Mr. Suitor
Kauuwi lamang namin ni Akumi. Hanggang ngayon ay okupado ng lalaki na yun ang isip ko. Nakapag-usap na rin kami ng mga pulis at tatawag lamang daw sila kapag may iba pang tanong at kapag may lead na sila.
Sino ba ang sadya nun? Kung si Senyor Alfredo ang kailangan non dapat nasa venue palang ginawa na niya. Bakit nong nandoon na ako , bago pa siya bumaril? Pero baka plano talaga niyang sa gate gawin iyon. Aywan. Sumasakit ang ulo ko.
Isa pa iyong si Ryumi. Paano siya nakarating sa pwesto ko gayong wala naman siya roon. Then suddenly bumalik na naman ang eksena kanina kung saan hawak ko ang dibdib niya. Bakit kasi sa dinami dami pang mahawakan dibdib niya pa? Nakakaasar .
"Kuya , ayos ka lang? Bat parang balisa ka jan?" tanong ni Akumi na ngayon ay nakatutok sa selpon at nakakunot ang noo.
"Ah kasi kanina may barilan na nangyari. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino iyon. Pero feeling ko kilala ko iyon , lalo na sa paraan niya ng pagtayo at shape ng katawan niya."
"Ganun ba kuya? Una na ako sa kwarto. Goodnight." ganda naman kausap ng kapatid ko. Tatanong tanong tapos aalis din.
"Sige."
Inaliw ko na lang ang sarili ko say mga nangyari sa amin ni Margaret kanina. Hindi worth it ng kaba at takot ang time ko.
Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti dahil sa pagpayag niyang manligaw ako. At least may progress sa amin kaysa naman kila Merds at Bella. Siguro bukas ay yayayain ko siyang bumisita reto sa bahay. At bukas na bukas din ay sisimulan ko ng manligaw sa kanya.
Hanggang sa pagtulog ko ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Sana lang ay hindi na matapos ang sayang ito.
"Anak , gising." isang tinig ng babae ang aking narinig.
Unti-unti kong minulat ang mata ko. I saw Mama and Papa , smiling at me.
"Ma , pa. I missed you so much." hindi ko mapigilang maging emosyonal. Sino bang hindi?
"Bangon na anak , pinagluto ko kayo ng paborito niyo." masiglang litanya ni Mama.
Bumangon ako at dumiretso sa kusina. Nakita ko roon ang maraming pagkain kasama ang paborito kong balisungsong at marami pang iba.
"Ma , namiss ko po ang luto niyo." nakangiti kong sabi habang ngumunguya ng balisungsong.
"Naku, anak. Marami iyan kumain ka lang." nakangiting sambit din ni Mama.
"Jiyo, anak. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan ninyong mag-ingat. Lalo na sa isa mong mga kaibigan. Kumikilos na ulit si Victor." seryosong sambit ni Papa. Napatigil ako sa pagkain at diretso kong tiningnan ang mata niya.
"Victor? Sino iyon, Pa? At ano pong mag-ingat sa isa kong kaibigan? Bakit po? Naguguluhan na ako." who the hell is Victor? At bakit ko kailangan mag-ingat sa kaibigan?
"Halgo. Hanapin mo si Halgo anak. Siya ang makakatulong sa inyo." sagot ni Papa. At sino na naman itong si Halgo na to?
"Ma , pa? Natatakot ako." I know it's sounds so gay pero natatakot talaga ako sa maaaring mangyari.
"Si Yuki.." naputol ang sasabihin ni Mama nang may yumogyog sa akin.
"Kuya , gising. Binabangungot ka na naman. At sigaw ka ng sigaw ng Yuki." nagisingan kong bihis na bihis na naman si Akumi. Saan na naman ang lakad nito?
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...