By Pair
Kausap ko ngayon si Akumi. Kailangan ko na sabihin ang mga plano ko.
"A, pack your things. Kailangan na nating lumipat , hindi na safe dito." panimula ko.
"Lilipat kuya? Saan?" takang tanong niya.
"Kahapon ay nagresign na ako sa trabaho. Naghanap na din ako ng maaaring boarding house na malilipatan natin." hindi naman dapat mangyari to. Kailan ba to nagsimula? Ang mga banta sa buhay namin?
"Why did you do that, kuya? Bakit kailangan nating lumipat?" iritadong tanong ni A. Hindi ko naman siya masisisi dahil biglaan din talaga ang desisyon ko.
"Hindi na safe dito ,Akumi. At kung may mangyari mang masama sa iyo , hindi ko na alam gagawin ko. Ikaw na lang ang meroon ako, A. Pilit ko naman iniisip na baka may nantitrip lang pero A, hindi mo maaalis sa akin hindi matakot at mag-alala. I hope you understand kuya." mahaba kong paliwanag. I know magiging mahirap ito sa amin, lalo na sa kanya.
"Pero hindi mo naman kailangan magresign dahil lang sa akin, kuya. Malaki na ako don't make me feel na bata pa ako." I know A , maiintindihan mo din akon
"Kailangan ko A. Hindi kita pweding iwan mag-isa kapag may trabaho. Packs your things naghihintay na lang ako ng text mula sa pinuntahan kong mga boarding house. No more questioning. It's final." pinal kong sabi. Hindi ito ang panahon para makipagtalo.
"Okay." padabog na pumasok si Akumi sa kaniyang kwarto.
Kahit naman ako ay ayaw umalis dito. Sa loob ng halos 13 years e, ito na ang naging tahanan ko. Pero kailangan kong isantabi iyon para sa kaligtasan namin.
Naging tahimik ang buong araw namin pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni A kaninang umaga e wala ng kibuan. Naging busy kami sa pag-aayos at pag-iimpake.
-
Alas-syete ng umaga ng marating ko ang SEAU. 30 minutes earlier for our first subject. Alam niyo namang ayaw kong nale-late.Unti palang ang tao sa room ng pumasok ako.
Narito na din pala si Merds at Anthony. At himala pati si Hambog-bossy ay maaga. Natakot siguro sa banta ni Ms. Pilapil. Tiklop din pala amputek.
"Hi Ji, kamusta? 2 days kang walang paramdam." nakangusong sabi ni Merds. Ang cute niya tuloy tingnan.
"Wag ka ngang ngumuso Merds, mukha kang tangang pato." sabat naman ni Anthony.
"Yieee , pato ako tapos ikaw bibe ko." yan na naman sa mga banat niyang corny.
"Tf Merds, mahilasan ka nga. Nakakasuka ka." nagkunwari pang nasusuka si Anthony.
Napanguso na lang ulit si Merds. Kailan kaya magkakasundo itong dalawa na to?
"Pasinsya na guys, medjo naging busy ako nong weekends e. Nagresign na ako sa trabaho at kailangan naming lumipat ng bahay. Kaya hindi ano nakaparamdam , naghanap ako boarding house e." paumanhin kong sabi.
"Nagresign? Bakit? Dahil ba sa kweninto mong HAMBOG-BOSSY na babaeng iyon?" pinagdiinan niya talagang maigi ang salitang hambog-bossy na iyon at sumulyap pa kay Ryumi. Trip nito?
Napatingin naman si Ryumi , ngunit kaagad ding umiwas at napahalukipkip.
"HAHAHA , hindi naman. Masyado lang komplikado ang buhay buhay." natatawa kong sabi. "Baka meroon kayong alam na boarding o apartment?"
"Ah ganun ba? Akala ko dahil don sa babaeng yun e." sabay sulyap ulit kay Ryumi. "Aray." sabay nguso ulit
Malakas na batok ang ginawa ni Anthony. Mapanakit amputek.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Fiksi RemajaThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...