Bonding
It's Sunday. Busy kami ngayon ni Akumi dahil niyaya ko sina Bella ganun din ang kaibigan ko sa school na pumunta dito. Pinaalam ko din naman kay Manager Kang ayos lang naman daw. Hindi naman ako nagte-take advantage dahil lang sa pinatira kami dito ng libre ay gagawin na namin lahat. Hindi pa rin naman makapal ang mukha ko. Nakakahiya naman kay Ms. Yuki kapag nakarating sa kanya.
We're already here in the kitchen , napagdesisyonan kong magluto ng carbonara at fries ito lang naman ang meroon kami ngayon. Hindi ako magaling magluto pero may cook book naman kaya ayos lang. Si Akumi naman ay busy sa pagluluto ng popcorn at mamaya ay ipapalinis ko sa kanya ang balkonahe sa taas. Doon na lang siguro kami tatambay mamaya.
"Kuya , aakyat na ako sa taas. Wala ka na bang kailangan?" hindi ko napansing tapos na pala siya. Hindi naman mahirap magluto non kaya pinabayaan ko na lang siya. Nakita ko ang popcorn na ngayon ay mayroon ng barbeque powder.
"Ah , pasuyo naman na linisin ang balkonahe don na lang siguro kami tatambay mamaya. Ayos lang ba?" hindi ko siya nilungon dahil busy na ako sa pagluluto ng carbonara. Full effort to dahil darating si Margaret.
"Ayos lang kuya. Wala na din naman akong gagawin."
Naging tahimik ang kusina dahil mag-isa na lamang ako. Kaya iniwan ko muna ang aking niluluto at dumiretso sa living room dahil meroon dong DVD player at mga speaker. Meroon din doong mga song dvd. Nakita ko ito habang naglilinis kahapon. Isinalang ko ang kanta ng one direction. Halos inilagay ko sa full volume ang speaker.
Sumasabay pa ako sa kanta habang nagluluto. What makes you beautiful na ang kanta ngayon. Wala naman sigurong magrereklamo na maingay dahil medjo may kalayuan ang mga kapitbahay.
Matatapos ko na ang pagluto ng fries ng tumunog ang doorbell. Siguro sila na iyon. Dali kong tinahak ang daan papunta sa front door.
Nakita ko ang malapad na ngiti ni Bella ganun din si Merds. Mukhang tanga talaga. Nakipagkamay naman ako sa tatlong lalaki na nasa harap ko ngayon. Dali kong hinanap si Margaret. Nasa huli siya nakasuot ng simpleng floral dress na bumagay sa kanya. She's wearing her genuine smile again. Medjo kulot ang kaniyang buhok na hanggang balikat.
"So , yayayain mo ba kami pumasok o tutunganga na lang tayo dito sa labas?" bumalik ako sa katinuan ng sabihin iyon ni Merds. Bigla tuloy akong nahiya.
Binuksan ko ng malaki ang pintuan para makapasok sila. Diretso agad kami sa balkonahe. Sana lang ay tapos na si Akumi sa paglilinis.
Pagkadating namin ay wala kaming naabutang Akumi roon. Siguro ay nasa kwarto niya. Makinis na ngayon ang balkonahe ginalingan talaga ng kapatid ko.
Agad ko silang niyaya na umupo sa mga sofang naroon. Sakto lamang para makaupo kaming lahat.
"Maganda ang bahay na ito Jiyo. Halatang napakayaman ni Ms. Tan." panimula ni Bella. Kita ang pagkamangha sa mukha nilang lahat. "Napakaswerte mo , Jiyo."
"Ay hindi niyo pa pala nakikilala ang isa't isa." isa-isa ko silang pinakilala. Hindi mahirap pakisamahan ang mga kaibigan ko dahil talagang napakafriendly nilang lahat.
Masaya ako na marami na akong kaibigan. Mabilis na naging close ang tatlong babae lalo na si Merds at Bella medjo naa-out of place tuloy si Margaret pero minsan naman ay nakikitawa na rin. Panay lang ang daldal at tawa ng dalawang babae. Ganun din ang tatlong lalaki , masinsinang usapan ang naganap matapos magpakilala. Hindi ko sila pinigilan dahil masaya ako na maging close ang nga kaibigan ko outside the school at inside the school.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...