Kaba
Maaga akong nagising babalik na ako sa trabaho , maayos na din ang aking pakiramdam kaya walang problema.
Kakalabas ko lamang sa banyo ng mahagip ng mata ko si Akumi , nasa kubo siya. Malalim ang kaniyang iniisip base sa nakikita ko.
Naninibago ako dahil di naman nagigising ng ganito kaaga itong si Akumi , maliban na lang kapag binabangungot ako. E di naman ako binangungot. Is there a problem?
Nilapitan ko siya. Halatang may iniisip siya dahil hindi man lang niya ako napansin.
"Uy , Akumi?" asik ko
Nagulat siya.
"Kuya?" she answered na wala na ang paningin sa akin
"Is there any problem? You look intense. Is there something bothering you? Ang aga mo nagising." nag-aalala kong tanong.
"Wala po kuya, di na ako makatulog nong nagising ako kaninang mga alas kwatro e." sagot niya. Kinakabahan ako sa tinging pinupukol niya sa akin. "Kuya , may naaalala ka bang kaibigan mo? I mean I know you have , pero kilala ko naman si Kuya Dodong at Ate Minda. Sila lang naman ang kaibigan mo , right?" she added.
Something's weird. Bakit parang may kakaiba sa tanong niya.
"Yeah, sila lang. You know me I'm not that sociable person. Why?" nagtataka kong tanong.
"Remember kagabi , I said that someone rescued me." she said.
Oo nga pala, nais kong makilala iyon upang makapag thank you.
"Oo nga pala, anong pangalan niya? Nais kong magpasalamat kundi dahil sa kanya baka kung na paano kana." I said
Umiling siya. "No kuya , I'm asking her name kagabi kaso dumating ka. Di ko nga namalayan kong paano siya umalis. Pero sabi niya kilala ko siya , at kaibigan mo daw. E di naman si ate Minda iyon." litanya niya
Kaibigan? Kung hindi iyon si Minda , sino siya? Dalawa lang naman sila ni Dodong ang kaibigan ko.
"Huh? Sino kaya iyon?" nagtataka kong tanong
"Alam mo kuya , nong niligtas niya ako I felt safe like I'm home. Ngunit nong pababa na ako sa kotse bago ko lang napansin na balot na balot siya , iba ata trip nun. Nakasombrero at nakasalamin pa ,gabing-gabi nakaganun?. I found her creepy." sagot niya
Balot na balot? Sino iyon? Siya din ba yung nakita ko sa labas ng restaurant nakaraang araw? Kinabahan at natakot ako , lalo na at may nagbabanta pang isusunod kami. Sh*t , this is hell.
Di ako sumagot, pilit kong winawaksi sa isipan ko ang bagay na iyon. Kung iisa lang nga iyong nagligtas kay Akumi at sa nakita ko. Anong kailangan niya?
Kailangan naming mag-ingat.
"Akumi , aalis na ako. I-lock mo ang pinto pagkaalis ko. Wag magpapapasok ng di mo kakilala , kung may problema magtext o tumawag ka. Okay ba?" paalala ko sa kaniya.
Tumango lang siya at pumanhik na ako.
-------------
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...