XVIII

6 0 0
                                    

Stay away

Nagkaklase na kami kay Miss Pilapil ng biglang may malakas na tunog na nagpaingay ng pinto.

Natuon tuloy lahat ng atensyon sa pintuan pati si Miss Pilapil ay napataas ng kilay.

Isang matangkad at gwapo na lalaki ang sumilip sa pinto. Tangina dami palang pangmodel dito e.

"RYUMI MADRIGAL? CAN YOU GO OUTSIDE?" pasigaw na sabi ng lalaki. Lahat tuloy ay napatahimik.

"Nakita mo bang nagkaklase kami? At wala ba kayong klase para manghimasok na lang dito?" mahinahon na sabat ni Miss pero halata ang galit say kaniyang mukha.

"Manahimik ka jan gurang. Hindi kita kinakausap."

Dumami ang nakikiusyuso sa nangyayari. Malamang ang lakas kaya ng sigaw ng lalaking to.

Napanganga na lang si Miss dahil sa inasta ng lalaki. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Magkakilala ba sila ni Miss? Ano na naman ba kasi ang ginawa ng babae na to para magkaroon ng ganitong kumusyon? Ah tangina talaga.

"Ah , excuse lang ha. Baka pwedi namang kung may problema kayo ni Ryumi ay sa labas na lamang kayo mag-usap. This is school for pete sake."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Wala ba talagang mga respeto Ang kabataan ngayon? Like wtf, hindi man lang ginalang kahit ang mga guro man lang.

"You must be, Jiyo? Tama nga ang sabi ni Master buh..."

Hindi na niya napatapos ang gusto niyang sabihin ng suntukin at hilain siya ni Ryumi.

How did he know me? At sinong master ang tinutukoy niya? Ah , mas nagiging komplikado ang lahat. Natigil nga ang pagbabanta sa amin , dumadami naman ang mga dumarating na di inaasahan.

Tahimik pa din ang lahat. Si Miss Pilapil naman ay napaupo na lang sa upuan niya.

Lumapit ako sa kaniya. "Miss , are you okay po?"

"Okay lang ako, Mr. Valdez. Sanay na ako sa ganyang mga eksena." nakangiti na siya ngayon. "Nagkita na ba kayo nong lalaki na yun?"

I know na meroong iba sa tingin niya sa lalaking iyon. Hindi ko lang malaman kong ano.

"Hindi po Miss. Actually ngayon ko lang po siya nakita."

"Ganun ba? Pwedi bang iwasan mo siya , as possible?" nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Anong problema?

"Bakit mo naman po nasabi iyan Miss?"

"H-hindi m-makakabuti sayo a-ang mapalapit sa kanya. Alam kong nag-aaral kang mabuti at kapag nalapit ka sa ganung mga tao ay maaaring maging distraction iyon. Kaya, please stay away from him? Can you do that?"

Alam kong may ibang ibigsabihin sa tinig ng boses niya. Pero ano yun? Siguro'y concern lang talaga siya sa akin. Kahit di niya naman sabihin sa akin ang mga iyon.

"Don't worry Miss. Hindi ko naman kilala yun, kaya there's no need to worry."

Bumalik ako sa upuan ko. Wala na ang kaninang nakikichismis. Siguro sinita din ni Ryumi , katulad ng ginawa niya sa mga kaklase ko nakaraan. Hindi na din bumalik siya bumalik. Sa tingin ko ay importante talaga ang pinag-uusapan nila.

Nagdiscuss lang ulit si Miss Pilapil , pero hindi tulad dati na masigla siya ngayon ay oarang lantang gulay. Kahit naman ako , kung ganun ang mangyayari ay sobrang manghihina ako.

Lunch break ng ipatawag si Ryumi at ang lalaking iyon. Guidance office daw. Dapat lang, dahil hindi nila nirespeto ang school pati si Miss Pilapil.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now