sa kanya.
Kinuha ko ang General Chemistry kong aklat at nag-advance study. Kailangan kong magfocus dahil ayaw kong hindi makasama sa honor. Consistent ako pagdating sa pag-aaral kaya hindi isang Nion lang ang makakawala sa focus ko. At isa pa ginagawa ko ito para sa sarili ko , para kay Kuya. Ito lang ang alam kong gawin para maging safe siya.
Tumunog ang selpon ko. Dali akong tumayo at tumungo sa kama ko dahil naiwan ko to doon. Siya na naman. Kaagad kong binasa ang text niya.
R:
Kailangan nating mag-usap. Pwedi ka ba ngayon?Yan lang ang laman ng text niya. Alam kong importante ito. Kaya tuwing nag-uusap kami ay hindi ako nagdadalawang isip na sumang-ayon sa mga paki-usap at utos niya. Malaki ang tiwala ko dito. Kailangan kong magtiwala sa panahon ngayon.
Hindi ko siya nireply. Nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo.
Katatapos ko lamang maligo nang tumawag siya. Agad ko itong sinagot. "Sige, darating ako. Saan kaba? Sige malapit lang iyan. Hintayin mo ako." malapit lang naman ang Kantina Bonina kaya okay lang.
Agad akong lumabas at laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Kuya. Nakatapis lamang ako ng tuwalya kaya siguro tumalikod siya kaagad. Kanina pa kaya siya reto? Narinig niya kaya lahat? Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Hindi pa pwedi. Masisira lahat ng to.
"Kanina ka pa ba, kuya?" naging uneasy ako sa naisip ko. Hindi magiging tagumpay ang lahat kapag nalaman niya ito. Hindi pwedi.
"Ah bago lang. Pasinsya na pumasok na ako, kanina pa kasi ako tumatawag kaso walang sumasagot." sagot niya. Naka-upo na siya ngayon sa kama ko. Ako naman ay dumiretso sa closet para maghanap ng damit. Pantalon lamang ang pinili ko at puting damit. Magtsitsinelas lang ako papunta sa pagkikitaan namin.
"Kuya , aalis ako. May kailangan lamang akong puntahan." Bumalik ako sa banyo. Dito ako bibihis. Alangan naman sa harap ni Kuya?
"Saan ka pupunta? Sinong kikitain mo?" tanong niya. Kailangan kong makaisio ng palusot. Tangina baka hindi pa ako payagan nito lalo na kung maiisip niyang makikipagdate ako. Kanino naman? Kay Nion? Hell, no.
"Project?" patanong kong sagot. Kahit ako ay di ko alam kong bebenta ba ito kay Kuya pero bahala na. "Project , tama. Gagawa kami project, kuya." wala na akong maisip na ibang palusot. Kailangan ko lang maging convincing.
"Project? Wala pang isang buwan , may project agad?" imbestega niya sa akin. Ganito pala kahirap magsinungaling. Sorry Kuya. Pero kailangan ko itong gawin.
"Ah , ano palang kailangan mo kuya?" pag-iiba ko ng topic. Kailangan dahil baka masabi no oa ang di dapat masabi
"Magpapatulong sana ako na kumuha ng pagkain at dalhin sa balkonahe." sagot niya. Buti na lang at naiba ang topic ngunit bakas pa din ang pagtataka say mukha ni Kuya. Isintabi ko ito at agad siyang niyaya.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...