XXX

2 0 0
                                    

Margaret PoV

Kararating ko pa lamang sa bahay. This night is awesome but full of questions. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ginawa niya iyon. Hindi ko makakalimutan ang pag-uusap namin kanina. I never imagined na makakapag-usap kami ng ganun kaseryoso. Hindi ko inaasahang may side pala siya na ganun.

-
Naglalakad ako patungo sa venue
ng makaramdam ako na para bang may sumusunod sa akin. Well, hindi naman nakakatakot dahil marami akong kasabay kaya kung may mangyari man sa akin at least alam ng marami diba?

Malapit na ako sa venue ng hilain ako ng di ko kilalang tao. Dinala niya ako sa madilim na parte ng school hindi rin kalayuan sa venue. Unti-unti akong binalot ng kaba at takot ngayong kami na lamang dalawa.

"W-who a-are you?" I was so scared. Hindi ko alam pero may bitbit siyang medjo malaking bag. I wondered kung ano ang laman nun. Baka baril o bomba. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa mga iniisip ko.

"You don't need to be scared. I'm just asking a favor." for the first time in my life ngayon ko lamang siya narinig na humingi ng pabor. I'm so amazed.

"What favor?" this time kampante na ako. Alam kong hindi naman ako sasaktan nito.

"Just let me sing with Jiyo." wait, what? Seryoso ba siya? Bakit?

"What? Bakit? Akala ko ba na ayaw mo kay Jiyo?" I know hindi dapat ako maging sarcastic, pero imposible naman ata. "Hindi ka nga nakapagpraktis."

"I know it's so hard to believe , but trust me. May nagtatangka sa buhay niya." alam kong seryoso siya dahil sa tono ng boses niya. Pero do I need to trust her? Really? "Nasa iyo pa din ang desisyon."

"Paano akong nakakasigurado na totoo ang sinasabi mo? Alam naman nating lahat na ikaw lang ang may galit kay Jiyo." kahit sino naman siguro mabibigla sa mga ganitong sitwasyon.

"I'm not here para makipagtalo sayo, Margaret. Kung ayaw mo , edi wag. Mas kilala ko si Jiyo kaysa sa pagkakakilala mo sa kanya." tumalikod na siya at naglakad. Hindi ko alam kong paano ako magdedesisyon. Kung pagbibigyan ko siya ay maaaring maging palpak ang performance mamaya pero it's between life and death.

"Wait. Papayag na ako." nasa pagdadalawang isip pa din ako. Maaaring paraan lamang niya ito para bwisitin si Jiyo. I don't know. "Don't get me wrong. Gusto ko lang ang safety ni Jiyo. Still not trusting you."

"I don't need you to trust me. Ang mahalaga sa akin ay ang kaligtasan ni Jiyo." ngayon ay naging iritado ang boses niya. Who cares? "And last , sana ay hindi ka maging madaldal para ipagsabi pa to sa iba. Kung gusto mong maging ligtas kayong lahat. Okay? Nasa tabi-tabi lang ang ahas, tutuklawin na lang kayo ng hindi niyo alam."

"What do you mean?" mas lalo akong naguluhan say mga sinasabi niya. Bakit? Pati ba kami ay magiging delikado ang buhay?

"Mas maganda ng wala kang alam. Manahimik ka na lang." tumalikod na siya at hindi na lumingon.

Sino ka ba talaga RYUMI MADRIGAL? Hanggang ngayon ay misteryo ka.

-
Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ako nakapag-isip ng ganung dahilan. Hindi naman talaga masakit ang tiyan ko. Mabuti na nga lang at buminta sa kanila.

Sa katunayan ay nakaramdam ako ng selos ng makita kong sila ang magkasamang kumakanta. Lalo na ng maalala ko ang sinabi niya kanina na mas kilala niya si Jiyo. Imposible naman kasi.

Pero nabura iyon ng hinayaan niya kaming makapagdate. Alam ko naman ang tinutukoy niyang importanteng bagay. Ang hirap magpanggap na parang wala kaming pinag-usapan kanina. Hindi ko alam kong paano ko natagalan na umakteng na parang wala lang.

Kinikilig pa din ako hanggang ngayon dahil sa tinanong kanina ni Jiyo. Kinalimutan ko ang pinag-usapan namin ni Ryumi kanina. Gusto kong maging masaya. Parang musika na ang sarap pakinggan ang katagang sinabi niya kanina. Can I court you Margaret?

First day of school palang gusto ko na siya. Sino bang hindi? At ta hindi naman siya mahirap magustuhan e. Kahit sino naman. Kaya nga nong tanungin niya ako kung pwedi manligaw e literal na nagwala ang mga body parts ko. Pero dahil dalagang filipina tayo dapat medjo pakipot. Alam ko namang worth it iyon.

Nasa gitna ako ng pagngiti at kilig ng tumunog ang selpon ko. Panira ng moment naman e. Sino ba to?

Text galing kay Merds. Ano na naman kaya kailangan nito?

Merds:
Mabuti na lang nakauwi ka kaagad.

Nakauwi kaagad? Bakit may nagyari ba?

Margaret:
May nagyari ba? Bakit?

Merds:
Sa lunes ko na lang ikekwento. Mahabang estorya. Bye. Goodnight.

Ano yun? Nagtext lang siya para paisipin ako? Dapat hindi na lang nagtext ang babaeng ito.

Hindi ako halos makatulog dahil sa sinabi ni Merds. Tungkol kaya saan iyon? Pati si Jiyo ay hindi man lang nagtext. Argh , gusto ko na tuloy maglunes agad. Peste.

To be continued....

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now