XXXIII

20 0 0
                                    

Yuki/Ryumi PoV

Kaaalis lang ni Akumi , pinahatid ko siya kay Nion. Aywan ko ba , ang sarap lang nilang tingnan magkasama. Hindi naman ako nagmamadali na maging okay sila pero kailangan lalo na at parte na si Akumi sa plano. Nion is one of my friends mula ng ipakilala siya ni Henry. Sa totoo lang nong una ay pinagdudahan ko ang kakayahan niya lalo na at bata pa siya pero along the way na magkakasama kami don ko nakitang napakahusay niya kahit na bata pa.

Hindi ko maiwasang mangiti ng maalalang suportado ako ni Akumi. Sapat na iyon.

Bumalik ako sa ulirat ng may magsalita sa likod ko. "It's been a while ng ngumiti ka ng ganyan. Mind if you share?" then I saw Henry standing outside my door.

"Wala naman. It's just parang unti-unti na akong nabubunutan ng tinik sa dibdib. Akala ko'y pati si Akumi ay kamumuhian ako dahil nalaman niya ng ako si Yuki." Hindi ko maalis ang saya at ngiti sa labi ko.

"Pero mas masaya kung sasabihin mo na din kay Jiyo. Mas maaga, mas madali. Hindi habang buhay matatago mo to sa kanya. Ryumi , kumikilos na ang grupo ni Victor. Do you think it is the right time para ilihim mo pa?" prangkang sagot ni Henry. Unti-unting napawi ang ngiti sa akin. Hanggang kailan ba nila ako kokontrahin? I'm not a kid anymore.

"I know. Pero ginagawa ko to kasi alam kong ito ang makakabuti. I need you to trust me , I'm not a kid anymore. I'm not that Yuki anymore na mahina at hindi nag-iisip. Alam kong naiintindihan mo ako Henry. Sapat ng alam ni Akumi ang lahat at suportado niya ako. " tumaas ang boses ko dahil sa pagkairita kasabay non ang pagkagulat sa mukha niya. Ilang beses na namin itong pinagtalunan pero ngayon lamang ako nakapagtaas ng boses kay Henry.

"Sa tingin mo ba makakabuti ang pag-alis ng karapatan kay Jiyo na malaman ang totoo? Hindi ba sisirain mo ang relasyon ng magkapatid , kapag nalaman niyang alam ni Akumi at siya hindi. Naiintindihan kita Ryumi. May tiwala ako sayo, may tiwala kami sayo. Pero are you ready to face the consequences?" hindi ko din alam kung kakayanin ko ba ang mga consequences , pero I'm willing to face it kahit masakit. "Ngayon pa nga lang na wala siyang alam ay halos magpatayan na kayo , paano pa kapag malaman niya iyon? Mas maganda ng sabihin mo na ngayon habang mas maaga pa dahil matalino si Jiyo , Ryumi. Maiintindihan niya iyon. Marami kang masasayang na oras , marami kang pagsisisihan at maraming mawawala sayo, lalo na kapag tuluyan kang magmamatigas. " hindi ko namalayang nasa labas na pala ng pinto si Henry. Ganyan siya lalo na kapag walang nagpapatalo sa aming dalawa. Aalis na lang dahil talagang prangka siya at masakit magsalita lalo na sa ibang membro ng organisasyon.

I know. Maraming mawawala sa akin , lalo na ang pagmamahal sa akin ni Jiyo na namatay 13 years ago. At si Jiyo , na hawak na ngayon ni Margaret.

Dalawang araw na ang nagdaan ng sabihin ko ang lahat kay Akumi. It's been two days passed since nagkaroon na naman kami ng pagtatalo ni Henry. Lunes na kaya maaga akong nagising.

"Morning." bati ko ng makababa ako at naabutan ko sila Henry, Nion at Master na kumakain na sa lamesa.

Malaki ang mansyon , kami lang apat ang nakatira dito kasama ang ilang kasambahay at mga tauhan sa organisasyon. Nasa likod naman ang bahay na para lamang sa mga membro ng organisasyon. Doon kadalasan nagaganap ang mga meetings at iba pang mga plano.

"Have a sit. Kumain kana at baka mahuli ka sa klase." paanyaya ni Master na nagpatagil sa dalawa na kumakain.

Nagkatitigan kami ni Henry. Ayaw kong palakihin pa iyong simpleng pagtatalo na iyon. Kaya nginitian ko siya para ipakitang ayos na.

"Yeah. Klaseng di ko naman gusto." sagot ko habang kumukuha ng pagkain. Hindi ko naman talaga gustong magdoctor. Pangarap kong maging guro dahil iyon ang gusto ni Jiyo para sa akin at dahil gusto ko din.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now