Run
Mabigat ang pakiramdam ko ng minulat ko ang aking mata. May binda rin sa kanang braso ganun din sa tiyan.
Nasa school clinic pala ako dahil sa nangyari kanina.
"RYUMI!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kaniya.
Napalingon ito sa akin ngunit huli na ang lahat , tumama na sa aking kanang braso at tiyan ang bote. Sa akin tumama ang hampas ng babaeng kaaway ni Ryumi imbes na sa kanya.
"KUYA!" sigaw ni A. Hindi ko ito pinansin dahil ang tingin ko ay nakatuon pa din kay Ryumi .
Ang malakas na suntok na iginawad ni Ryumi na nnakapagpatumba sa babaeng humampas ng bote ang huling pangyayaring nakita ko bago ako mawalan ng ulirat.
Iyon nga ang dahilan kong bakit ako napunta dito.
Natuon ko ang paningin ko sa pintuang kabubukas lamang.
Pumasok ang school nurse. Nurse Erica , nakalagay na pangalan sa kanang bahagi ng kaniyang dibdib. Sa tingin ko ay nasa 20's palang ito. Dahil mukhang bata pa.
"Jiyo, kamusta na ang pakiramdam mo? Halos 5 oras kang tulog." tanong nito ng tuluyan na siyang nakalapit sa akin.
"Ayos naman po ako. Medjo masakit lang ang mga sugat." sagot ko. Hindi ko masyadong maikilos ang kamay ko dahil naka-bandage ito. Pero wait , 5 hours akong tulog? Amputek, ang tagal naman.
"Medjo malalim ang hiwa mo sa kamay kaya tinahi ko ito at daplis lamang sa tiyan. Buti na lang at di ganun kasama ang tama mo." tama siya. Buti na lang at di ganun kalalim. "Sa ngayon, pwedi ka ng umuwi." dagdag nito.
"Ang kapatid ko po? Si Ryumi po kamusta?" tanong ko.
"Ang kapatid mo ay kasama ng mga kaibigan mo , hindi kasi maaaring magstay dito sa loob kung di naman kailangan. Si Ryumi naman ay nakauwi na." nakangiting sagot ni
Tumango lamang ako at dahan dahang tumayo.
Tinahak ko ang daanan palabas ng clinic , madilim na nga.
Nakita ko si Akumi na naka-upo sa isang bench malapit sa clinic. Seryosong tinitipa niya ang kaniyang selpon. Sa gilid niya ay ang mga gamit ko.
Mabilis akong lumapit sa kaniya. "A, tara na umuwi na tayo." Saad ko ng makalapit ako sa kaniya.
Agad niyang tinago ang selpon niya. "K-kuya? Kamusta ang pakiramdam mo?" pilit niyang ngiti.
"Ayos na ako A , di naman daw malala ang tama ko." ngumiti din ako bilang ganti , ayaw kong mag-alala siya. "Sila Merds at Anthony pala?"
"Pinauna ko na kuya , maggagabi na din baka hinahanap na sila. I-text mo na lamang daw sila o i-chat kapag naka uwi na tayo." sagot niya. Tumayo siya at sinilip ang selpon , pagkatapos ay kinuha ang mga gamit ko.
"Ako na A , kaya ko naman." kuha ko sa mga gamit ko. Kaya ko naman talaga e, tsaka mabigat ang bag ko sama mo pa ang aklat.
Iniabot niya ito sa akin. Inalalayan niya ako sa paglalakad.
"A, daan muna tayo sa locker at ilalagay ko lang ang mga aklat."
Tumango lang siya.
Inilalagay ko ang aklat ko sa locker ng mapansin kong parang may magmamasid sa amin.
Minadali ko ang paglalagay ng mga aklat. "A, c.r lang." matapos ko mailagay ang mga aklat.
Hindi naman talaga ako magbabanyo. Naglakad ako patungo sa direksyon na sa tingin ko ay may nakatingin.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...