Kabado
Narito na ako sa trabaho , nakausap ko na din si Manager Kang , itatawag nya daw kay Ma'am Yuki Tan , may ari ng restaurant.
"Yuki? Yuki po name ng may-ari nito?" I asked my manager. Nakaramdam na naman ako ng galit. Siguro dahil kapangalan niya yung taong pumatay kay mama at papa ."Nasan po siya ngayon? Bakit di po pumupinta dito?"
"The identity of the owner is private. You know , sikat itong restaurant , ayaw niyang masyadong naiinvolve sa maraming tao o sa media. She wants her life ng tahimik. She hates publicity." Manager Kang replied.
I just noded, may mga ganun palang tao no. Kung iba lang ito malamang babayad pa sila ng malaki , for publicity. Mas madali kasi iyong makahikayat sa iba. You know social media. She's different , so low-key.
Punuan na naman ang restaurant, busy na naman masyado. Halos di na kami magkanda ugaga sa dami ng costumer.
"Jiyo , table 8 please. She asked you. Punta kana don." Bella said , katrabaho ko.
"Ah okay." I replied back.
Nagtungo ako ron sa sinabi niya. There , I saw that woman again. Ganun pa din ang estelo ng pananamit at ayos niya , nag-aala black widow.
"Ma'am?" sabi ko
"Same as before. Wag kana magtanong , alam mo na iyon, right?" sagot niya. And there she goes again, ang ugali niyang nakaka banas. Bossy pa din
"Okay." walang gana kong tugon
"Pakibilis , gutom na ako." she added.
Unti na lang talaga papatulan ko na to. Nakakainis. Kung di ko lang iniisip na masisisante ako, ay bakla na kung bakla papatulan ko na talaga yon.
Malalaking ang hakbang ko papunta don sa maliit na bintana na lalagyan ng mga inoorder.
"Uy Jiyo , what's with that face?" salubong ni Jethro , isa din sa kasamahan ko.
Tinuro ko ang kinaroroonan nong babaeng iyon. "You see that? Napakabossy, alam kong costumer iyon pero hindi niya naman kailangang maging ganon. Nakakainis."
"Ah iyon ba? Suki na iyon dito. Ganyan talaga ugali niyan. Pagtiisan mo na." Jethro answered.
"Ano pa nga bang magagawa ko. Costumer's always right. Baka masisante pa ako kung magkataon." I replied
He just nodded tila ramdam din ang frustration ko sa babaeng iyon.
"Jiyo, ito na ang order ng table 8." Sigaw galing sa kabilang parte ng bintana.
Sinadya kong pabagsak na ilagay ang order niya para makita niyang naiinis ako sa kanya.
"Ganito ba ang trato niyo sa lahat ng costumer niyo?" she said.
"Should I say sorry, then ma'am?" pabalang kong sagot
"Nevermind, get lost." parang walang pakialam nyang sagot. Sanay na ata na may kinakausap sa kaniya ng ganun. Sino bang magtataka kung ganyan ang ugali nito. Baka kung babae ang ginaganito niya e nasapak na ito.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
TienerfictieThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...