Aquintance Party
Part 1This is it. Wala na talagang atrasan.
Nakasuot na ako ng tuxedong ibinigay ni Akumi , hanggang ngayon ay hindi ko alam kung kanino ito galing. Hindi ko naman matanong dahil wala pa din siya sa sarili. Nakakapanibago. Nagkasagutan na naman kaya sila ni Nion? Jusko, nakakailan na talaga ang lalaking iyon.
Idadaan ko siya mamaya kila Bella. Hindi pweding magsama ng hindi college e.
I was so nervous. Hindi ko naman kasi naranasan ang ganito kagarbong aquintance party. Nong nasa Tiniente pa kami ay simpleng aquintance lang at nakapantalon lang kami. Tapos ang malala pa ay kakanta kami mamaya. Ngayon ko lamang nalaman na may ganun palang ganap sa aquintance ng ganitong school.
Naghihintay ako ng taxi dito sa labasan. Hindi naman ganon kahassle dahil maraming sasakyan ang dumadaan dito kahit na private property. Nasa tabi ko ang kanina pang tahimik, oh I mean kagabi pa pala. Hindi man lang ako kinikibo at parang may iniisip na malalim.
"A, ayos ka lang ba?" hindi na dapat ako nagtatanong dahil halata naman sa mukha.
"Kuya, paano kung hindi pala talaga si Yuki ang pumatay kila mama at papa? Paano kung matagal na pala natin siyang kilala? Anong gagawin mo?" hindi ko inaasahan ang tanong niya. Kahit ako ay hindi alam ang sagot. Paano kung hindi talaga siya ang pumatay? I don't know either.
"Hindi ko alam. Bakit mo naman natanong?" out of nowhere naman kasi talaga ang tanong niya. Kilala niya na ba si Yuki? "Kilala mo na ba si Yuki? Nakita mo na ba siya?" this time humarap na ako sa kaniya. I don't know pero feeling ko ay may alam na siya.
"Wala, hindi. Naisip ko lang, paano kung hindi talaga siya ang pumatay." wala naman akong dapat pagdudahan diba? Kapatid ko ito at hindi ito magsisinungaling sa akin. I hope so.
"Are you hiding something?" gusto kong makasigurado.
"Kuya, may taxi na. Dali, baka mahuli ka sa party. Magseseven na oh." and now she's changing the topic. Wala akong nagawa kundi parahin ang taxing paparating. I know something is happening. Nakakaasar dahil feeling ko ay naglilihim na siya sa akin.
Hanggang sa loob ng taxi ay naging tahimik na si Akumi. Hindi niya ako tinitingnan. Hanggang ngayon din ay nasa utak ko pa din yung tanong niya. Sa loob ng ilang taon ay ngayon nya lamang naisipan na itanong ang ganong tanong. I really need to find out what is happening.
"Akum..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng putulin niya ito this time ay nakaharap na siya sa akin. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil medjo may kadiliman sa loob ng taxi.
"Kuya, kung tatanungin mo ulit kung bakit ko naitanong yun. Curious lang ako sa magiging sagot mo. And after all , siya naman talaga ang pumatay , diba?" naging masigla ang boses niya. Batid din ang pag-iba ng boses niya hindi katulad kanina.
"I know. Sorry." walang dapat pagdudahan. Hindi ako kayang paglihiman ni Akumi. I know her so much. At kung may tinatago man siya sa akin ay sasabihin niya rin ito hihintayin ko na lamang ang araw na iyon. Waiting is not bad after all.
Naging tahimik ulit kami ng matapos ang usapang iyon. Tanging tunog na lamang ng making ang maririnig at ang ingay ng sasakyan. Mabuti nga at hindi traffic dahil kung nagkataon ay male-late ako.
Una kung pinahatid si Akumi. I can't trust anyone. Hindi ko pweding iiwan na lamang siya dahil may party akong dadaluhan. Babae siya at sa panahon ngayon ay hindi natin masasabi ang isip ng tao. At dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala ang nagpapadala ng mga bagay na iyon.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...