Exam Day
Maaga akong nagising hindi ako pweding malate ngayon dahil exam na namin. Nandon yung kaba pero at the same time yung pagpupursige. Malamig man ang panahon dahil nakaraang araw pa walang tigil ang ulan. Kamusta na kaya ang Tiniente? Sigurado akong walang nangingisda at nagpalalaot ngayon dahil malakas ang alon.
Kahit papikit pikit pa ng lumabas si Akumi sa kwarto niya ay pinilit kong madaliin siya dahil sabay ang exam namin. Medjo masakit din ang ulo ko dahil puyat kami kagabi dahil sa pagrereview. Kailangan naming makapasa.
Suot ang aming mga jacket ay tinahak ng sinasakyan naming taxi ang madulas at may kataasang tubig na mga daan ngayon. Nakaraang araw nga ay may naaksidente dito sa Dos. Pero ang sabi ay sinadya daw ito dahil noong i-examine ang sasakyan ay nakitang putol ang preno nito. At napag-alaman na membro siya ng isang malaking sindikato dito sa Pilipinas. Gaano kalaki? Aywan ko.
Maaga pa ng maabot namin ang SEAU. Nakalimutan pa naming magdala ng payong. Kaya kung mamalasin no choice kundi ang tumakbo na lamang.
"No choice tayo, A. Kailangan nating tumakbo."
"Malamang, Kuya. Alangan naman maghintay tayo ng payong na ihuhulog ng langit."
Hindi na ako sumagot dahil baka magtalo lang kami dito sa harap ng SEAU. Mahirap na at baka hindi kami makapag-exam.
"Sige , bibilang ako tatlo tapos tatakbo tayo. Okay? One , two , three. Takbo, A." ihahakbang ko na sana ang paa ko ng bigla na lamang akong hilain.
Ang kamay ni Ryumi na nakahawak sa braso ko ang dahilan kung bakit ako nahinto sa biglaang pagtakbo. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa. Baka mang-aasar na naman o trip niya lang.
"Baka may balak kang bitawan ako? Kailangan ko magmadali dahil male-late ako sa exam. Kung wala kang balak na mag-exam, wag mo ako idamay." hindi siya umimik kaya binawi ko ang kamay ko. Malamang tsansing lang to.
"Una sa lahat, magkaklase tayo. Pangalawa, ayaw ko din mahuli sa exam. Pangatlo , wag kang O.A masyado pang maaga. Pang-apat, may payong ako ikaw wala." hindi man lang siya nag-abalang tingnan ko. E, ano naman? Para namang nakakatuwa ang tingin niya.
"Ano? Kaya mo ba ako pinigil sa pagtakbo, para ipamukhang wala akong payong at ikaw meroon? Oh , edi ikaw na." kung ito lang din pala ang dahilan kaya niya ako pinigilan, sayang sa oras. "Alam mo bang maaari pa akong makapagreview kung di mo ako pinigil?"
"Wag tanga, Jiyo. Aalukin sana kita ng payong , kaso ayaw mo ata. Edi wag. Para namang kawalan ka." binuksan niya ang payong at unti-unting sinuong ang paa sa medjo basang daanan. Nilingon ko si Akumi sa kanina niyang pwesto ngunit wala na don. Malamang ay tumakbo na pagkatapos kong magbilang.
Tinanaw ko si Ryumi , na ngayon ay medjo kalayuan na sa akin. Ano ba, Jiyo? Hindi ito ang oras para mag-inarte. Nagmamagandang loob lang ang tao. Tsaka minsan lang to.
Mabilis kong tinakbo kung saan si Ryumi. Nakakahiya man ay hinayaan ko ang sarili ko na makasilong sa payong niya.
Tumaas ang dalawa niyang balikat hudyat na nagulat siya sa pagdating ko. "Sasabay ka din pala. Aarte pa. Oh hayan ikaw humawak. Be gentleman." iniabot niya ang payong sa akin, para bang gusto niya na ako ang humawak. At dahil nakikipayong lang ako at ayaw ko naman na may isumbat siya sa akin ay kinuha ko ito.
"Naligo ka ba? Amoy alak ka. Iwan ko ba sayo, imbes na magreview ka ay mas pinili mong uminom pa. Makakapasa ka kaya. Kay babae mong tao, lasinggera ka?" hindi ako umiinom pero alam ko ang amoy ng alak. Hindi naman ako bano say mga ganitong bagay.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...