XV

3 0 0
                                    

Moved in

Mag-aalas singko ng sunduin kami ng van ni Manager Kang. Nag-abala pa talaga.

Hindi na nga kami nakapagpaalam kila Aling Nena. Ang alam lang nila ay magboboarding house lang kami. Hindi ko sinabi ang dahilan lalo na ang pagtira namin dito sa dos

Alas sais naman ng marating namin ang bahay nila Ms. Yuri. No , not house. Mansiyon ang tamang word para i-describe ang nasa harapan namin ngayon.

"Hey Jiyo? Jiyo, right? aalis na ako. Sabi ni Tito Henry na kapag may kailangan kayo sabihin niyo lamang daw sa kaniya." sabi ni Nion. Siya yung pinadala ni Manager Kang.

Gwapo si Nion yun bang talagang habulin ng bakla, tomboy, babae. Sabi niya ay 17 palang siya. Paano siya nakakuha ng driver's license? Minor de edad pa ito ah.

"Nion? Ah, kaano-ano mo si Sir Henry?" nakangiting tanong ni Akumi.

"Tito." tipid na sagot ni Nion bago sumakay sa van at walang sabing umalis.

"Sungit naman." narinig kong sabi ni Akumi.

"Huy , Akira Izumi. Bata ka pa masyado." sita ko sa kaniya ng makalayo na si Nion.

"Alam mo ikaw , Kuya ang advance mo mag-isip. Friendly lang ako." nakangusong sagot ni A.

"Friendly ha. Friendly ba talaga? Bakit sa mga gwapo lang?" nang-aasar kong tanong sa kaniya. Kilala ko na si A lalo na kapag nagkakacrush ito. Halata naman.

"Well Kuya, he's cute and fierce. HIHI."

Kinikilig ba ito? Hindi pwedi.

"Crush crush lang muna, A. Bawal jowa. Dadaan muna siya sa akin. Diba, babygirl?" pa-cute kung sabi.

"Tsk, stop acting like a cute one, Kuya. Nagmumukha kang tanga." excuse me. Kahit ganito lang ako ay maraming nagkakagusto sa akin.

Hindi naman sa binubuhat ko ang sarili ko , pero hindi naman ako panget. 5'6 ang tangkad. Moreno ang kulay. Sabi nga ng mga babaeng may gusto sa akin e "PERFECT". Hindi ko naman sila masisisi , kung yun ang nakikita nila sa akin.

"Hindi ako nagpapacute dahil cute naman talaga ako." nang-aasar kung biro sa kaniya.

"Cute ba ang isa lang ang naging jowa? HAHAHA."

Nang-aasar ba to. Masama bang maging loyal at kontento?

"Loyal lang at marunong makuntento." mahinahon ko ng sabi. Naalala ko na naman si Mika. First gf ko. Kung hindi lang talaga siya nagloko e siguro hanggang ngayon kami pa.

"Whatever kuya."

Mabilis ang lakad ni A papunta sa pintuan.

Sa labas palang ay halatang pang mayaman. Glass kasi ang pintuan ganun din ang mga bintana. Modern mansiyon ang trip ng bahay na to. Dalawang palapag lang i pero napakalaki. Siguro doblehin ng mga limang beses yung bahay namin.

Sa unang palapag ay mayroong dalawang kwarto. Nasa kanang bahagi ang living room at nasa kaliwa naman ang kusina. Sa parteng likod ay nandon ang swimming pool.

Sa second floor , doon kami matutulog. 4 ang kwarto roon. Dalawang pintuan na magkaharapan. Pinakadulong bahagi sa kaliwang parte ang pinili ko kaharap ng master's bedroom. Sa katabing kwarto ko naman si A. Katapat din ang isa pang kwarto. Meroon din doong balkonahe na kita ang swimming pool sa labas.

Hindi naman sa nag-iinarte kami. Gusto ko nga sanang kahit sa maid's room na lang kami. Pero sabi ni Manager Kang ay sa mismong mansiyon na kami magstay.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now