XXVIII

1 0 0
                                    

Aquintance Party
Part 2

Huling hakbang ko na lang para makatungtong sa stage. Hindi pa rin bumabalik si Margaret. Nakakainis dahil sa totoo lamang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatakbo ba? O didiretso?

At the end I just found myself taking the last step. Ito na wala ng atrasan to. All I have to do is sabihin na wala pa ang partner ko.

"Hi pogi, saan na ang partner mo?" panimula ng emcee ng maakyat ako sa mismong stage kung saan tanaw ko ang kabuuan ng lugar.

"Ah yung partner ko po kasi ano." I don't know what to say. Nakaramdam ako ng lungkot nang matanaw ko ang department namin. Competitive man akong tao ay hindi ko pa din alam kong anong gagawin.

"Booooooooo"

"Disqualified na iyan."

Unti-unting kinain ng sigawan nang mga estudyante ang lugar. Nanginginig na din ang tuhod ko. I hate losing pero this time hindi ko alam ang gagawin para hindi matalo.

"So the department of medicine will be disqualified kapag hindi pa darating ang kapartner nito within 5 seconds. Okay , 5, 4, 3, 2." No choice kundi ang manahimik na lang. Dahil wala naman akong magagawa. Hinihintay ko na lang na bigkasin ng emcee ang salitang one at hindi ako nagdadalawang isip na bumaba. Malaking pagkadismaya ang nakikita ko sa mukha ng department namin. Of course sino bang matutuwa na matalo na hindi naman lumaban.

"I'm here." agaw pansing eksena ng isang babae. I don't know kung sino siya dahil medjo madilim ang stage.

"Okay , then you may proceed." iniabot na sa akin ang mic ng emcee. At ako naman ay naghihintay na lang na lumapit ang babaeng iyon.

Then I was very shocked when I saw her. Unbelievable. She's wearing a dark blue gown. Ang buhok niyang naka messybun ang tali. Ang labi niyang mapula , her light makeup is very good. Perfection to be honest.

And now she's walking towards me. Literal na parang bumagal ang bawat paghakbang niya. My heart is pounding so fast. Is this bad? Magkakasakit na ata ako.

"R-ryumi?" pati ang pagsalita ata ay tinakasan na ako. She's stunning. God , perfect for the word PERFECT.

"Bilisan mo na. Wag kang tumunganga jan at kunin mo na ang gitara."

Hindi ko alam kung paano ko ihahakbang ang paa ko dahil literal na kinabahan ako. Maliban sa hindi ko alam kung saulo niya ba ang kanta o kung magkakasundo ba kami. Hindi kami nakapagpraktis kahit isang minuto lang. Nang nakuha ko na ang gitara ay muli kong sinulyapan ang pwesto ng department namin. Ang kaninang dismayadong mukha ay napalitan ng ngiti. Maging si Merds ay nagthumbs up. Will, I have no choice kundi ang gawin ito.

"Sigurado ka ba dito? Pwedi naman tayong umalis na lang." bulong ko sa kaniya. Then she faced me. Ang kilay niyang nasa tamang kurba ay biglang tumaas.

"Magsimula kana. Dami mo pang dada. Para matapos na ito." hindi man lang mababakasan ng kaba ang mukha niya.

"God, Ryumi hindi tayo nakapagpraktis." singhal ko sa kaniya. Alam ko hindi ito ang panahon para magtalo pero talagang imposibleng magawa namin ito ng maayos. At binabawi ko ang sinabi ko kanina PERFECT siya dahil hindi pala.

"Just do your thing and shut up. That's not a request, it's an order." jan na naman siya sa favorite speech niya. Hanggang ngayon talaga ay pinapairal niya ang pagkahambog niya.

Wala akong magawa. Kailangan ko na lang magtiwala sa galing niyang kumanta. Hindi ito ang panahon oara magpataasan ng pride. Hindi ito tungkol sa Amin kundi say buong department ng medicine. It's all or nothing.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now