Gulo
Nandito na ako sa school , naglalakad ako sa pathway ng makita ko sa unahan na may nagkukumpulan.
Kaaga-aga e ang daming chismosa at chismoso.
Pero dahil curious ako , nakipagsiksikan ako sa kumpulan ng tao.
"Excuse me. Hey excuse." salita ko habang nakikipagsiksikan sa mga estudyante.
Pawis na pawis ako ng marating ko ang pinakaunahan. Taking gulat ko ng makita ko si hambog-bossy na perteng nakatayo sa harap niya ay ang grupo ng mga kababaihan. Ano na naman kaya ganap dito?
"Bobo kaba o sadyang tanga? Sabing di nga kita nakita e." mahinahon na sabi ni Ryumi.
"E kung hindi ka kasi tatanga-tangang naglalakad edi sana nakita mo ako. Tingnan mong ginawa mo. Kabibili ko lang ng sapatos na ito kahapon , for god sake." Galit namang tugon nitong kaaway ni Ryumi.
Ibang klase talaga tong babaeng to. Amazona amputek. Second day of school e may kaaway na agad. Well , di na ako magtataka dahil sa ugali niya malamang di imposible na makaaway niya buong school.
Kumuha si Ryumi ng pera sa kaniyang pitaka , iniabot niya ang pera sa babae na sa palagay ko e nasa limang libo. "Okay na ba yan? O kulang pa? Oh, ito pa. Para tumigil ka na sa kadadada mo."
To the highest level talaga kasamaan ng ugali nito , tinalo pa si satanas. Kung ako iyong kaaway niya , isusubo ko sa bibig niya pabalik yung pera.
Nakita kong lumalakad na si Ryumi palayo, unti-unti na ding nagsialisan ang mga chismosa at chismoso.
Naiwan naman ang kaaway niya na halos sumabog na sa galit.
"ARGHH , FVCK YOU B*TCH." rinig kong sigaw ng babae na kaaway niya.
Kay babaeng tao. Buti na lamang at walang dumaan na mga guro kung hindi ay diretso ito sa guidance office.
"Sh*t , malalate na ako." di ko na napigilang mapamura ng makita kong 5 minutes na lang e magsisimula na ang klase.
Pvta talaga to the highest level.
Tinakbo ko ang elevator na papasara na. Iniharang ko ang aking kamay para muling bumukas.
Nag-aalangan akong pumasok ng makita kong makakasabay ko si hambog-bossy sa elevator. Pero dahil male-late na ako, no choice. Isang minuto lang din naman kaming magkasama , di ko na lamang siya papansinin.
-
Pagkadating namin sa third floor e halos kasabay lamang namin si Ms. Pilapil na pumasok."Good morning class." nakangiting panimula ni Miss.
"Good morning Miss." bati namin pabalik sa kakaupo lamang na guro.
"Miss Madrigal , masaya ako na hindi ka-late." nakangiting pahayag ni Ms. Pilapil. Good mood.
"Hindi nga late , maaga namang may kaaway." pabulong kong sabi.
Kaagad namang tumingin sa direksyon ko si Ms. Pilapil.
"Mr. Valdez? Sinong napaaway?" baling ni Miss sa akin. Amputek , narinig pala niya.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtaas ng kilay ni Ryumi. Hindi talaga ako nag-iingat. Fvck me to the highest point. Mukhang ako ata babanatan nito kapag di ako tumahimik.
"A-ah , w-wala po M-miss. Ang s-sabi ko p-po ay good for her at hindi siya late. Ayon , yon po ang sabi ko." parang nabunutan ako ng tinik ng tumango si Ms. Pilapil , sa tingin ko'y naniwala siya sa palusot ko. Buti na lang.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...