New Friends
Linggo na ngayon, busy ako dahil bukas ay unang araw ng pasukan. Sobrang bilis ng araw.
Pumayag na din si Ma'am Yuki na , every weekends lang ako magtrabaho. She understand naman daw. Buti na lamang ay may ganun akong amo.
Kahapon e , namalengke kami ni Akumi , groceries at mga kakailangan sa school lang binili namin. Dumiretso din kami sa SEAU para kunin yung uniform namin kasama ang I.D.
Speaking of Akumi , asan na kaya iyon? Wala naman siya sa kwarto kaninang tiningnan ko siya. Matapos namin mananghalian e wala na rito.
"Siguro'y nasa mga kaibigan niya." pabulong kong saad.
Kahapon din pala'y nagtext ang school. Nakapasa ako sa scholarship. Mataas ang nakuha kong marka kaya ako ang nanguna sa mga nagtake ng exam.
Simula kasi elementary hanggang ngayon e consistent first honor ako. Ganun din si Akumi. Never kasi kaming nagpabaya. Well, sa panahon ngayon karamihan ay tinatamad mag-aral maka 75 lang sa average e ayos na pasado naman daw e. Nagsumikap talaga kami ni Akumi dahil sa iisang dahilan , para mas madaling makahanap ng trabaho, at pagnakahanap ng matinong trabaho mas mapapadali rin ang paghahanap kay Yuki. Yes, yan ang dahilan ko kung bakit ako nagsusumikap.
-
Alas singko ng nakauwi si Akumi. Something's weird.Diretso siya sa kaniyang kwarto at lumabas lang nong kumain na kami ng hapunan bandang ala sais ng hapon. Nong tinawag ko siya sa kaniyang kwarto e may kausap na naman. Mukhang masinsinan. Halatang iritado ang boses e. Mamaya nga'y tatanungin ko , baka pati ito'y pinapadalhan at tinatawagan na ng mga tumatawag sa akin na nagbabanta. Mahirap na. Ayaw kong maistress at isipin niya pa iyon.
Napapansin ko rin na lagi siyang may kausap sa selpon niya. Hindi nga niya pinapakausap sa akin. Baka manliligaw? Pero kung manliligaw niya iyon e ako lagi ang pinapakausap niya. Ngayon e lagi niyang pinapatay kapag paparating ako. Sabi niya naman lagi e kaibigan niya. Bakit niya pinapatay?
"A , naglilihim kana kay kuya. Sino ba iyang lagi mong kausap sa selpon? At bakit hapon kana umuwi?" nakanguso kong saad
"W-wala nga k-kuya, mga k-kaibigan ko l-lang." utal niyang sagot. Hindi siya makatitig sa mga mata ko.
"Kaibigan? Bakit mo pinapatay bigla kapag lumalapit ako?" giit ko
"Kuya , girls talk l-lang." nakayuko niyang sagot.
"Girls talk? Lagi mo na lang iyan sinasabi." nakataas na kilay kong sagot.
"S-sige k-kuya, t-tapos kana b-ba kumain? Magliligpit n-na a-ako." may tinatago talaga ito.
Nagsimula na siyang magligpit. Iniiwasan niya talaga ako.
Natapos siyang magligpit at maghugas ng wala kaming kibuan. Nakakapanibago.
"Kuya, tulog na ako. Goodnight." sabay halik niya sa pisngi ko.
"Goodnight." sagot ko.
-
4:30 am ay gising na ako. Kailangan maaga dahil unang araw ngayon ng pasukan , kailangan maghanda ng maaga.
Ginising ko na din si Akumi , katatapos niya lang magsaing kaya tumungo na siya sa banyo.
Ako naman ay magluluto ng ulam. Para sa umagahan namin.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Fiksi RemajaThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...