XXXIV

9 0 0
                                    

Guest

Something's weird is happening with Ryumi. Kung hindi siya gagawa ng ingay kapag nag-uusap kami ni Margaret ay sisigaw na lamang siya bigla ng kung ano-ano. Kahit kailan agaw atensyon talaga ang isang ito. Talagang galit ata sa mundo ang babaeng to.

Hanggang sa abangan ba naman ay kung ano-ano ang sinasabi. At ng mahuli wala namang kwenta ang palusot. Kung di lang talaga babae ito ay matagal ko ng nasapak ito. Araw-araw na lang may kung anong ganap sa buhay niya na di maintindihan.

Mabuti na lamang at may humintong taxi at nakasakay na ako , dahil hindi ko na mataim na kausapin pa ang isang yun sa mga nonsense na bagay. Wala namang matinong sasabihin ang babaeng ito kaya pipiliin ko na lang na makaalis kaysa magstay.

Muli ko siyang nilingon ng magsimulang tumakbo ang taxing sinasakyan ko. Isang itim na kotse ang namataan kong nakasunod sa sinasakyan ko kasabay ng pagmamadaling pagsakay ni Ryumi.

Hindi ko pinansin ang itim na kotse ganun din ang taxing sinasakyan ni Ryumi. My time is so precious para pagtuunan ko sila. Tsaka di ko naman pag-aari ang kalsada. Pinikit ko na lang ang mga mata ko para sa panandaliang pahinga. Nakakastress ang araw na ito dahil malapit na ang exam namin dagdag pa ang asungot sa buhay.

Ang tahimik at banayad na lugar ang nagisingan ko matapos akong gisingin ni Manong Driver. Napag-alaman kong malapit na pala ako sa bahay. " Iho , kanina ko pa napapansin na nakasunod ang itim na kotseng iyon at ang taxi sa likod niya. Kilala mo ba iyon?"

Agad kong nilingon ang tinutukoy ni Manong Driver. Nakita ko ang itim na kotse at ang taxing sinasakyan ni Ryumi. What's wrong with this two? "Naku , Manong hindi ko po kilala ang mga iyan. Baka po dito din ang tungo." Pilit kong kinalma ang sarili ko at nagpakawala ng isang pilit na ngiti. I feel bad about this. "Ah Manong dito na po ako. Magkano po?" Agad kong pinara ang taxi ng nasa tapat na kami ng bahay. Alangan naman lumagpas pa ako tapos maglalakad, diba?

"40 lang iho."

Inabot ko ang 50 pesos kay Manong at agad lumabas ng taxi. "Manong keep the change po. Ingat kayo."

Tinungo ko ang gate ng bahay at pasimpleng nilingon ang mga sumusunod sa akin. Paano ko nalaman? Halata naman e , hindi naman dito ang bahay ni Ryumi. Nakita ko ang paghinto ng itim na kotse sa tapat ng isang malaking puno at ang taxi namang sinasakyan ni Ryumi ay huminto di kalayuan sa kotseng itim. Bumaba ang lulan ng itim na kotse , isang nakaitim na lalaki ang natanaw ko na nakasuot ng itim na sombrero at mask.

Nagtago ako sa isang kumpol ng halaman sa tabi ng gate. Ayaw kong makita nila na sinusubaybayan ko sila. Nakita ko ang paglakad ni Ryumi patungo sa pwesto ng lalaki na ngayon ay nakatago na sa malaking puno. May binunot si Ryumi sa ilalim ng palda niya, kung ano iyon? Hindi ko din alam.

Inilagay niya ang kanyang kamay na may hawak ng di ko malaman na bagay sa tagiliran ng lalaki. Batid ang pagkagulat sa lalaki dahil sa biglaan pagtaas ng balikat nito. Alam kong nag-uusap sila dahil bumubuka ang bibig ni Ryumi. Kung ano man ang pinag-uusapan nila alam kong hindi maganda , ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.

Nangangawit na ako sa kakatuk-ong dito sa halaman dahil sa pag-aabang ng maaaring mangyari sa dalawang ito. Kinakagat na din ako ng lamok.

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap ng dalawa ay tumalikod na ang lalaki. Kasabay non ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Ryumi ng matapos ang pagbulong ng Man in Black na yun.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now