XI

2 0 0
                                    

Last

Alas singko ng magising ako. Nagluto muna ako bago nagtungo sa banyo. Buo na ang desisyon ko. I need to do this para sa kapatid ko at sa kaligtasan namin.

"A, tara na." aalis na ako at isasabay ko si Akumi papunta kila Aling Nena.

"Oo kuya, saglit." katatapos lamang niya maghugas ng plato.

-
"Good morning Aling Nena , iiwan ko muna si A ha. May trabaho po ako ngayon." panimula ko ng marating namin ang bahay nila.

"Sige iho. Mag-ingat ka." hindi niya ako nilingon dahil naghuhugas ito ng plato.

"A, ang paalala ko. Wag ka uuwi sa bahay ng mag-isa. Kapag may kailangan ka o may problema , tawagan mo ako o itext man lang okay?" paalala ko sabay halik sa pisngi niya.

"Oo na kuya, nakailang ulit mo na bang pinaalala sa akin iyan ngayong umaga. Tsaka malaki na ako." naiirita niyang sagot.

Pinisil ko lang ang pisngi niya. At nagtungo na sa sakayan.

-
Kabubukas lamang ng restaurant ng makarating ako.

Busy si Bella at Jethro sa pagpupunas ng lamesa kasama ang iba pa.

Si Philip naman e nagma-mop.

Gumawa ng ingay ang babasaging pintuan ng restaurant ng pumasok ako. Napalingon tuloy sila sa akin.

Tumakbo papalapit si Bella sa gawi ko.

"Uy Jiyo, kamusta? Kamusta ang school? Namiss Kita." masiglang bati ni Bella kasabay ng pagbitaw niya ng yakap.

"Pre, kamusta?" bati naman ni Jethro ng marating namin ang pwesto niya.

Lumapit na din ang kaninang nagma-mop na si Philip say pwesto namin.

"Magkwento ka naman, Jiyo." sabi ni Bella , habang patuloy sa pagpupunas ng lamesa.

"Mamaya na ako magkwekwento, oras ng trabaho baka mapagalitan pa tayo. Kailangan ko din kausapin si Manager Kang, nandyan na ba siya?" mukhang nadismaya si Bella sa naging sagot ko.

"Oo , pre. Nasa office niya." sagot ni Philip sa akin.

"Ah sige. Mamaya na lang sa lunch break promise magkwekwento ako. Okay?" nakangiting baling ko kay Bella.

Tumango lang sila.

Tinungo ko ang opisina ni Manager Kang sa second floor.

"Manager Kang? Pwedi ko po ba kayong makausap?" panimula ko , ng makapasok ako sa opisina niya.

Nakita kong may katawagan siya. Aalis na sana ako dahil nakakahiya naman ng biglang magsalita si Manager Kang.

"Jiyo, ikaw pala. Ano sadya? Sit down." lahad niya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.

"Babalik na lang ako mamaya sir. Baka po importante iyang katawagan ninyo." nahihiya kong saad.

"Oh , no , no. Si mama lamang iyon , nangangamusta." nakangiting sagot niya.

Umupo ako sa inilahad niyang upuan. This is it , wala ng atrasan to. I finally made up my mind.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now