Unwanted Visitor
Nagsimula kaming maglinis ni A. Medjo malawak-lawak ang lilinisin namin. Malamang ay aabutin kami ng mga 10 kapag tinapos namin ito lahat.
Kanina ko pa napapansin na tahimik si Akumi. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Hindi naman kami nag-away o wala na din namang nagtetext sa kaniya ng mga pagbabanta. Nagpalit na kasi kami ng sim.
"Hey , A. Sigurado ka bang okay ka lang? Kanina ka pa tahimik."
Kaya ba to nagalit dahil pinagsabihan ko siya kanina tungkol kay Nion? Pinagsasabihan ko lang naman siya dahil ayaw ko siyang masaktan. Tsaka masyado pa siyang bata para don.
"Dahil ba pinagsabihan kita kanina tungkol sa mga jowa-jowa? At sa pagkakaroon mo ng crush kay Nion?"
Biglang naging balisa ang mukha niya. Nagsimulang tumubig ang kaniyang noo.
"Wait , don't tell dahil talaga kay Nion?"
"H-hindi k-kuya. T-talagang masakit lang ang u-ulo ko." utal na sagot ni A. Talaga bang masakit ulo nito? Bakit parang kinakabahan?
"Ganun ba? Magpahinga kana. Siguro'y sa weekends na lang natin itutuloy ang paglilinis."
Malawak na din naman ang nalinis namin. Sa labas na lang at swimming pool ang hindi gaanong malinis. The rest ay okay na.
"Good night, kuya."
Diretso ang akyat niya sa hagdan. Hindi man lang lumingon. Mga kabataan talaga ngayon , napagsabihan lang na bawal magkarelasyon nagtatanim agad ng sama ng loob. Hindi naman nakakamatay ang wala kang jowa. Nakaka-inggit nga lang.
Pagdaan ko sa kwarto niya ilang beses ko siyang narinig na nagbuntong hininga. Siguro'y may problema na naman na ayaw isabi sa akin. Well, kailangan din naman talaga natin ng privacy.
Binigay na din pala kanina ang result ng long quiz namin. Gaya ng dati perfect pa din ako. Sila Merds at Anthony naman ay parehas 98. Ang iba naman ay hindi umabot sa kalahati pero masaya pa din. Si Ryumi naman ay hindi din umabot sa kalahati at pagkalabas niya sa room ay nakita kong tinapon niya sa basurahan ang papel niya. Hambog lang talaga ang meroon.
Madilim na kwarto ang nadatnan ko. Agad kong kinapa ang switch ng ilaw sa bandang pinto dahil nakarinig ako ng kaluskos. Pagkabukas ko ng ilaw ay bahagyang nililipad ng hangin ang kurtina dahil nakaawang ang bintana. Agad ko itong tinungo at sinilip ang kabuuang dilim sa ibaba. Siguro nga'y nakalimutan ko lang sarhan kanina bago ako bumaba para maglinis.
Tinungo ko ang banyo dahil maliligo muna ako. Meroon bath tub at shower na pweding hot or cold. Naroon din ang malaking salamin. Yun bang pang 5 star hotel ang datingan mas bongga nga lang ito.
Binuksan ko ang shower at pinili ang hot. Medjo malamig kasi , madilim din ang kalangitan at nagbabadya ang ulan.
Pagkatapos kong maligo ay nagtungo ako sa closet. Napakalaking closet. Sa loob ng 13 years e hindi kami nakaranas ng ganito karangyang buhay. Nasanay kami na nagbabanat ng buto.
Pinili ko ang medjo kupas kong pajama na tinernohan ko ng kulay itim na sando. Pagkatapos ay tumungo ako sa pintuan para patayin ang ilaw. Ang tanging natira na lamang ay ang ilaw ng lamp shade.
Napakalambot ng kulay puting kama. Muli kong nilibot ang kabuuan ng kwarto ko ngayon. Sana lang ay di naging mali ang desisyon ko.
Hinila ako ng antok bandang alas nuebe ng gabi.
Muling bumigat ang pakiramdam ko. Nakarinig ako ng mahinang boses na tumatawag sa akin.
"Jiyo, Jiyo. Imulat mo ang mata mo."
Nagtindigan ang mga balahibo ko. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nakangiting bata ang aking nakita , malayong malayo sa batang lagi kong nakikita.
"Mabuti naman at gising kana." nakangiting sabi niya.
Ang dating mata niya na puno ng galit ngayon ay masigla at nakangiti.
"Bakit? Bakit parang nagulat ka?"
May gana pa talaga siyang tumawa samantalang ako e natatakot na.
"A-ano na n-namang kailangan m-mo?" nanginginig kong tanong.
"Masaya ako sa naging desisyon mo."
Kita mo ang saya sa mukha niya.
"Sino ka ba talaga? Ano bang kailangan mo?" lakas loob kong tanong. Hindi ko na hahayaang matapos ito na hindi ko siya nakikilala.
"Kilalang-kilala mo ako , Jiyo."
Unti-unti siyang kinain ng dilim. Ang mapuputi niyang mga ngipin ang huli kong nakita.
Nagising ako na madilim ang paligid. Ang malakas na buhos ng ulan kasabay ang pagkidlat at pagkulog. Isang anino ang nakita ko sa aking bintana.
Hindi ko makita ang kaniyang mukha. Pero alam kong nakatingin siya sa akin. Muling kumidlat ng malakas at kumulog , nakita ko ang kaniyang ngiti. Katulad ng bata sa panaginip ko.
Muli kong pinailaw ang lamp shade sa table ko.
Malalaking hakbang ang ginawa ko patungo sa bintana kung saan ko nakita ang anino. Malapit ko ng marating ang bintana ng biglang namatay ang lamp shade which means brown out. Naging madilim ang buong paligid hindi ko na rin makita ang anino kanina.
Nandoon na e , malapit na.
Bigla kong naalala si A. Mabilis kong tinahak ang pinto at dumiretso sa kwarto niya.
Masyado akong kinikilabutan dahil madilim at sumasabay pa ang malakas na kulog at kidlat lalo pa ang ideyang may ibang tao dito sa bahay.
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong kagigising lang ni Akumi dahil kinukusot nya pa ang kaniyang mga mata. Kaagad akong lumapit at ininspection kong may nangyari ba sa kanya.
"A, ayos ka lang ba? Wala bang nanakit sayo?" nag-aalala kong tanong.
"A-ayos lang k-kuya?" Kita mo ang pagkagulat sa mga mata niya. "Kagigising ko lang."
"Sure ka ba? Okay ka lang talaga?"
"Oo nga kuya. Matutulog na ako ulit. Pwedi ka na bang lumabas?"
Feeling ko ay may tinatago ito sa akin. Andami ng ganap sa buhay nito na sinisekreto niya sa akin. Nakakatampo tuloy.
Nilibot ko ang kabuuhan ng kwarto niya. Natatakot ako dahil hindi ako sigurado kong nakaalis na ba ang tao kanina. Kailangan kong bantayan si A.
"Ah , pwedi bang dito muna ako matulog? Kahit sa sofa lang ako , A."
"Bakit kuya? May problema ba sa kwarto mo o natatakot ka lang dahil madilim at malakas ang kulog at kidlat?" nang-uurat na tanong ni Akumi. Tanga, sinong takot?
"A-ah hindi. G-gusto ko lang malaman kong malambot ba ang sofa mo." tanginang palusot to. Sana naman bumenta.
"Pffft. Palusot.com kuya. Sige na nga. Matutulog na din ako ulit." nice. Tawanan mo pa ako, A.
Bumalik siya sa paghiga samantalang bumalik ako sa kwarto para kumuha ng unan at kumot. Ayaw ko pa naman mamatay sa lamig. Wala ng kahit anong anino pagbalik ko. Siguro'y umalis na.
Pinagtataka ko lang kung paano nakapasok dito ang tao na yun. Sa gate palang na sobrang taas ay imposible ng makapasok ka. Naalala ko ang ngiti niya pati ang sinabi ng bata kanina sa panaginip ko. Hindi kaya iisa lang ang tao sa panaginip ko at ang anino kanina? Pero bilyon ang tao sa mundo. Pweding magkapareho lang sila ng ngiti. Tapos kaya siya nakapasok dito ay dahil akyat-bahay siya.
Napagod na lang ang isip ko kakaisip ng mga nangyayari hanggang sa makatulog ako.
Hindi na ako ulit ginulo ng bata na iyon. Mabuti nga at nakatulog ako ng maganda.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...