Unwanted gift
It's Friday. Wala kaming klase ngayong hapon dahil may meeting ang mga faculty member.
Nandito kami nila Merds at Anthony, sa oval naka-upo.
As usual , napaka-ingay na naman ni Merds. Hindi ata nauubusan ng energy ang babaeng ito. Kung ano-ano lang ang pinangkekwento. May K-drama , anime. Ah sumasakit ang ulo ko sa kaingayan nitong si Ms. Allegre na ito. Perteng naka-upo naman si Anthony busy sa selpon niya.
Ako naman ay busy sa panunuod ng mga estudyanteng paroon at parito.
Ngayon ko lamang na-appreciate ang ganda ng SEAU. Paano ko ba naman mapagtutuunan ng pansin ang school na ito sa mga nagdaang araw , kasi kung hindi ako busy sa mga activities e napaclinic naman. Tsaka , hindi naman ako pumapasok para mamasyal lang dito.
"RYUMI" nabaling ang atensiyon ko kay Merds ng tawagin niya si Ryumi.
Dalawang araw din na hindi pumasok ang hambog-bossy na ito. Wait , bakit ko ba ito pinagtutuunan ng pansin.
Lumapit si Ryumi sa pwesto namin. May sugat ang kaniyang pang-ibabang labi , malamang nakipagbasag-ulo na naman ito. Kailan kaya titino amputek na to?
"HOY, yung sugat mo kamusta?" nagkatitigan kami. Maka-hoy naman ang babaeng ito.
"Excuse me MS. MADRIGAL , I have my name so don't hoy me. At ang sugat ko naman ay hindi pa din magaling. Kasalanan mo ito e. Kung hindi ka sana hambog hindi naman mangyayari ito." iritado kong sagot. Nakakabanas talaga amputek na to.
"As far as I know MR. VALDEZ , wala naman akong maalala na sinabi kong harangin mo ang bote na iyon. So don't expect me to say sorry or thank you , cause it's your choice." umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. Hambog at walang utang na loob.
Kasalanan ko pa pala na iniligtas ko siya.
Isang malakas na sampal ang narinig ko. And there I saw Akumi holding her temper. Bakit narito ito, saan ito nanggaling? Bigla-bigla nalang sumusulpot.
"A, what are you doing?" hila ko kay Akumi. "Hindi kaba nag-iisip , baka sa susunod na araw ikaw na naman ang gaguhin nyan." galit ko kay Akumi.
Hindi ako binalingan ng tingin ni Akumi.
"HOY , b!tch. Watch your fvcking mouth. Ganyan ka ba talaga magpasalamat? Niligtas kana ni Kuya , kung makaasta ka akala mo kung sino. You ungrateful witch." galit na sabi ni Akumi.
Ngumisi lang si Ryumi. Manhid.
"Hey you little kid , ganyan ba ang tinuro sa iyo ng kuya mo? And besides totoo naman ang sinabi ko , hindi ko hiningi ang tulong ng kuya mo , kaya ko ang sarili ko." nakayukong sagot ni Ryumi.
Mabuti na lamang at walang nakakapansin na mga estudyante , kung hindi e sikat na naman kami.
Si Merds ay nanunuod lang sa gilid kasama si Anthony , para bang sanay na makakita ng ganitong eksena.
"Mag-aral ka na lang kid , at wag makialam sa usapan ng matatanda." dagdag ni Ryumi pagkatapos ay tumalikod na. Diretso ang lakad at di na lumingon.
"FVCK YOU, go back to hell hinahanap kana ni satanas." tiim bagang na sigaw ni Akumi.
Piningot ko ang kaniyang tainga dahilan para mapaharap ito sa akin.
"Hey , Akira Izumi. Why did you do that?" tinitigan ko siya sa mata para makita niyang di ko gusto ang ginawa niya. "Kailan ka pa naging iskandalosa ha?"
"HINDI KO GUSTO ANG TABAS NG DILA NG BABAENG IYON KUYA. AT KAHIT SINONG KAPATID E HINDI MATUTUWA SA KANYA. ILUGAR NAMAN NIYA ANG KAHANGINAN NIYA." sigaw ni Akumi sa akin. "Y-you p-put your life in danger para sa kaniya tapos gaganunin ka niya. No , no kuya." ngayon ay umiiyak na siya.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...